CHAPTER 28: Kristan Roque

8 0 0
                                    

May isang pagdiriwang ang naganap sa Sylvestre Mansion at inimbita ako ni Karl. Si Don Oliver lang naman ang may ayaw sa akin pero malaking kaganapan iyon para kay Karl dahil 30 years old na s’ya.

Dumating ako sakay ng isang limousine. Tumambad sa akin ang isang engrandeng party na dinaluhan ng mga prominenteng tao sa lungsod. Halos lahat ng kasangkapan ay mamahalin habang ang iba naman ay gawa sa diyamante.

“Good evening, madame. Can I see your envitation?” bungad sa akin ng naka-red dress na babae sa may pintuan.

“Sure,” sagot ko saka inabot ang envitation na ipinadala sa akin ni Karl.

“Welcome Ms. Hemenez,” ngumiti ito kaya nginitian ko na rin saka pumasok.

May orchestra na nasa gilid at nakakarelax ang tunog ng violin nila, kasabay n’on ang piano at iba pang string instruments. Kumuha ako ng champaigne sa dumaan na waiter at nakisalamuha sa mga tao.

“Good evening, Ms. Hemenez. Napakagandang bata,” nakangiti akong binungad ni Chairman Loviel, ang may-ari ng mga mall at park sa Raleigh City.

“Thank you so much. Ang ganda n’yo po palang lalaki sa suit ninyo,” nagtawanan sila sa puri ko. Kasama namin ditong nagtitipon ang tatlong lalaki na nakasuit, mukhang mga foreigner dahil sa tangos ng ilong at kulay asul na mga mata. Mayroon ding dalawang babae na medyo may katandaan tulad ng tatlong lalaki na nakasuot ng itim at asul na dress.

“I want you all to meet Ms. Laika Hemenez. She is the owner of LH Corporation,” pakilala sa akin ni Chairman John Loviel.

“Nice meeting you, Ms. Laika. I’m Jung Ki Lee, I’m the director of Lom Pyung Group,” nakipag-kamayan sa akin ang isang lalaki na medyo singkit pero asul ang mata.

“Nice meeting you,” sagot ko at sinundan na iyon ng iba pang mga prominentang tao na puro may-ari ng mayayaman na kompanya.

“Happy birthday, Mr. Karl Sylvestre,” lumingon kami sa papalapit na lalaki.

Si Karl Sylvestre na ibang-iba na ngayon. Ang buhok n’ya na dating bagsak ay nakataas na pero guwapo pa rin ang dating ng perpektong panga n’ya. Matangos ang ilong n’ya saka medyo pumula ang labi at may mga bilugan na mata.

“Happy birthday, Karl,” nanlaki ang mata n’ya na lumingon sa akin.

“Laika?” natulala s’ya sa mukha ko at sumingkit ang mga mata na para bang may hinahanap sa mukha ko.

“Parang fifteen years lang limot mo na agad ako,” tumawa ako pero natigilan s’ya.

“K-kasi naman ikaw,” umubo s’ya dahil pumaltos agad s’ya sa unang salita. I can’t deny na may gusto pa rin sa akin ‘tong isang ‘to. “Kasi naman ikaw, hindi mo sinasagot lahat ng tawag ko sa’yo,” dumiretso rin ang dila n’ya sa wakas.

“Sorry kasi busy ako eh,” sagot ko.

“Ahh gan’on ba. Ayos lang atlis nandito ka sa kaarawan ko,” ngumiti s’ya saka tumitig diretso sa mga mata ko. “Ahh tara doon tayo sa may balkonahe. Magkuwentuhan muna tayo saglit,” yaya n’ya at sinundan ko s’ya hanggang sa balkonahe ng mansyon na malayo sa party.

“Ahm Karl,” tawag ko saka s’ya lumingon. “Sorry sa lahat ng nagawa k sa’yo dati,” sambit ko pero ngumiti lang s’ya.

“Ayos lang ‘yon, matagal na rin naman ‘yon,” ngumisi s’ya saka tumanaw sa malawak na bakuran nila. “Noong nawala si Lucas sigurado akong nasaktan ka. Ayos ka na ba ngayon?” tanong n’ya habang nakabaling pa rin sa labas.

“Dahil naging kaibigan naman kita at pinagkakatiwalaan ay sasabihin ko sa’yo ang totoo. Hindi ko pa rin matanggap lahat ng nanyari hanggang ngayon,” sagot ko saka s’ya lumingon sa akin.

“Laika, matagal na panahon na ‘yon. Mananatili kang masasaktan kung hindi mo pakakawalan ang nakaraan. Hindi mo masisilayan ang umaga kung hinahabol mo ang buwan. Laika, tingin mo masaya si Lucas sa ginagawa mo? Kung ako si Lucas, siguradong magagalit ako at magi-guilty dahil ‘di ka makamove on at tinatali mo ang sarili mo sa taong maaaring wala na,” seryoso ang mukha n’ya at nakatitig ang mga mata kaya umiwas ako ng tingin.

“Maaaring tama ka nga pero hindi ko kaya,” napapikit ako at may luhang lumabas sa aking mga mata.

“Kaya mo Laika pero ayaw mo lang. Kaya mo pero hindi mo matanggap. Kaya mo pero naghihinayang ka. Kaya mo pero sinisisi mo pa rin ang sarili mo,” sambit n’ya na mas lalong nagpaluha sa akin.

“Ahh Karl,” napabaling ako sa kanya saka pinunasan ang pisngi ko. “P’wede ko bang ipakiusap sa’yo na sana makipag-ugnayan kayo sa kompanya namin?” pabor ko sa kanya.

“Sure Laika, basta ikaw,” sagot n’ya saka ngumiti at muling pinunasan ang gilid ng mata ko gamit ang hinlalaki ng dalawa n’yang kamay.

“Babalik na ako doon. Happy birthday ulit Karl,” ani ko sabay halik sa pisngi n’ya at umalis sa harap n’ya.

Bumaling ako sa party para makalimutan muna saglit ang lahat. Nakita kong may kausap si Mr. Oliver Sylvestre na lalaki. Para bang may part sa akin na gusto kong malaman kung sino ‘yon dahil pamilyar ang tindig n’ya. Lumapit ako at nakita ko agad ang katauhan ni Daniel sa kausap ni Mr. Sylvestre.

‘Yong makinang na mata at buhok ay hawig kay Daniel. Maging ang tindig at hugis ng mukha ay parehong-pareho rin. Napatalon ako sa gulat nang may lumitaw na lalaki sa harapan ko.

“Good evening,” bati n’ya habang nakangiti at inabutan ako ng champaigne. Naalala ko na hawak ko pa rin ang baso ng champaigne kanina kaya binitawan ko iyon sa lumapit na waiter.

“Good evening,” pabalik na bati ko.

Tiningnan ko s’ya mula ulo hanggang paa at nagsitindigan lahat ng balahibo ko. Umiinit ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan. Muli akong tumingin sa mukha n’ya na nakatitig sa dibdib ko.

“Minamanyakan mo ba ako?” tinaasan ko s’ya ng kilay at nagulantang naman s’ya.

“Ah eh h-hindi, nagkakamali ka. Ako nga pala si Kristan Roque,” pakilala n’ya.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon