KABANATA 18

23 5 0
                                    


Huminga ng malalim si Ernito habang naglalakad sa daungan pasakay sa barko pabalik sa Pilipinas.


  "Puedo ver tu boleto?" tanong ng isang tauhan sa barko na hiniingi ang tiket ni Ernito. Walang buhay na ipinakita niya ang kanyang tiket. Sinuri ito ng lalake at saka sila nginitian ni Maria. 

"Ten cuidado con el viaje." Magiliw na bati sakanila ng lalake na ibig sabihin ay mag-iingat kayo sa biyahe. "Gracias." Ani ni Maria at saka sila pumasok sa barko.


"Bakit tila hindi ka masaya na ngayon ay babalik na tayo sa Pilipinas?" tanong sakanya ni Maria, na mukhang nahahalata na ang pagka-tamlay niya kanina pa. Bumuntong hininga si Ernito. "Matutuwa ka ba kung babalikan mo ulit ang bansa nakung saan ay nasaktan ka at nadurog ng sobra-sobra?" wala sa sariling sagot ni Ernito. Tatlong taon na ang nakalipas simula nang matagpuan nila ang bangkay ni Carlita. Tatlong taon na din siya na namalagi sa Espanya upang makalimot. Kung hindi lamang importante ang kanyang dahilan kung bakit siya uuwi, ay nanaisin na lamang niya na tumira sa Espanya kaysa balikan ang lupang sinilangan.


"P-Pasensiya na Ernito. Akala ko ay nakalimot ka na.."


"Huwag kang humingi ng tawad Maria, wala kang kasalanan. At hindi, hindi pa ako nakaklimot. Sa lahat nang nangyari tatlong taon ang makalipas ay sariwa pa lamang. Hindi madali ang makalimot Maria." Tila napahiya si Maria sa kanyang sinabi. Sa halip ay ngumiti nalang si Ernito. Walang kasalanan ang dalaga kung bakit siya nagkakaganon. "Sige na, pumasok ka na sa iyong silid. Magkita nalang tayo sa kubyerta." Tuamngo naman ito at nagtungol na sakanilang silid.


Nang makapasok si Ernito ay walang gana siyang umupo sa upuan at saka wala sa sariling tumitig sa dagat. Hindi ganito ang kanyang pagkatao noong huling beses na uuwi siya sa Pilipinas galling Espanya. Masaya siya noon at halos hindi makapag-hintay na dumaong ang barko sa daungan ng Maynila. Masaya siya dahil makikita na niya si Carlita pagkatapos ng maraming taon. Mapait na ngumiti si Ernito sa alaala. At heto siya ngayon, uuwi muli sa Pilipinas sa kaalamang wala na ang kanyang pinakamamahal na naghihintay sakanya.


Nilaro niya ang singsing na nasa kanyang daliri. Basta nakikita niya iyon ay hindi niya mapigilan na mapangiti at malungkot. Isinuot ito sakanya ni Carlita, tanda ng pagmamahal nito sakanya. Hanggang ngayon ay nangungulila parin siya. Pinilit niyang makalimot. Pinilit niya na tanggapin na isang mapait na alaala nalang si Carlita. Sinubukan niya. Nakipagkilala siya sa iba ngunit pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa kanyang namatay na asawa. Kahit pa namaalam na ito ay asawa padin niya si Carlita. Kasal padin sila kaya hindi niya magagawa na humanap ng iba. Kahit pa sabihin na Malaya siya na magmahal muli, hindi niya mapapalitan si Carlita sa kanyang puso. Walang makakapantay sa pagmamahal ni Carlita. Wala..


Lumipas ang mahaba na lakbay patungong Pilipinas galling Espanya. Sa tagal na naglalakbay ay walang ginawa si Ernito kundi magbasa ng libro tungkol sa medisina. Nang umalis siya patungong Espanya ay doon siya nag-aral ng medisina at sa gabay ng Diyos ay isa na siyang ganap na doktor. Walang araw na hindi din siya nagsulat sa kanyang talaarawan.


'Ika-14 ng Pebrero 1885

Tatlong taon na ang nakalipas simula nang ikasal kami ni Carlita sa araw na ito. Napakatagal nan ang tatlong taon ngunit parang sariwa padin ang pangyayari noong 1882. Napakasariwa padin ng kanyang pagkawala. Tatlong taon na akong nangungulila sa iyo Carlita. Araw araw ko na ipinagdarasal na sana hindi totoo ang lahat. Ngunit sino ang aking niloloko? Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang iyong pagkawala..'

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon