KABANATA 32

16 6 0
                                    


Huminga ng malalim si Ernito bago niya inilapag sa sahig ang kaniyang mga bagahe. Nilinga-linga niya muna ang kaniyang paligid bago siya lihim na napangiti. Ito na ang huling araw niya dito sa Candida. Sa tagal niyang namalagi rito ay marami siya'ng natutunan. Tungkol sa pagpapatawad, pag-mamahal sa sarili at pagpatuloy sa buhay kahit marami nang mga bagay ang humahadlang. 


Nakatanggap siya ng liham mula sa kaniyang ina na nakasulat na siya ay bumalik na sa Aurora sapagkat nais na siyang maka-usap ng kaniyang ama sa hindi niya alam na dahilan. Gustuhin man ni Ernito na manatili dito ng ilan pang mga araw ngunit hindi niya nais na malungkot ang kaniyang pamilya. Matagal na din mula nang mawalay siya sa kaniyang pamilya at aaminin niya na gusto niya na din silang makita. 


"Tila maaga ka'ng nag-ayos ng iyong mga gamit?" napalingon si Ernito sa tinig ni Leandro galing sa kusina. 


"Hindi ko nais na mahuli saaking barko," mahinang tawa ni Ernito. "Anong oras  ba ang iyong biyahe?" 


"Alas-tres ng hapon, bakit mo naitanong?" 


Napangisi si Leandro nang marinig ang sagot ng kaibigan. "Wala naman," palusot nito. "Siya nga pala, ako na ang nagluto ng ating almusal sapagkat nais ko na matikman mo ang aking masasarap na putahe bago ka lumisan sa aming Isla." pagmamalaki ni Leandro. Napailing-iling nalang si Ernito bago niya ito sundan sa kusina.


Matapos silang mag-almusal ay napag-isipan ni Ernito na bumisita muna sa kabilang baryo upang makapag-paalam. Sa sandaling pagpunta ni Ernito dito ay napalapit na siya sa mga tao dito. Parte na din sila ng kaniyang buhay. Nang makarating sila ni Leandro sa baryo ay nakakapagtaka ang nakabibinging katahimikan. 


Tahimik dito at mayapa ngunit hindi ganitong katahimik na wala kang maririnig. Nakasara ang mga kubo at tila walang tao sa paligid."Nasaan sila nagtungo?" mahing usal ni Ernito habang naguguluhan. 


"Nakakapagtaka, bakit tila tahimik?" ani ni Leandro sa kaniyang likuran. "Tama ka, bakit-"


"MALIGAYANG KAARAWAN ERNITO!!!"Napatalon sa gulat si Ernito nang marinig niya ang sabay-sabay na pagsigaw ng mga tao sa kaniyang likod. Paglingon niya ay nandoon nagsama-sama ang mga mamamyan sa baryo kasama si Leandro at Nay Belinda! Hindi niya inaasahan na may surpresa para sakaniya ang mga ito. 


"T-Teka, paano niyo nalaman ang tungkol doon?" naguguluhan na tanong ni Ernito. Sa kaniyang pagkakaalam ay si Leandro lamang ang nakaka-alam sa kaniyang pag-alis.


"Nang malaman iyon ni Leandro ay naki-usap siya saamin para gumawa ng munting salo-salo bago ka lumisan." paliwanag ni Mang Natoy. Nilingon niya si Leandro. "Ikaw ang may ideya dito?" natatawwang sambit ni Ernito. Hindi niya akalain na mag-aabala pa siya!


"Nag-abala ka pa yata?" biro niya.


"Ayos lamang iyon, Ernito. Napamahal ka na saamin at para na din kitang kapatid," ani ni Leandro. Napangiti si Ernito sa narinig. Sa kabila ng kanilang alitan ni Leandro ay nagawa padin niyang patawarin si Ernito at kalimutan ang kanilang masasamang pagsasama. "Maraming salamat, Leandro." emosyonal na sambit ni Ernito. 

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon