KABANATA 23

17 6 0
                                    


Marahan na ininom ni Ernito ang natitirang tubig na nakalagay sa kanyang baso at dahan-dahang na napaunpo siya sa upuan habang hinihilot niya ang kanyang sentido. Mag-tatatlong araw na siya na walang maayos na tulog dahil sa kasama niya si Leandro sa iisang silid. Mas nananaig ang kanyang iniisip na baka ay patayin siya ni Leandro sa kanyang pagtulog at i-dispatya ang kanyang katawan sa dagat. Tiyak ay hindi siya mahihirapan na gawin iyon dahil kapag matutulog si Ernito ay mahimbing talaga. Mag tatatlong araw na din na wala siyang maayos na kain. Hindi niya alam kung tama pa ba ang kanyang ginagawa. Baka dahil sa kanyang pag-iisip ng kung ano-ano ay ito pa ang papatay sakanya kaysa sa pag-iisip ng kung ano ano tungkol kay Leandro.


Mabuti nalang ay ilang minuto nalang ay dadaong na ang barko sa Visayas, ngunit hindi padin magawang magsaya ni Ernito dahil sa kanyang kalagayan. Mapupula ang kanyang mga mata at gegewang-gewang na siya kapag sinusubukan niya na maglakad. Ang tanging pagkain lang na dito sa barko ay ang inihahatid sa mga silid. Matatawag nga na malas ito dahil parati na si Leandro ang kumukuha ng kanilang hapunan kaya hindi niya magawa na makakain ng maayos dahil sa mga iniisip niya. At sa halip na matulog ay nagbabasa nalang siya ng mga libro para hindi antukin.


"Huy!" bahagyang nagitla si Ernito sa boses ni Leandro. Mabuti nalang at wala siyang sakit sa puso. "Ano nanaman ang kaylangan mo?" walang gana na tanong sakanya ni Ernito. Wala na siyang lakas upang ingusan si Leandro. Masyado na siyang nahihilo para mag-isip pa ng kung ano-ano.


"Kanina 'ko pa sinasabi na pinapaakyat na ang lahat ng mga pasahero sa kubyerta. Pero mukhang nananaginip ka ng gising?" natatawa na saad ni Leandro. Siguro ay natatawa siya dahil mukhang patay na ang itsura ni Ernito. Sinamaan nalang ni Ernito ng tingin si Leandro. "Malalim lang ang aking iniisip." Pati na rin ang pagsasalita ay mukhang wala na din siyang lakas upang maisagawa ito.


"Na ano? Na pagtatangkaan kitang paslangin?" sarkastiko na tugon ni Leandro. Huminga nalang ng malalim si Ernito bago magsalita. "Manahimik ka Leandro at baka tuluyan nang mandilim ang aking paningin at ako ang pumaslang sa'yo." Seryoso na sabi ni Ernito habang inaayos ang mga gamit. Natawa nalang si Leandro at hinayaan siya.


Nang maka-akyat sila sa kubyerta ay nilapitan ng Ginang na naghatid sakanya sa silid si Ernito. "Hijo, ayos ka lang ba? Ang tamlay ng iyong mukha. Ang putla mo." May halong pag-aalala sa boses nito.


"Nako, mukhang hindi kasi sanay mag-biyahe ang aking kaibigan. Nagsusuka ho siya gabi-gabi." Pagdadahilan ni Leandro. Mas lalong sumama ang tingin ni Ernito sakanya ngunit wala siyang magawa. Wala din mangyayari kahit na sabihin niya ang totoo. At isa pa, nanghihina na talaga siya.


"Kawawa ka naman hijo," may kinuha sa bulsa ng kanyang saya ang Ginang at saka ini-abot ito kay Leandro. "Oh hayan, turon iyan na dapat ay merienda ko pero sa tingin ko ay mas higit na kaylangan iyan ng iyong kaibigan." Tiningnan pa ng isang beses ng Ginang si Ernito bago ito nagpaalam na aalis na.


"Oh hayan, kainin mo na iyan habang mainit pa." abot sakanya ni Leandro sa turon. Inis na kinuha ni Ernito ang turon at saka ito kinain. Para siyang nakapunta sa langit nang dumampi ang pagkain sa kanyang dila. Ito na yata ang pinakamatagal na hindi siya kumain! Mapapag-tyagaan na niya ito, pang tawid gutom.


Sa wakas ay dumaong na ang barko! Hindi na nakapaghintay si Ernito, agad siya na sumama sa mga naglalakad na mga pasahero pababa sa barko. Hindi na niya alam kung nasaan na si Leandro, wala din siyang pakialam. Ang mahalaga ay hindi na niya makikita si Leandro! Agad na naghanap si Ernito ng kainan na malapit lamang sa tabing-dagat. Kaylangan pa na sumakay ng bangka upang makarating sa isla ng Cavarines, iyon ang sabi ng kanyang ama. Aaminin niya unang pagkakataon niya ito na maglakbay sa Visayas, kaya't hindi pa siya lubos na pamilyar sa mga lugar dito.

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon