KABANATA 35

27 6 0
                                    

Mahigit tatlong araw ang itinagal ni Carlita sa pagbiyahe patungo sa Luzon. Nagpapasalamat siya kay Aling Rosana dahil napakalaking tulong ang kaunting halaga ng pera na kaniyang ipinahiram. Bahagyang nahihilo ang lagay ni Carlita dahil sa sunod-sunod na biyahe na kaniyang sinakayan. Hanggang sa sumapit na ang madaling araw.


Agad na inayos ni Carlita ang kaniyang tinulugan sa maliit na tuluyan sa isang lungsod. Walang-kamuwang muwang si Carlita kung papaano makakauwi sa Lavigan. Mabuti na lamang ay mayroon siyang napagtatanungan ng mga diresyon. Isang beses sa isang araw lamang kung kumain si Carlita dahil kinakaylangan niyang magtipid para sa pamasahe na kaniyang gagastusin.


"Hija, saan ba ang iyong patutunguhan?" usisa sakaniya ng Ginang na nagmamay-ari ng tuluyan na kaniyang pinagpalipasan ng gabi. "Nako, sa Lavigan ho. Mayroon ho ba kayong alam na sakayan dito patungo roon?"


"Nako! Tamang-tama hija, paalis na ang aking asawa patungo roon!" masayang sambit ng Ginang. Agad na nakahinga ng maluwang si Carlita nang marinig ang sinabi ng Ginang. Kaunting oras na lamang ay makaka-uwi na siya! Halos maluha siya sa saya sa pag-isip palang niyon!


"Isang oras nalang ang ating biyahe , hija. Maaari ka munang matulog dito.." ani ng asawa ng Ginang. Katabi ni Carlita ang mga kalakal ng matanda. Tiyak ay sa bayan ang tungo ni manong. Isinandal ni Carlita ang kaniyang sentido at pinanood ang tanawin sa kaniyang harapan. Tahimik niyang iniisip kung paano niya haharapin ang kaniyang magulang. Hindi niya alam kung hinahanap siya ng kaniyang pamilya sapagkat mahigit tatlong taon siyang nawala. May halong takot at saya ang nararamdaman ni Carlita. Sana ay maging maayos na ang lahat.


Pagkalipas ng halos isang oras ay nasilayan na ni Carlita ang pamilyar na mga bulubundukin sa kaniyang kinalakihan na bayan! Ang pamilyar na amoy ng simoy ng hangin. Kahit ang mga puno ay walang ipinagbago. Maluha-luhang nakangiting ipinagmasdan ni Carlita ang kanilang nalalagpasan na mga bahay. "Hija, narito na tayo sa Lavigan. Saan ba kita ibababa?" tanong ni manong.


"S-Sa Mansyon po ng mga Bonifacio.." sagot ni Carlita. Naghalo-halong emosyon ang naramdaman ni Carlita nang buumaba siya at harapin ang kaniyang tahanan. Makalipas ang tatlong taon ay tila is ana siyang estranghera sa kaniyang sariling bahay. Malaki ang ipinagbago ng kaniyang nakikita. Dumami ang mga puno at kumapal ang mga damo na bumabalot sa daanan. Mayroong dalawang kawal ang nagbabantay sa may pasukan. Huminga muna ng malalim si Carlita bago siya naglakas loob na lapitan ang dalawang kawal.


Inihanda na niya ang sarili na kagulatan ng lahat. Sa tagal niyang nawala ay baka inakala na din ng mga tao na siya ay patay na. "M-Mga kawal?" tawag niya.


Agad na nakuha niya ang atensyon ng dalawang kawal. Habang papalapit siya ay napansin niya ang paglaki ng mga mata ng mga kawal. Tila napa-atras sila sa kaniyang paglapit. Bakas ang takot sa kanilang mukha. "B-Binibining C-Carlita?!" nanginginig na usal ng isa sa mga kawal.


Natuwa kahit papaano si Carlita sa pagkakilala sakanya! "Oo ako ito! A-Ako ito!" masayang ani niya at saka lumapit pang muli. Ngunit kabaligtaran ng inaasahan niyang reaksyon ay agad na binuksan ng kawal ang matayog na pasukan at saka nag-unahan na tumakbo papasok. Naiwan nilang bukas ang pasukan. "Bakit tila nagtakbuhan sila?" naguguluhan na tanong ni Carlita sa sarili.


Naguguluhan na pumasok sa loob si Carlita. Sa may hindi kalayuan ay may natanaw siyang isang batang lalake na naglalaro sa mga puno. Hindi kaya, ito na ang anak ni Cristina? "B-Bata!" tawag niya sa bata. Agad siyang nilingon nito at saka matamang tinitigan. "H-Hindi ako masamang tao.." usal ni Carlita.

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon