Sakay ng karwahe, hindi maiwasan ni Ernito na mapangiti sa tuwa. Sa wakas! Natagpuan na ang kanyang asawa. Pinagdarasal niya na sana ay maayos ang lagay nito, ngunit natitiyak niya na malulungkot ito kapag nabalitaan ang kalagayan ng kanyang ama. Sa kabila noon ay hindi niya padin kakalimutan ang kanyang ipinangako sa kanyang asaw nang sila ay ikasal. Tiwala lang..
"Sana ay ayos lang si ina sa bahay. Nag-aalala lang ako na baka magwala ulit si ama.." bulong ni Cristina sa kawalan. Dahil sa katabi niya lang ang dalaga ay hindi niya maiwasan na marinig ang saloobin nito. At dahil sa kasal siya sa kapatid nito ay magkapatid na din sila. Nagpumilit ito na sumama kahit pa ay binawalan niya ito sakadahilanang nagdadalang tao ito at baka maka sama sakanya. Ngunit sa huli ay wala din siyang nagawa.
"Mag-tiwala ka lang, magiging maayos din ang lahat." Pangungumbinsi niya kay Cristina. Ngumiti ito ng pilit. "Salamat, Ernito."
Mahaba ang nilakbay nila mula sa bayan ng Aurora. Hindi lubos maisip ni Ernito kung papaano napunta si Carlita sa ganitong kalayo na lugar. Tumagal ng dalawang oras ang kanilang nilakbay. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa kabilang bayan na sila. Sa buong byahe ay hindi natulog si Ernito. Masyado siyang sabik sa kanilang muling pagkikita ni Carlita.
Natapos ang dalawang oras ng kanilang paglalakbay ay nakarating na din sila sa isang tahimik na bukid. Sa hindi kalayuan ay makikita na ang mga kawal ni Kapitan Santiago kabilang na din ang mga ilang magsasaka na naninirahan sa bukid. Habang papalapit ay napalitan ng kaba ang say ana nararamdaman ni Ernito. Tila tumayo ang kanyang mga balahibo na para bang may dumaan na malamig na hangin.
"Cristina, narito na tayo.." marahan niyang inuga ang balikat ng natutulog na si Cristina hanggang sa ito ay nagising na.
"Nasaan na tayo?" agad na tanong nito sakanya.
"Hindi ako tiyak ngunit sa aking palagay ay nasa kabilang bayan na tayo."
Nang huminto ang karwahe agad na binuksan ni Ernito ang pintuan at saka naunang bumaba. Pagkatapos ay inalalayan niya na bumaba si Cristina. Agad na sumalubong sakanila si Arnaldo kasama si Kapitan Santiago.
"Mahal, ayos ka lang ba? Napaka-haba ng inyong nilakbay." Agad na lumapit si Arnaldo sa asawa at tiniyak kung maayos lang ang kalagayan nito.
"Mabuti at nakarating na kayo. Agad ko kayo na ipinatawag nang may nakuha kami na balita tungkol kay Carlita-"
"Nasaan ang aking asawa? Nasaan si Carlita?" agad na pinutol niya ang sinasabi ni Kapitan Santiago. Halata na hindi na siya makapaghintay, at dumadagdag pa ang kaba na nararamdaman niya. Huminga ng malalim si Kapitan Santiago at saka tumango.
"Sundan niyo ako kung gayon." Yun lang tumalikod na ito sakanya. Kanina pa ay hindi mapakali si Ernito. Nararamdaman niya na may mali. Nakikita niya sa mga itsura ng mga tao dito. Sana ay mali ang hinala niya. Kaysa pangunahan ay sinundan nila si kapitan Santiago sa isang tolda na binabantayan ng mga kawal.
Natatakot si Ernito sa maari niyang marinig na sagot kapag siya ay nagtanong. Sa halip ay nanahimik nalamang siya.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Historische fictieAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.