Isang linggo nanaman ang lumipas, wala pa rin ang nakaka kita kay Carlita. Madami na ang tumulong sa paghahanap sa nawawalang Binibini ngunit hanggang ngayon wala pa din ang nakakahanap ng bakas kung saan kinuha ang Binibini.
"Anak, sigurado ka na ba na kaya mo'ng tumayo?" tanong ng ina ni Ernito na inaalalayan siya sa pagtayo. Medyo gumaling na ang bali sa likod ni Ernito ngunit hindi pa din siya puwedeng gumalaw galaw dahil baka bumalik nanaman sakit nito. "O-Opo ina, kaya ko na po tumayo." Kaylangan niya nang tumayo. Hindi na niya matitiis na nakahiga lang siya samantalang nasa peligro ang buhay ng kanyang asawa. Tutulong na siya sa paghahanap.
Nang maka uwi si Ernito mula sa pagamutan ay agad niya na pinuntahan ang kapatid para alamin ang kalagayan nito.
"Pasensya na kuya at hindi ako naka dalaw sa iyo sa pagamutan. Hindi ako pinapayagan ni Ama sa kadahilanang hindi ko maigalaw ng maayos ang aking paa." Ani ni Emmanuel. Nang makita ni Ernito ang benda sa paa ang kanyang kapatid ay hindi niya napigilan ang galit na umakyat sa ulo niya. Nanginging siya sa galit para sa tao na may pakana sa lahat ng ito. Kung sino man ang tao na iyon ay hindi niya alam kung magagawa niya ito na patawarin. Masyadong malalim ang galit niya para sa tao na yun.
"Huwag mo akong alalahanin Emmanuel, ayos lang ako." Panigurado niya sa kapatid. "Pinapangako ko na hahanapin ko kung sino ang nasa likod sa lahat ng ito.
Pag katapos ni Ernito na bisitahin ang kapatid ay sumama siya sa ama na pumunta sa bahay ng mga Bonifacio para dalawin si Don Crisanto.
"Malala ang kanyang lagay, hindi ako tiyak kung hanggang kaylan tatagal ang kanyang kalagayan na ganiyan.." narinig ni Ernito at ang kanyang ama ang pag uusap ni Donya Carmena at ang isang manggagamot. Napahikbi ang ginang ay niyakap nalang si Cristina.
Sa halip na magtanong ay naki simpatya nalamang ang mag ama. Nag papahinga na si Don Crisanto ng silipin nila ito sa kanyang silid. May benda sa ulo, at nangignitim na ang ilalim ng kanyang mata, halata na wala na itong sapat na tulog.
"Palagi niyang hinahanap si Carlita. Ang sabi ni Ginoong Juanito ay naapaektuhan ang kanyang pag-iisip dahil sa lakas ng pagsabog, at sa pagkawala ni Carlita.." ani ni Cristina habang pinupunasan ang mga braso ng kanyang ama. Hindi siya umiiyak, itinatago niya ang kanyang emosyon. Kaylangan niyang magpakatatag.
"Nasaan ang iyong ina?" tanong ni Don Elejandro.
"Nasa silid ho Don Elejandro, pinagpahinga ko na dahil wala pa siyang sapat na tulog dahil sa pag aalala kay ama at kay Carlita.." malungkot na tugon nito. "Naasaan si Arnaldo? Kasama rin ba siya sa mga naghahanap kay Carlita?" tumango ito.
"Kung gayon ay magpahinga ka na din. Kami na na ama ang magbabantay muna kay Don Crisanto." Suhestiyon ni Ernito. "Huwag na, kaya ko pa naman at saka kaylangan mo pa na magpagaling sa iyong sugat.."
"Maayos na ang lagay ko. Paki-usap Cristina, hayaan mona kaming tumulong. Makakasama sayo ang labis na pag aalala lalo na at nagdadalang-tao ka. Ang dapat saiyo ay magpahinga." Saad ni Ernito. "Tama si Ernito, Cristina. Magpahinga ka muna, kami na muna ni Ernito ang bahala dito." Sa huli ay wala din nagawa si Cristina kundi sumunod nalang. Tama sila, mas makaksama sa kanyang dinadala kapag hindi pa siya nagpahinga.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Fiksi SejarahAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.