"Ikaw ang hinahanap ko, Carlita." sabi ni Ernito at saka nginitian si Carlita na kita ang ngipin. 'Papaanong ako ang kanyang hinahanap? Ano naman ang kaylangan niya?' tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
"H-Hindi ko maintindihan.. B-Bakit mo ako hinahanap?" hindi maiwasan ni Carlita na mautal dahil sa kaguluhan ng pangyayari.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Ernito at bigla naging seryoso ang mukha. Sinulyapan niya si Carlita at nagtama ang kanilang mga mata.
"Nais kita na makausap, Binibining Carlita."
"Sa anong rason, Ginoong Ernito?" agad na tanong ni Carlita, naguguluhan. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya saakin. 'Sa aking pagkakatanda ay hindi niya ako naaalala. At ipinagkasundo na siya sa aking kapatid.' muling naisip ng dalaga.
"Nang nakita kitang umiiyak kanina, bigla ako napatawa. Paumanhin, ngunit iyakin ka padin gaya ng dati," mahinang tumawa si Ernito. Kumunot ang noo ni Carlita dahilan para mas lalo na napatawa si Ernito.
"A-Ano? N-Naaalala mo a-ako?" hindi maiwasan ni Carlita na mas maguluhan sa mga pangyayari. Pilit siya na ngumiti at marahan na tumango. 'Naaalala niya nga ako? Ngunit bakit kakaiba ang kinikilos niya?' tila ba na parang nagdedebate ang isip ni Carlita.
"Malamang ay naguguluhan ka na sa nangyayari, Carlita. Ngunit hayaan mo ako na magpaliwanag," panimula ni Ernito. Kitang kita ni Carlita sa kanyang mga mata na kinakabahan siya. Nangiginig din ang kanyang mga kamay.
"Una sa lahat ay nais ko na hingin ang iyong kapatawaran. Sampung taon ang nakaraan, iyon ang ating una at huling nating pagkikita, hiniling ko kay ama na maiwan nalang ako dito sa Pilipinas upang mapalapit pa sa iyo. Ngunit hindi ako pinakinggan ni ama, nagtungo kami sa Espanya at doon nanirahan ng mahigit sampung taon. Walang araw na hindi kita inisip, Carlita. Araw araw ako na umaasa na sana ay hindi mo na ako nakalimutan. Walang araw ang lumipas na hindi kita inisip, kung kamusta ka na, at kung may mga binata na mas malapit sayo ang may balak na manligaw sayo," sa pagpapaliwanag ni Ernito ay parang hinaplos ang puso ni Carlita. Hindi niya maiwasang maluha, parehas sila ng nararamdaman.
"Nang sabihin ni ina na kami ay uuwi na ng Pilipinas, abot langit ang aking tuwa. Halos hindi ako makatulog sa kaiisip kung ano ang magiging mapapag usapan natin kung tayo ay muling magkita. Ngunit bago kami umuwi ng Pilipinas ay sinabihan ako ni ama na ipinagkasundo niya kami ng iyong ate. At binantaan niya ako na iiwan sa Espanya at itatakwil bilang anak," mas lalo na napaluha si Carlita sa kanyang narinig. Pareho sila na nakatingin sa malayo.
"Nang maka-uwi kami sa Pilipinas ay hindi na ako nagsayang pa ng oras, agad ako na nagtungo sa inyong tahanan. At hindi ako nabigo, muli kitang nasilayan." Sa pagkakataong ito ay nilingon ni Ernito si Carlita. Habang nagsasalita ay nakangiti ito sa dalaga. Tunay na madadama mo ang sinseridad ng binata.
"Siguro ang aking labag sa kalooban na desisyon ay ang pagpapanggap na hindi kita nakikilala. Unang kita ko palang saiyo sa bayan ay siguro ako na ikaw si Carlita, hindi nagbago ang iyong mukha, Binibini, sa halip ay mas nadagdagan ang iyong ganda," biro pa nito. Hindi din maikakaila ni Carlita na mas gumwapo ang binata. Matangkad, sakto ang kutis, nakakapal ang kilay at mahahaba ang pilik-mata.
"Nais ko na magtapat ng aking pag-ibig saiyo, Binibining Carlita." namula ang mga pisngi ni Carlita at umangat ang korte ng kanyang labi. Ngunit agad din ito na napawi.
"Parehas tayo nang nararamdaman Ernito, ngunit hindi ba may kasunduan ang iyong pamilya sa aking pamilya. Tiyak na hindi ito magugustuhan ng ating mga magulang!" Kinakabahan na tugon ni Carlita. Napabuntong hininga ang binata at muling nagsalita.
"Ang totoo ay iyan ang aking pakay," nanumbalik ang panginginig ni Ernito. Hindi siya makatingin ng deretsyo sa mga mata ni Carlita. Tila ay natatakot siya sa kanyang sasabihin. Napansin ito ni Carlita.
"Ano ang ibig mo na sabihin?" iniiwasan ni Carlita na mag isip ng kung ano.
"Nais kita na makausap d-dahil-"
"Dahil?"
"Carlita papakasalan ko padin ang iyong kapatid." Nabigla ang dalaga sa narinig.
"Umamin ako ng aking nararamdaman sapagkat hindi ko gusto na habang buhay mo na isipin na kinalimutan kita. Alam ko na masasaktan ka sa aking magiging desisyon." Napatungo si Carlita sa narinig. Nagkamali siya, nagkamali siya na umasa.
"Minahal kita Carlita, sa loob ng sampung taon ko na pagtira sa Espanya, minahal kita. Ngunit mas kaylangan ko na piliin ang aking pamilya." napatigil si Ernito sa pagsasalita, hindi niya kaya na makitang umiiyak si Carlita kaya't nag iwas siya ng tingin at sinabing..
"T-Tinatapos ko na kung ano man ang ugnayan natin na dalawa. Simula ngayon ay kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa iyo." Dalawang pangungusap. Dalawang pangungusap na dahilan ng pagtulo ng luha ni Ernito. Labis siyang nasasaktan sa kanyang desisyon. Mahirap. Masakit. Ngunit kaylangan niya ito'ng gawin para sa pamilya.
"A-Ayoko na hindi maging patas sa iyong kapatid. Hindi maaari na kami ang magpapakasal ngunit nasaiyo ang aking puso. Pasensya na Carlita at hindi kita kaya'ng ipaglaban. Paumanhin kung nasayang ang sampung taon na paghihintay mo saakin. Hindi ako nararapat saiyo-" naputol ang sinasabi ng binata nang bigla itong tumayo sa lupa.
"Tama na, narinig ko na ang kaylangan ko na marinig." Malamig na sabi ni Carlita. Ang mga mata niya ay walang emosyon. Ang dating mainit na mga mata ay napalitan ng lamig.
"Makaka-alis ka na." utos nito sa binata. Parang pinipiga ang puso ni Ernito sa kanyang narinig.
"Ihahatid kita pabalik,"
"Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko." at naglakad na pabalik si Carlita. Sinalubong siya nang malamig na hangin pabalik. Kahit na giniginaw ay hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Walang nababasang emosyon sa kanyang mga mata.
Nang pag uwi ni Carlita ay dumeretsyo siya agad sa kanyang kuwarto at nahiga. Habang wala sa sarili ay napatitig si Carlita sa kanyang kisame.
'Sa maikling panahon ay nabuhayan ako at muling nabigyan ng pag asa nang makita kita. Ngunit mali na umasa pa ako. Hindi ko akalain na sasaktan mo ako sa iyong pagbabalik.'
At unti-unting nahulog ang mga luha sa kanyang mga mata.
A/N: Umiiyak nanaman si Carlita :<
Thank you so much for reading, my lovelies!
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Historical FictionAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.