Takipsilim na nang matapos si Cristina sa kanyang mga gawain sa bahay. Naisip niya na silipin sa kwarto si Carlita. 'Tiyak ay naroon siya' isip ni Cristina.
"Carlita?" ani ni Cristina nang kumatok siya sa pintuan ng kuwarto ni Carlita, agad na kumunot ang noo niya nang walang tumugon. Kumatok siya'ng muli ngunit walang tumutugon.
"Carlita nariyan ka ba?" pag-uulit niya ngunit nabigo'ng muli. Hanggang sa napilitan siya na pumasok sa kwarto nang kanyang kapatid. Nakahinga siya ng malalim nang namataan naman niya si Carlita na mahimbing na natutulog. Napansin niya na bukas padin ang bintana malapit sa higaan ni Carlita, kaya't lumapit siya at isinara ito. Binuksan niya din ang lampara para lumiwanag ang buong kwarto.
Biglang nanlaki ang mata ni Cristina nang napansin niya na mabilis ang paghinga ni Carlita at naliligo sa sariling pawis.
"Diós ko Carlita! Inaapoy ka nang lagnat!" Nataranta si Cristina at agad na tinawag si Manang Bebang, ang kanilang katulong.
"Nako manang, ang taas ng lagnat ni Carlita!" pagpapaliwanag niya sa matanda, agad na nagpunta si Aling Bebang para kumuha ng tubig at tuwalya.
"Cristina, Aling Bebang? Ano ang nangyayari!" Narinig sa kuwarto ang tinig ni Donya Carmena. Agad ito na lumapit sa anak at tinatanong kung ano ang nangyari.
"Ina, natulog nang basa ang damit si Carlita at ngayon ay nilalagnat siya.." paliwanag ni Cristina.
"At bakit naman nabasa ng damit ng iyong kapatid?" naguguluhang tanong ni Donya Carmena. Huminga ng malalim si Cristina at agad na sinabing..
"Ina, kanina ay nagtungo si Carlita sa lawa para magpahangin. Nagkita sila ni Ginoong Ernito at aksidenteng nahulog sa lawa si Carlita at nagalit siya kay Ginoong Ernito. Iyan ang kwento saakin ni Ernito kanina, ina." Napabuntong hininga nalang sila habang inaasikaso si Carlita.
Lumipas ang ilang araw, mabuti na ang lagay ni Carlita. Nagpaalam si Donya Carmena na ito ay susunod sa kanilang ama sa Laguna sapagkat nangangailangan ng tulong ang kanilang ama. Naiwan ang dalawang magkapatid sa bahay kasama si Aling Bebang. Habang nagpapahinga si Carlita, si Cristina ay tinutulungan si Aling Bebang na magsampay ng mga labahin, ay biglang lumapit ang isa sa kanilang hardinero.
"Binibining Cristina, mayroon po'ng naghahanap sainyo." Ani ng hardinero.
"Tamang tama ang iyong dating Ginoong Ernito, nais ko na makausap ka. Sundan mo ako." utos ni Cristina at sumunod ang binata.
Nagising si Carlita ay takipsilim na, nasa kanyang tabi si Cristina na natutulog. Malamang ay nakatulog siya habang binabantayan ang kapatid.
Marahan na bumangon si Carlita at nilagyan ng kumot ang ate. Lumabas siya at saka pinanood ang araw na papalubog na. Kahit dalawang linggo na ang lumipas mula no'ng magkita sila ni Ernito, hindi parin nito malimutan ang binata. Kahit pa tila pinipiga ang kanyang puso sa kanilang napag usapan.
'Masakit isipin na ang taong mahal ko, ay papakasalan ang kapatid ko.'
"Ngunit kung iyan ang desisyon mo ay wala na akong magagawa. Mahal kita Ernito at hangad ko ang kasiyahan mo," mahinang sabi ni Carlita sa hangin. "Alam ko na aalagaan mo ang aking kapatid at matututunan mo din siya na mahalin. Kuntento na ako na malaman na parehas tayo nang naramdaman kahit sa maikling panahon lamang," malungkot na nagsasalita si Carlita habang nakatanaw sa himpapawid.
"Mahal na mahal kita Ernito." Tumulo ang mga luha sa pisngi ni Carlita. Pinapakawalan na niya ang binata. Sa gitna ng kapaitan ay umangat ang parehong gilid ng labi ni Carlita. Kahit papaano ay minahal nila ang isa't isa.
Papasok na ng silid si Carlita nang nakita niya sa di kalayuan ang kapatid na patungo sa lawa.
"Manang? Nabanggit ba ni Cristina kung saan ang kaniyang tungo?" Tanong ng dalaga kay Manang Bebang na nagluluto na nang hapunan.
"Pasensya na po Binibining Carlita ngunit walang nabanggit ang iyong kapatid." akmang susundan na ni Carlita ang kapatid nang bigla ulit na nagsalita ang matanda.
"-ngunit nabanggit niya na may kikitain siya na binata."
Biglang napangiwi si Carlita, malamang ay si Ernito iyon. Nagsisisi tuloy siya na nagtanong pa siya. Sa halip ay tinulungan nalang ng dalaga si Manang Bebang sa pagluluto nang hapunan.
Lumipas ang panibagong linggo ay napadadalas ang alis ni Cristina patungo sa lawa. Ang akala niya ay walang nakakapansin ngunit alam ang lahat ng ito ni Carlita. Halos hindi na nakakapag usap ang magkapatid dahil malimit lamang silang magkita. Nang dahil dito ay lumayo ang loob ni Carlita sa kapatid.
Hanggang sa umuwi na ang kanilang mga magulang.
A/N: Sorry for the short update guysss! Nagloloko kasi ang notepad ko, babawi ako sa next chapters hehe.
Thank you so much for reading, my lovelies! Tell me what you think of the story so far hehe.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Historical FictionAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.