KABANATA 13

27 8 0
                                    


A/N; At dahil sinipag ako, eto na ang susunod na update! Enjoy!


Matapos ang kaarawan ni Ernito na nauwi din sa pag-aaya niya sa pinaka mamahal niya na Carlita ng kasal, kaliwa't kanan ang pag bati ng mga bisita. At wala pang isang linggo ay kumalat na sa buong bayan ang magandang balita.


Dahil sa ang paniniwala ng mga tao ngayon ay dapat mauna na ikasal ang panganay na anak bago ang bunso. Kaya't walang nagawa sina Ernito kundi maghintay. Masuwerte sila dahil dalawang buwan lang ang kanilang hihintayin bago makasal. Sa loob ng dalawang buwan ay mas nakilala nila ang isa't-isa. Nakilala ni Carlita ang mga tiyo at tiya ni Ernito pati narin ang mga pinsan niya, gayon din kay Ernito.


Ikinasal sa Buwan ng Disyembre ang si Cristina. Nakilala pa ng pamilya Bonifacio si Arnaldo, at masasabi ko na nagbago na ang pakikitungo nila sakanya, lalo na ang ama nila na noon ay tutol sa pagpapakasal nila ni Cristina.


Masaya na hinarap ni Ernito at Carlita ang bagong taon. Magkasama ang mga pamilya nila at masayang nagsalo-salo. Dalawang linggo na ang nakalipas, at ilang araw nalang bago ang kasal ni Ernito at Carlita. Sabik na sabik ang magnobyo na makasama na ang isa't-isa.


Matapos ni Carlita ang mga gawaing bahay ay hinanap niya ang kanyang ina, at naabutan niya ito kasama ang ama niya na seryoso na nag-uusap.


"Nalulungkot lang ako Crisanto. Matapos na ikasal ni Cristina ay ang ating bunso na anak naman.. Siguro nga ganito talaga ang pakiramdam kapag makikita mo na bubuo na nang sariling mga pamilya ang mga anak mo na nakasanayan ko nandito.." mahinang humikbi ang ina niya. Naiintindihan niya, mahirap para sa kanyang magulang na umalis na din ang natitira nila na anak.


"Ina.." mahinang usal ni Carlita. Napalingon sakanya ang kaniyang mga magulang.


"Carlita anak.. Kanina ka pa ba riyan?" tinuyo ng ina niya ang mga nagbabadya na luha sa mga mata nito. Lumapit si Carlita upang yakapin ang ina.


"Ina.. hindi po namin kayo iiwan ni Cristina, nagkausap po kami noon ni Ernito at sinabi niya na mas gusto niya po na ang magiging bahay namin ay malapit lang po saatin, dahil alam niya po na malulungkot ako pag malayo po kayo ni ama saakin." hindi mapigilan ni Carlita ang mga luha na lumabas sa kanyang mga mata. Mahirap ang mawalay sa pamilya, ngunit hindi naman sila lalayo. Dito parin sila sa bayan na kinalakihan niya.


"Alam ko anak.. Siguro maninibago lang kami ng ina mo kapag nagpakasal ka na.. Masaya kami para sa'yo anak, para sainyo ng ate mo." Ani ng ama niya. Madalang lang na maglambing ang ama nila kaya't mas napaluha tuloy siya.


"Tahan na anak.. Lagi mong tatandaan na nandirito lang kami ng ama mo." Tinuyo ng ina niya ang mga luha niya at saka niyakap ang asawa at anak niya. Ipinangako ni Carlita na susulitin niya ang mga araw na kasama pa niya ang ama at ina niya. Kaya ay naisipan niya na ayain ang ama at ina niya sa bayan upang mamasyal.


Marami silang napuntahan. Kumain sila sa paboritong kainan ng ama niya noong binata pa lamang ito, binisita din nila ang tindahan ng alahas ni Ginoong Cordero. Dahil sa matalik na magkaibigan ang ina ni Carlita at si Ginang Natalia ay naghandog na ito ng kuwintas na dapat ay regalo niya pa sa kasal ni Carlita.

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon