Nag-inat si Amelya nang magising siya mula sa tilaok ng mga manok. Agad siya na naghanda ng kape para kay Nay Belinda na gising na din at naghahanda na ng almusal.
"Magandang umaga nay!" masigla na bati ni Amelya at nagmano kay Nay Belinda upang simbolo ng pagrespeto.
"Oh, anong oras ka nang umuwi kagabi? Hindi ka na nakasabay saamin ni Leandro na mag-almusal.." ani ni Nay Belinda habang hinahalo ang lugaw na agahan nila.
"Pasensiya na ho, naparami kasi ang benta ko kahapon ng bibingka sa bayan," masigla na tugon ni Amelya. Malaki-laki na din ang kita niya sa isang buwan, naisip niya na patayuan ng isang bukirin si Nay Belinda. Mag-aalaga sila ng mga iba't-ibang hayop para naman maaliw si Nay.
Napangiti si Amelya sa naisip.
"Oh bakit ka naman ngumingiti jan?" singit ni Nay Belinda, napansin yata na nakangiti siya sa kawalan.
"Kanin ang mauuna dahil mas matagal itong maluto!"
"Wala kang magagawa dahil mas nauna ang itlog!"
May nari nig ang dalawa na tinig ng dalawang kalalakihan na tila nagtatalo sa loob ng kabilang kubo. "Sino ang mga iyon?" naguguluhan na tanong ni Amelya sa Ginang. Natawa nalang si Nay Belinda imbis na sagutin ang tanong ni Amelya. "Mabuti pa at maghain ka na at tatawagin ko lang ang bisita natin. Mukhang nagtatalo pa yata ang dalawa," tumango si Amelya at saka ginawa ang mga utos sakanya.
Sino naman kaya ang mga iyon? Bagong lipat siguro..
Mabilis na naghain si Amelya sa hapagkainan. Apat na plato ang kaniyang inilabas dahil sigurado na hindi lang silang dalawa ni Nay Belinda ang kakain. Madami kasi ang iniluto ni Nanay na lugaw, tiyak ay hindi nila ito kayang ubusin nang silang dadalawa lang.
"Akala ko ba marunong ka'ng magluto?"
"Marunong ako magluto, eh ikaw? Mas maitim pa sa uling iyang itlog na niluto mo!"
Patuloy padin ang pagtatalo ng dalawang tinig, natawang napailing iling nalang si Amelya sa naririnig. Kahit papaano ay naaaliw siya sa mga sinasabi ng dalawa na iyon. Siguro ay iyon si Leandro na ikinukwento sakanya ni Nay Belinda. Minsan lang daw kasi na bumisita si Leandro dito sa baryo dahil nagtatrabaho ito sa lungsod.
Narinig ni Amelya na bumukas ang pintuan, marahil ay si Nay Belinda na iyon. Agad niya na inayos ang sarili at lumabas sa kusina. "Nay Belinda? Handa na po ang umagahan!" magiliw niya na sabi, ngunit agad na lumaki ang kanyang mga mata nang makita na may dalawang binatilyo sa kaniyang harapan. Parehas na makisig at ma-itsura! May dala-dala na pinggan ang isa. Napalingon siya sa binata na nasa kanan na mas matangkad kaysa sa binatilyo sa kaliwa. Tila namumukhaan niya ang binata na iyon.
Sa bayan! Oo doon niya nakita ang binata na iyon. Siya ang nagbalik nang kanyang bayong. Agad na namula ang kanyang mga pisngi nang nagtama ang kanilang mga mata ng binata na nasa kanan. Napansin niya sa mga kayumanggi nitong mga mata ang lungkot at lamig sa mga titig nito. Tumibok ng kakaibang bilis ang kanyang puso sa hindi malaman na dahilan. Tila pamilyar ang mga titig ng binata sakanya.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Fiksi SejarahAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.