I don’t know what I’m going to do with this problem. I didn’t expect such problem like this. I can’t make anything right now than to sleep because of extreme headache.
“Megan, dalhin mo ako sa Raleigh Detention Center. Gusto kong makausap si Lucas,” utos ko at malamyang pumasok sa kotse.
“Sure po ba kayo? Baka mas lalong lang lumala ang lahat,” pag-aalala ni Megan.
“Don’t worry, Lucas know how to resolve it,” ta,ad kong sumagot at umidlip muna sa kotse habang nasa biyahe.
“Okay lang po ba kayo ma’am?” tanong ni Megan habang nagmamaneho.
“Sakit lang ng ulo ‘to. Hindi ko pa naman ikakamatay ‘to,” sagot ko saka tingin sa bintana ng kotse. Wala nang bahay sa paligid kung ‘di bakanteng lote. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa harap ng detention center saka ako dali-daling bumaba.
“Yes ma’am, how can I help you?” bungad sa akin ng lalaking jail guard na s’ya ring bumungad sa akin noong nakaraan.
“I want to talk with Lucas Rhodes,” sagot ko.
“Please proceed to that room ma’am.” Tinuro n’ya ulit ‘yong silid na pinasok ko noong nakaraan.
“Okay thank you,” tugon ko saka pasok doon.
Hindi naman nagtagal at ipinasok na rin si Lucas. Ngayon ay nakasuot na s’ya ng kulay kahel na damit mula ulo hanggang paa. May malaking ‘D’ naman ang naka-imprinta sa damit n’ya.
“Ayos ka lang ba, Laika?” napaangat ako ng tingin sa nag-aalalang mukha ni Lucas.
“Of course not. I’m having a headache,” sagot ko.
“Dapat hindi ka na pumunta rito at magpahinga ka na lang,” aniya pero umiling-iling ako.
“Ayoko,” tanging sagot ko.
“Hanggang ngayon pa rin pala, gan’yan pa rin ang ugali mo. Kung anong ayaw mo ay ayaw mo.” Ngumisi s’ya habang ako naman ay masama ang timpla ng mukha na nakatitig sa kanya. “Joke lang naman,” bawi n’ya kaya ngumisi ako.
“Kailangan ko ang tulong mo, Lucas,” sambit ko.
“Ha? Bakit? May nanyari ba sa’yo?” pag-aalala n’ya.
“Bumabagsak na ang kompanya at ang pagiging saksi mo lang ang kailangan ko para matapos na ang kasamaan ng mga Sylvestre,” sagot ko. “Nasaan ba ang mga kapatid mo?” tanong ko.
“Nasa labas sila. Sila rin ang nag-aasikaso ng paglaya ko at kapag nakalaya ako ay hahanapin ko agad ang flashdrive,” sagot n’ya.
“Lucas, sorry,” nasambit ko kasabay ng namumuong luha sa mga mata ko.
“Ha? Para saan?” pagtataka n’ya.
“Sa lahat, sa pagmamahal mo na hindi ko nasuklian noon,” sagot ko pero ngumiti lang s’ya saka inilapit ang mukha sa salamin.
“Don’t think about that, Laika. Ang imporante mahal mo ako ngayon at iyon ang nagiging lakas ko para magpatuloy sa lahat ng hangarin ko,” sambit n’ya saka upo ng maayos.
“Sorry because I didn’t recognize you, doon sa party at sa dinner appointment,” sumamo ko pero isang ngiti ang nagpagaan sa pakiramdam ko.
“Love cannot define through words but in action. I told you before na don’t fall because of my sweet words but with my sweet action rather. I want you to know that action speaks louder than words. Kung hindi ko ramdam sa kilos mo na hindi mo ako mahal ay dapat sinukuan na kita,” aniya. “Pero kahit hindi ko ramdam, parang hindi pa rin kita masukuan,” dagdag n’ya.
Bwiset na Lucas! Kaysa maiyak ako ay nang-iinit ang mga pisngi ko sa banat n’ya. Hanggang ngayon may epekto pa rin ang presensya n’ya.
“Natahimik ka? Naku! Alam mo ba kung bakit hindi mo ako nakilala? Hindi mo naman kasi ako kinilala noon.” Ngumisi s’ya saka iwas ng titig sa akin.
“Aba s’yempre, sino ka ba para kilalanin ko?” biro kong tanong pero nasa galit na tono.
“Kung gan’yan ang iniisip mo ay bakit mo pa ako binisita rito?” laban n’ya saka irap na parang babae.
“Makaalis na nga,” kunwaring paalam ko.
“Eh ‘di umalis ka.” Napaupo ako ng padabog dahil sa sagot n’ya. Tumingin ako sa mukha n’ya at seryosong-seryoso s’ya. “Siguro na-fall ka na kay Karl kaya ka gan’yan,” dagdag n’ya.
“I love you,” bawi ko dahil baka sakaling marupok ang lalaking ‘to.
“Hindi mo ako madaan sa mga gan’yang salita, Laika,” napalabi ako sa sinabi n’ya habang nakaiwas pa rin ng tingin mula sa akin. “Maliban na lang kung uulitin mo,” dagdag n’ya sabay lumabi rin s’ya.
“Ang dami mo talagang arte!” sambit ko pero mas lalo s’yang hindi lumingon sa akin.
“Ako pa ngayon ang maarte ha!” ngumisi s’ya.
“I love you,” ulit ko at nakita ko ang pag-angat ng labi n’ya at dahan-dahan s’yang lumingon nang nakaangat ang kilay.
“P’wede mo bang ulitin ulit?” paki-usap n’ya kaya napangisi ako dahil mukha s’yang bata na humihingi ng kendi sa akin. Kung sa bagay, noon pa man ay childish na s’ya pero sweet. Napangisi ulit ako bago bumaling sa kanya.
“Ahmm… okay na ‘yon, sapat na ‘yon, sa susunod na lang,” sagot ko at nakita ko s’yang napasimangot. Ngumisi ulit ako dahil mukha talaga s’yang bata. Ang cute pa nang paglabi ng pale lips n’ya. Para s’yang bakla pero malaki ang katawan.
“Eh ‘di umalis ka na,” masungit n’yang sambit. Tingnan na lang natin kung hindi ka marupok. Kahit lalaki ka, alam kong hindi mo makakayanang umalis ako.
Tumayo ako saka tumalikod pero wala s’yang imik. Nang hawakan ko ang door knob ay doon na s’ya umalma.
“Hoy! Biro lang naman Laika,” bawi n’ya pero isang malaking ngisi ang iginanti ko. “Laika, sorry na oh!” pigil n’ya kaya nakangiti akong lumingon sa kanya at may paunti-unting tawa.
“Hindi mo makayanan na nagtatampo ako sa’yo.” Tumawa ako habang s’ya naman ay may hiya sa mata. Ngayon pa talaga s’ya nahiya, ang kapal. Napatawa ulit ako dahil sa iniisip ko.
“Siyempre, kailan ba kita natiis. Noong hindi nga kita nakita ay pinahanap agad kita kay Isaac eh,” sagot n’ya kaya natigilan ako sa pagtawa dahil sa malungkot n’yang tinig. “Don’t worry Laika, I’ll be back,” seryosong sagot n’ya bago pa s’ya ibalik sa loob ng kulungan ng jail guard.
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/222717563-288-k458424.jpg)
BINABASA MO ANG
Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #1 STEALING MY HEART There are some people who didn't interested about love. 'Yong feeling na tingin mong immature ang mga couple na nakikita mo. Laika Hemenez will meet Lucas Rhodes who will change her point of views about lo...