KABANATA 33

15 6 0
                                    



Maagang nagising si Amelya dahil sa sunid-sunod na tilaok ng manok. Umupo siya sa kaniyang higaan at saka marahan na kinusot ng mga mata.  Nang makabangon na siya ay agad siyang dumeretsyo sa kusina upang uminom ng tubig nang biglang sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang napanigipan. 


Nitong mga nakaraang araw ay nanaginip siya ng mga kung ano-anong pangyayari. Hindi pa iyon nangyayari sa kaniyang buhay ngunit parang kahapon lamang naganap ang mga pangyayari na iyon. Bagaman hindi niya maalala ang buong pangyayari, paunti-unti na niyang naipagtatagpi ang mga pangyayari na iyon. Kung bakit nangyayari ito sakaniya ay hindi niya alam, siguro parte iyon ng mga pangyayari bago ang aksidente na sinasabi sakaniya ni Nay Belinda.


"Apo, bakit hindi ka pa naghahanda?" umalingawngaw ang tinig ni Nay Belinda sa kusina. Tila maayos ngayon ang kasuotan ng Ginang at may kinang sa kaniyang mga mata. Napakaganda niya. "Ho?" wala sa sariling sagot ni Amelya.


"Ang sabi ko ay bakit tila hindi ka pa handa? Hindi ba't ngayon ang iyong sinasabi na kaarawan ni Ernito?" gulat na sambit ni Nay Belinda. Oo nga pala at ngayon ang kaarawan ni Ernito. Biglang nag-iba ang kaniyang emosyon sa naisip.


"Nako Nay, susunod nalang ho ako sainyo. Hindi po kasi masyadong maayos ang aking kalagayan ngayon.." palusot niya, ngunit mukhang naniwala naman ang matanda.


"Nilalagnat ka ba apo?" nag-aalalang tanong ni Nay Belinda at saka kinapa ang kaniyang leeg para tignan kung mainit ang kaniyang temperatura. "Bahagyang masakit ho ang aking ulo, ngunit sigurado ako mamaya ay maayos na ako." paninigurado ni Amelya.


"Oh siya sige, ika'y mag-pahinga muna. Sumunod ka nalang mamaya kapag maayos na ang iyong kalagayan. Tiyak ay hahanapin ka ni Ernito." ani ni Nay Belinda na may halong panunukso ang boses. "Nay naman.."


"Oo na, mauuna na ako. Magpahinga ka muna ha?"


"Opo nay, mag-iingat kayo.." biglang naburaang ngiti sa mga labi ni Amelya nang maka-alis si Nay Belinda. Ang totoo niyan ay wala siyang balak na magpakita sa kaarawan ni Ernito. Gustuhin niya man, ay hindi maaari.



"A-Ano ang nais mo na pag-usapan?" bahagyang nanginginig ang boses ni Amelya. Katatapos lang nila ni Leandro na planuhin ang kanilang sorpresa para kay Ernito sa kaniyang kaarawan.


"Kung maaari lang Amelya, huwag ka nang umasta na parang wala kang kinalaman sa mga pangyayari!" nagulat si Amelya sa biglang pag-taas ng boses ni Mahalia. Hindi niya pa nakita kung paano magalit ang kaibigan. Ngayon pa lamang. At hindi niya alam ang dahilan kung bakit.


"Mahalia- A-Ano ang ibig mo'ng sabihin?" nauutal na tanong ni Amelya. Kitang-kita sa mata ni Mahalia ang nagpupuyos na galit. Hindi kaya-


"Sinungaling! Narinig ko ang inyong pinag-usapan ni Ernito! Inaagaw mo siya saakin!" matapos na bitawan ni Mahalia ang mga masasakit na salitang iyon ay kasunod nang pagdapo ng kaniyang palad sa pisnge ni Amelya.


Muntik nang mawalan ng balanse si Amelya sa lakas ng sampal ng kaniyang kaibigan. Nakita na niya na ganito ang mangyayari. Ngayon palang ay punong-puno na siya ng pagsisisi. "M-Mahalia, p-pakiusap hayaan m-mo akong magpaliwanag-"

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon