Kinakabahan ako at hindi komportable sa kinauupuan ko sa guidance office. Kaharap ko ngayon si Lucas at si ma’am. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa n’on ang isang lalaki na medyo may katandaan na. Nakipagkamayan s’ya kay ma’am saka umupo.
“Mr. Rhodes, gusto ko sanang iparating ang ginawa na naman ng anak ninyo,” panimula ni ma’am na ikinalaki ng mata ng lalaki na mukhang papa ni Lucas.
“Na naman? So it means, may mga ginawa pa ‘tong anak ko?” pagtataka ng papa ni Lucas saka tumingin kay sa kanya pero nakangiti lang s’ya.
“Noong nakaraan ay pinalagpas namin ang paggamit n’ya ng microphone sa registrar. Tapos ngayon na naman ay nag-vandal pa s’ya sa CR ng girls,” sagot naman ni ma’am na ikinagulat pa lalo ng ama ni Lucas.
“CR ng girls?” patataka na naman ng ama n’ya.
“Opo, Mr. Rhodes. Lahat ng ginawa n’ya ay puro confession kay Ms. Laika Hemenez,” tumingin sa akin si ma’am na sinundan ng tingin ng ama ni Lucas. Pinasadahan n’ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Ha? Saglit. Lucas totoo ba ‘yon?” baling n’ya sa anak n’ya.
“Ah sa katunayan po kasi papa, si Laika po ‘yong gustong-gusto kong babae sa campus,” yumuko s’ya habang ako naman ay nanlaki ang mata. Ang lakas naman kasi ng loob nito para umamin sa harapan pa ng papa n’ya.
“Ah eh, hija, sorry sa kalokohan ng anak ko at nadamay ka pa. Masyadong spoiled ‘tong si Lucas,” bumaling naman sa akin ang ama n’ya at s’ya naman ay napaangat ng tingin saka ngumisi.
“Papa,” reklamo n’ya na kahit pabulong ay dinig na dinig.
“Sa susunod po ay sana hindi na po ito maulit. Maganda po ang imahe ng school at sana po mabigyan n’yo po ng pansin ang inyong mga anak,” singit naman ni ma’am.
“Opo. Ipagpatawad n’yo na po ang anak ko dahil napakakulit po n’ya talaga,” nakipagkamayan ang papa n’ya kay ma’am saka lumabas kaya sumunod na rin ako.
“Ahh hija, ako pala si Don Clemente, ama ni Lucas. Sana patawarin mo ang anak ko sa pagdamay sa’yo,” paglabas namin ng office ay agad akong nilingon ng ama ni Lucas.
“Ayos lang po ‘yon, Don Clemente,” sagot ko.
“Ahh papa, s’ya pala si Laika Hemenez,” ipinakilala ako ni Lucas pero ngumisi na lang ako dahil s’ya pa talaga ang nagpakilala sa akin. “Nililigawan ko po s’ya,” nalaglag ang panga ko sa dinagdag n’ya. What? Seriously? Ang lakas ng loob!
“Ahh hija, tito na lang ang itawag mo sa akin,” nakangiti si Don Clemente sa harapan ko kaya ngumiti na rin ako ng pilit saka tumango-tango. “Sige na, bumalik na kayo sa klase n’yo. Tsaka Lucas h’wag ka nang uulit,” dagdag pa ng ama n’ya.
“What are you doing?” naiinis na tono ng boses ko.
“Why? Kay papa pa lang kita napapakilala, sa susunod kay mama naman,” lumingon naman s’ya sa akin at napangiti ng malaki.
“What? Seriously? Please stop this!” hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi n’ya. Para bang hindi ko na maintindihan ang lahat at ayaw kong intindihin. Basta nakakainis!
“Yes seriously. I already told you that I’m in love with you so I want you to meet my parents,” sagot n’ya pero napasinghap lang ako. Ha? Seryoso talaga s’ya? Hindi p’wede! Mayayari na naman ako kay papa at mama!
“No way! Ayoko! Hindi p’wede!” umiling-iling ako pero tumatawa lang s’ya.
“Bakit? Wala naman masama ah!” giit n’ya pero hindi talaga p’wede.
“Please stop! Kahapon hinalikan mo ako ng walang permiso. Ano ka baliw? You stole my first kiss! Why are you doing this sh*ts?” naiinis kong tono pero patuloy pa rin s’ya sa pagtawa.
“Bakit? Tara nga!” hinila n’ya ako patungo sa isang itim na kotse sa may parking lot ng school. Bigla akong kinilabutan sa mga ginagawa n’ya tapos papunta pa kami sa isang itim na kotse.
“No! No! Please stop!” nagpumiglas ako. “Lucas, we are only grade 9, ok? Hindi ‘to p’wede dahil napakabata pa natin. Tingnan mo, I’m too young for all of this. Hindi talaga ‘to p’wede kaya tumigil ka na!” reklamo ko sa kanya pero ngumisi lang s’ya.
“Bawal bang mahalin ka? Is there any measures for love? May age limit ba? Requirements?” sunod-sunod n’yang tanong.
“Yes, of course. We are too young at wala pang masyadong alam sa mundo kaya hindi pa talaga p’wede. Ayoko rin naman magsisi sa huli, Lucas,” sagot ko sa kanya.
“Eh ‘di mamahalin kita mula ngayon kahit na wala pa sa tamang gulang. Tapos kapag ikaw naman ay nasa tamang gulang na, eh ‘di mahalin mo na rin ako,” nalaglag ang panga ko kasabay ng pag-init ng pisngi ko. Ano raw? What?
“Isip-bata ka talaga kahit kailan. Hindi mo kayang hintayin ang isang tulad ko. Para ka lang naghintay na maging tinapay ang bato,” laban ko naman.
“Abs ko nga p’wede mong gawing almusal kaya hindi imposible ‘yon,” nalaglag ulit ang panga ko sa sinabi n’ya. Ano raw? ‘Yong ano? Abs? Almusal ko? Ha? Bwiset! Alam ba n’ya mga pinagsasabi n’ya?
“Iyong panga mo baka mangalay. Isarado mo nga ‘yan,” sambit n’ya saka tulak ng panga ko pataas saka kurot sa pisngi ko na nagdala ng kuryente sa buong katawan ko.
“Watch your words, Mr Lucas,” sambit ko saka lumapit sa kanya na may nanlilisik na mata.
“Why? Are you falling into me because of my sweet words?” ngumisi s’ya saka lumunok. “Don’t fall because of my words. Just fall in love with me because of my sweet efforts,” dagdag n’ya saka muling ngumisi.
“I will never get fall,” sagot ko sabay talikod.
“I’ll make sure you will. And also, sisiguraduhin ko rin na maging isa ka sa Rhodes Family,” nangilabot ako sa sinabi n’ya. Tumayo na rin ang balahibo ko sa leeg sa pag-ngisi n’ya.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #1 STEALING MY HEART There are some people who didn't interested about love. 'Yong feeling na tingin mong immature ang mga couple na nakikita mo. Laika Hemenez will meet Lucas Rhodes who will change her point of views about lo...