CHAPTER 10: Over Protective

14 2 0
                                    

Ilang buwan na rin ako kinukulit ni Lucas gayun na rin ni Karl. Naiirita ako sa kanilang dalawa lalo na kapag nagkikita sila. Hindi ko mapigilan na magkainitan silang dalawa pero tumitigil din naman. Masyado nang luma ang issue na laging pinag-uusapan na tungkol sa akin kaya hindi na ako number one students’ enemy.

“Aray!” napareklamo ako dahil sa bigla na lang ako pinalo sa braso ni Lucas. “Anong problema mo?” nilakihan ko s’ya ng mata ngunit ngumisi lang s’ya.

“May lamok kasi, baka nananantsing sa’yo,” tumawa s’ya ng mahina dahil nand’yan na ang subject teacher. Ang babaw talaga at napakaisip-bata. Inirapan ko s’ya pero tumatawa lang s’ya.

“Paano napunta ang Pilipinas sa Estados Unidos noong 1898?” tanong ni ma’am saka ako nagtaas dahil alam kong iyon ay dahil sa natalo sa digmaan ang mga kastila sa Cuba at ginawang pambayad ang Pilipinas. “Ms. Hemenez, stand up,” sabi ni ma’am.

Tumayo ako pero hindi pa ako nakakatayo ng maayos ay hinila na agad ako ni Lucas paupo kaya tumaas ang kilay ni ma’am. Lumingon ako kay Lucas na seryoso ang mukha at ngumisi.

“Ano bang problema mo ha?” tanong ko.

“Iyong palda mo sumabit, baka mapunit,” sagot n’ya sabay turo sa palda kong nakasabit sa gilid ng plastic chair. Aabutin n’ya sana pero pinalo ko ang kamay n’ya.

“Anong ginagawa mo? Tumigil ka nga!” reklamo ko pero ngumisi lang s’ya.

Tinanggal ko ‘yong palda ko sa pagkakasabit saka tumayo. “Noong 1898 ay natalo ang kastila sa Espanish-American War sa Cuba kaya bilang bayad ng Espanya ay itinurn-over ng Spain ang kolonya niya na ang Pilipinas sa U. S.” sagot ko.

“Good, Ms. Hemenez. And please, h’wag kayong magharutan dito,” tumawa si ma’am habang ako naman ay hiyang-hiya na umupo.

“Next time hindi na kita haharutin sa klase,” bulong ni Lucas. Tumindig ‘yong balahibo ko sa sinabi n’ya. Haharutin? What the hell? Naiinis na talaga ako dito kay Lucas, iba na lang dapat ang harutin n’ya.

Ilang minuto ang nakalipas at nagclass dismiss na. Lumabas ako sa room kasama si Louisa na mas lalo akong inaasar dahil sa pinaggagawa ni Lucas. Napapapikit na lang ako sa mga nanyayari.

“Alam mo Laika, mas pogi si Lucas kaysa kay Karl tapos mas patay na patay pa s’ya sa’yo. Nagawa ka pa nga n’ya ipakilala sa papa n’ya. Kaya sagutin mo na lang si Lucas,” pangunngulit n’ya.

“Wala akong balak na sagutin ‘yon. Ni hindi ko naman sinabing ligawan n’ya ako. Kaya kahit anong kulit n’ya at kahit anong gawin n’ya, hinding-hindi ko sila sasagutin,” matigas ko pa.

“Pero ang lakas n’yong magharutan sa gitna ng klase,” tumawa si Louisa pero hinampas ko lang ang ulo n’ya.

“Excuse me, hindi kami naghaharutan. S’ya lang ang nang-haharot sa akin. So it means, hindi ako involve sa ginagawa n’ya,” laban ko kay Louisa pero patuloy lang s’ya sa pagtawa.

“Bakit ka defensive? Ang sweet n’yo kaya,” pang-iinis pa n’ya.

“Hin—,” natigilan ako nang biglang may yumakap sa baywang ko. “What the hell? Bastos!” napasigaw ako sa gulat saka ko siniko patalikod.

“Awww, mabuti na lang may abs ako kundi tanggal bituka ko d’on,” napalingon ako kay Lucas na nakahawak sa kanyang sikmura pero tumatawa pa rin.

“What the hell? Bakit mo ko niyakap ha?” hinampas ko ‘yong dibdib n’ya pero hindi s’ya natinag. Infairness naman kasi, grade 9 student pero may abs tapos tigasin na ang katawan. Opps… no, no, no! Bakit ko ba iniisip ‘yon?

“Hinangin kasi ang palda mo at muntik umangat kaya niyakap kita para walang makakita ng underware mo,” sagot n’ya habang tumatawa.

Uminit ang pisngi ko kaya umiling-iling ako. “Don’t do that again, Lucas. Wala kang karapatan para gawin ‘yon. O baka tsinatsansingan mo lang akong bwiset ka?” hinampas ko ulit s’ya pero hindi man lang s’ya napaatras.

“Hindi ah. Hindi naman ako bastos at mahalay ang isipan,” sagot n’ya. “Mas mabuting samahan ko na lang kayo at baka ano pang manyari,” dagdag n’ya na mas ikinalaki ng mata ko.

“No—,” hindi pa ako natatapos nang biglang sumabat si Louisa.

“Sige Lucas. Baka mapahamak pa ‘tong baby mo eh,” siniko ko si Louisa pero tinaasan n’ya ako ng kilay nang nakangiti.

“What did you say? Baby? Yak!” reklamo ko pero ngumisi lang s’ya.

“Ok ok,” sumingit naman si Lucas sabay akbay sa akin kaya siniko ko ulit. “Sabi ko nga hindi na ako hahawak,” itinaas n’ya ang dalawa n’yang kamay saka ko s’ya inirapan.

Maya-maya ay nagulat ako dahil may napaatras sa gilid ko, si Karl. Napatingin naman ako kay Lucas na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Karl.

“Ano bang ginagawa mo ha? H’wag ka nang magsimula ng gulo,” siniko ko s’ya sa tagiliran pero hindi man lang s’ya tumingin sa akin.

“Malaking langaw,” ‘yon lang ang naisagot n’ya sabay lapit kay Karl kaya hinawakan ko na ang braso n’ya kaya natigilan s’ya. Naggi-gym ba s’ya? Anlaki ng triceps at biseps n’ya. Oh what the hell I am thinking?

“Karl, umalis ka muna. Ayoko ng gulo ngayon, ok?” paki-usap ko kay Karl kaya umalis na lang s’ya na nanlilisik din ang mga mata. Bumaling ako kay Lucas na nakatingin pa rin sa papalayong si Karl. “What is happening to you?” tanong ko saka s’ya bumaling sa akin.

“Pinuprotektahan ka sa mga dangerous species,” diretsong sagot n’ya kaya nalaglag ang panga ko. Hindi ko ba alam kung iinit ba ang pisngi ko o tatawa ako sa dahilan n’ya. Bwiset, ang babaw!

“Dangerous species? What are you saying?” tanong ko saka ko kinagat ang ibabang labi ko para mapigilang tumawa.

“Yes, dangerous species. ‘Yong mga tao or something na p’wedeng makasakit sa’yo. Gusto kong ilayo ka sa mga gan’on lalo na sa Karl na ‘yon dahil mukha pa lang n’ya ay nakakatakot na,” uminit ang pisngi ko sa sinabi n’ya kaya hindi ako makapagsalita.

“What?” iyon lang ang nailabas ng bibig ko na salita.

“I want to protect my girl from danger. Even though it looks too much,” sagot n’ya saka mas lalo pang uminit ang pisngi ko at nagkagulo na naman sa tiyan ko.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon