"Tahan na.." pagsusumamo ni Ernito kay Amelya.
"Ernito!" tawag ni Leandro dahilan para kumalas siya sa pagkakayakap kay Amelya. Nilingon niya ito at hawak hawak niya sa Kuwelyo ang lalaki na nagtangkang tumakas sakanila. May kasama din siyang dalawang kalalakihan na may dalang lubid.
"Mga kawal sila dito sa Isla, ipinatawag ko sila.." paliwanag niya. Tumango si Ernito sa narinig. "Salamat.." aniya. "Bukas pa ba ang munisipyo dito ng ganitong oras?"
"Siguro, sa aking palagay ay magdamag iyon na bukas." ani ni Leandro. "Ihatid mo na muna si Amelya pauwi dahil natitiyak ko na nag-aalala na sila sa baryo para sakanya. Sumunod ka nalang sa munisipyo.." ani ni Leandro. "Sige."
Gaya ng napag-usapan ay inihatid muna ni Ernito pabalik si Amelya. Tahimik silang pareho habang pabalik. Nilingon ni Ernito si Amelya. Naka-krus ang kaniyang mga braso at malalim ang iniisip. Siguro masyado siyang nabigla sa nangyari.
Nang makarating sila sa baryo ay agad sila na sinalubong ni Nay Belinda. "Amelya! Salamat sa Diyos at maayos ka.." naka-hinga ng malalim si Nay Belinda habang niyayakap ang apo. "Saan ka ba nanggaling na bata ka? Oh, bakit may mga galos ka?"nag-aalalanag tanong ni Nay Belinda habang papasok sila sa kubo kasama si Ernito. Inilahad niya ang buong pangyayari at gaya ni Ernito ay umakyat din ang dugo ni Nay Belinda nang marinig ang sinapit ng kaniyang apo.
"Humanda saakin ang mga batang iyon!"
"Nay, puwede po ba na paki gamot nalang po ang mga sugat ni Amelya.. Susunod muna ako kay Leandro sa munisipyo upang ilahad ang pangyayari."
"nako, mabuti pa nga. Mag-iingat ka ha?" bilin niya kay Ernito bago umalis.
"Ernito?" alabas na ng kubo si Ernito ng tawagin siya ni Amelya. Nilingon niya ang dalaga. "Salamat, muli.."
Nginitian niya lang ang dalaga bago lumabas ng kubo.
HABANG ginagamot ni Nay Belinda ang kaniyang mga galos, naglakbay ang isip ni Amelya sa mga pangyayari kanina. May narinig siyang mga boses, at kung hindi siya nagkakamali ay boses niya iyon at ni Ernito. Na sinasabi na mahal nila ang isa't isa. Napasimangot si Amelya. Ano naman iyon at saan nanggaling? Bakit tila pamilyar para sakaniya ang mga kataga na iyon? Hindi kaya nanaginip siya kanina?
"Oh apo, nais mo ba munang sumubo ng hapunan?" tanong sakaniya ng matanda. Agad na umiling si Amelya. Sa mga pangyayari kanina ay nawalan siya ng gana na magutom. Masyado siyang nabigla sa mga pangyayari. "Kinabukasan nalang po, Nay. Nais ko na munang magpahinga kung ayos lang ho.."
"O, siya sige.. Marahil ay napagod ka. Itatabi ko nalang ang mga pagkain para makain mo kinabukasan."
"Salamat, Nay.." tipid na ngitti ni Amelya bago pumasok sa kaniyang silid. Masyadong magulo ang araw na ito, saka na niya iisipin muli ang mga pangyayari kapag nakapagpahinga na siya. Sa ngayon ay kailangan niya munang magpahinga at matulog.
Kinabukasan ay maaga na nagising si Amelya. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga pangyayari na naganap sakaniya kagabi. Tila parang panaginip lang ang lahat.. Ang pag dating ni Ernito para sakaniya..
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Fiksi SejarahAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.