KABANATA 30

31 6 0
                                    

Dalawang lingo ang lumipas, napapansin ni Amelya na napapadalas ang pagkikita ni Ernito at Mahalia. Walaang araw na nakalimuttan ni Mahaliia na ibahagi sa kaniyang kaibigan ang kanilang mga pinag-uusapan ng kaniyang iniibig. Kahit nakakaramdam ng inggit si Amelya, ay nanatili siya na nagging masaya para sa kaibigan.


Dalawang linggo na din simula ng maka-uwi si Joaquin mula sa Dapitan. Kahit na nabigla, aaminin ni Amelya na masaya siya na makakasama nila muli si Joaquin. Dalawang taon din ang itinagal ng kaniyang kaibigan sa Dapitan, at malapit nang itanghal na maging Heneral si Joaquin.


"Mabuti naman at naka balik na si Joaquin!" ani ni Mahalia habang kinukusot ang mga kanilang damit sa tubig ng ilog. Gaya ng dati, nandirito muli sila sa ilog at naglalaba. "Oo nga eh, napakarami niyang ikinuwento saakin noong nakaraan na linggo.." sabi ni Amelya. Napatili si Mahalia na tila kinikilig pa.


"Kayo ha.." tukso nito, dahilan para mamula ang kaniyang mga pisngi. "Mahalia!" suway niya sa kaibigan. "Magkaibigan lang kami ni Joaquin, kaya huwag mo nga kami na tuksuhin!" naiilang na sabi ni Amelya. Natawa nalang si Mahalia sa kaniyang ini-asta. Simula ng maka-uwi si Joaquin ay hindi na tinigilan na tuksuhin ni Mahalia si Amelya, at tila tuwang-tuwa pa ito!


"Sigurado na ba iyang kaibigan na iyan?" tanong ni Mahalia na may halong panunukso ang boses. Diniinan niya pa ang salitang kaibigan.


Natigilan muna si Amelya bago naka sagot. Hindi niya din napigilan ang pisngi na uminit. Karamihan sa mga tinutukso ay nahuhulog sa isa't-isa! At ayaw niya na mahulog kahit kanino man! Kahit kay Ernito pa..


Bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa pagbanggit ng kaniyang isipan sa pangalan ni Ernito.



"Nako, maiwan muna kita Joaquin. Nakalimutan ko na may ibinilin saakin si Nay Belinda." Tumayo sa pagkaka-upo si Amelya sa kahoy na inuupuan nila ni Joaquin. Masyadong mahaba ang kanilang napag-usapan. At natuwa si Amelya dahil madaming naibahaging magagandang kuwento sakaniya si Joaquin. Sandaling nahagip ng kaniyang mga paningin si Ernito. Hindi niya alam kung totoo ang kaniyang Nakita na tinititigan siya ng binata.


"Sandali muna ha?" agad naman na tumango si Joaquin. "Mauuna na din ako," ani ni Joaquin at saka tumayo na din. May katangkaran ang binata kaya nagawa ng kaniyang katawan na takpan si Ernito mula sa di kalayuan. "Mayroon pa kasi ako aasikasuhin sa Mansyon.. Naisipan ko muna na bumisita dito muli bago ako umuwi.." inilabas ni Joaquin ang kaniyang mga mapuputing mga ngipin habang nginitian si Amelya.


Nagpaalam na ang dalawa sa isa't-isa. Pinanood muna ni Amelya na maka-alis ang karwahe na sinasakyan ni Joaquin bago lumapit kay Ernito. Aaminin niya na nagpapasalamat din ssiya kay Joaquin, dahil sa presensiya ng binata ay may pinag-kakaabalahan siya. Aaminin niya din na madalang nalang sila na magkausap ni Mahalia sa kadahilanang tinutulungan niya si Ernito sa mga herbal na gamut.

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon