Maagang nagising si Ernito at bumangon kaagad upang hanapin ang ina. Simula noong bata ito ay malapit ito sa ina, at ang kanyang kapatid naman ay malapit sa ama.
Nakita niya ang ina na naghahanda na ng almusal.
"Ernito anak.." lumapit si Ernito sa ina at saka hinalikan sa pisnge. "Napa-aga yata ang iyong gising?" nagtatakang tanong ng ina. Kung magising man si Ernito ay tanghali na, kinakaylangan pa siya na gisingin ng katulong sapagkat malalim ang tulog niyo. Kaya kapag nakatulog na ito ay mahirap na itong magising.
"Magandang umaga ina," ngumiti ito ng nakakaloko na ipinagtataka ng ina.
"Mukhang maganda ang iyong gising? Dahil ba iyan kay Carlita?" napangiti ito at tumango habang tinutulungan ang ina sa paghahanda.
"Hay nako ina, iyan si kuya ngiting-ngiti iyan na umuwi kagabi!" panunukso ni Emmanuela sa kuya nang makabangon na ito.
"Tama, nakita ko na namumula-mula pa ang mga pisngi." pagsingit ng kanyang ama na gising na din at saka umupo sa silya. Agad sila na nagtawanan maliban kay Ernito na naiilang na. Ngunit nagagawa padin ito na ngumiti. Hindi niya ikakahiya ang dalaga kaya't tatanggapin nito ang mga panunukso.
"At dahil nandito naman na tayong lahat, mag umagahan na tayo." saad ng kanyang ama. Habang kumakain ay naiwento niya na inimbitahan niya si Carlita upang makilala ang pamilya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may lakad maya-maya ang ama sa munisipyo kayat hindi ito makakasama.
"Anong oras mo susunduin si Carlita, anak?" tanong ng kanyang ina.
"Bago po mananghalian, ina." sagot nito. "Kinakabahan nga daw po siya," napangiti si Ernito nang maalala ang dalaga. Ano kaya ang ginagawa niya? Gusto na agad niya na makita ang dalaga, gusto na nito na mahawakan ang kamay ng dalaga.
"Sa anong dahilan anak? Alam mo naman na gusto namin si Carlita. Masuwerte pa nga tayo kung magiging parte siya ng ating pamilya.."
"Tama si ina, kuya! Napakaganda at napakabait ni Carlita. Sa maikling panahon ay naging magkaibigan kami.."
Nagpapasalamat na lamang si Ernito at gusto ng pamilya niya si Carlita. Pagtapos ng kanilang pag-uusap ay naghanda na sila para mamaya. Nais ng kanyang ina na maging komportable ang dalaga sa kanilang tahanan.
Nagpaalam si Carlita na siya ay bibisita sa tahanan ng mga Alvarez mamayang tanghali at siya ay susunduin ni Ernito. Ngunit nais niya na isorpresa ang binata kaya't pupunta ito doon ng maaga.
"Sigurado ka ba na hindi mo ako sasamahan?" may bahid ng lungkot sa boses ni Carlita habang pinapaki-usapan si Cristina na samahan siya kela Ernito.
"Ano ka ba Carlita, huwag kang matakot. Nandoon naman si Ernito at sigurado ako na hindi ka niya papabayaan." singit ng kanilang ina na inihahanda ang turon na pasalubong niya. Nabanggit kasi ni Ernito na mahilig dito ang si Donya Elena kahit naisipan niya na gumawa. Mayroon din inihanda na puto si Cristina, paborito daw ito ni Emmanuela.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Historical FictionAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.