Buong magdamag ay nakatulala lang ako sa kuwarto habang ‘di makapaniwala sa lahat. Nasira ang kasal nang humandusay si Mr. Sylvestre sa simbahan at ngayon ay wala paring malay. Buhay pa naman s’ya pero wala nga lang muwang.
“Ma’am, ayos lang po ba kayo?” tanong ni Megan. Personal secretary ko na s’ya ngayon kaya hanggang bahay ay may access na s’ya.
“Ah oo ayos lang ako. Si papa?” lumingon ako sa kanya mula sa pagtanaw sa bintana ko.
“Nagpapahinga po ma’am sa kuwarto niya,” sagot n’ya.
“Oh sige, kung may gusto kang kainin ay tumingin ka na lang sa fridge,” sambit ko saka ngumit sa kanya.
“Maraming salamat po ma’am,” tugon n’ya saka lumabas ng kuwarto.
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Kristan at si Lucas ay iisa. Oo nahahalata ko pero may malaking agwat sa personalidad nila kaya hindi ko nahalata. ‘Yon siguro ang skills niya bilang con artist.
Ibinilanggo siya dahil sa pagnanakaw at nadagdagan pa ‘yon dahil sa pagtakas n’ya sa bilangguan kahapon. Sa totoo lang, wala naman s’yang kasalanan dahil inilalabas niya ang katotohanan sa likod ng mga businessman sa lungsod. Sabi ko na nga ba, hindi n’ya ako pababayaang maikasal kay Karl.
“Megan!” tawag ko pagkalabas ng kuwarto. Bumaba ako sa salas at doon ko s’ya nakita. “Megan,” muling tawag ko.
“Yes ma’am?” napatayo s’ya sa gulat pero nginitian ko s’ya kaya kumalma.
“Ihanda ang kotse dahil pupunta ako sa Raleigh Detention Center. Doon nakakulong si Lucas, tama ba?” tanong ko.
“Yes ma’am,” sagot n’ya habang tumatango-tango.
“Ihanda na ang kotse,” utos ko at agad naman s’yang kumilos.
Oliver Sylvestre walang malay matapos paghinalaang nabaril ng isang takas na bilanggo sa Santa Monica Cathedral kahapon.
Nananatili si Oliver Sylvestre, 63, sa Perez Medical Hospital matapos makatanggap ng isang hindi pa alam na bala mula sa baril ng suspek.
Nakilala naman na si Lucas Rhodes, 29, ang bumaril sa biktima na nakilala ring Kristan Roque na nabilanggo noong lunes dahil sa pagnanakaw.
Ayon sa mga bisita, masayang ikinakasal ang anak ng biktima na si Karl Sylvestre at ang nobya nitong si Laika Hemenez bago dumating ang suspek.
Paghihiganti raw ang motibo ng suspek dahil sa pagpatay raw ng biktima sa magulang niya noon na kalaunan ay walang matibay na ebidensya.
Tinutukan niya ng baril ang mga nasa loob ng simbahan at saka pinaputukan ang biktima nang dumating ang mga pulis nang may natanggap silang reklamo.
Hindi pa batid ng mga sumuri kay Sylvestre na si Dr. Leo Ocampo kung anong klaseng bala iyon dahil sa walang bakas ng tama o sugat at electric shocks lang daw ang natamo nito.
“Inaalam namin kung paano nawalan ng malay ang biktima through electric current. Nakita rin namin na walang bakas ng tama ng bala pero sumabog ang cellphone nito na maaaring pinagmulan ng kuryente,” ani Leo.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek at kinasuhan ng attempted murder na daragdag sa dalawampung taong sintensya n’ya.
Napakagat ako sa kuko ko nang mabasa ang article online. Paano naman maibibigay ni Lucas ang ebidensya na magpapabagsak sa mga Sylvestre kung nakakulong s’ya. Mukha pa namang wala siyang alam sa flashdrive na ibinigay ni papa noon.
“Ma’am, nandito na po tayo,” anunsyo ni Megan saka ako bumaba at diretso ang lakad papasok ng detention.
“Yes ma’am? Ano pong sadya ninyo?” tanong ng lalaking jail guard pagpasok ko ng main gate.
“Gusto kong bisitahin si Lucas Rhodes, ‘yong nakulong kahapon,” sagot ko.
“Maghintay po kayo sa silid na ‘yon.” Tinuro ng lalaki ang isang silid kaya pumasok ako.
May upuan doon at salamin kung saan isang upuan lang din ang naroroon. Isang salamin naman na may maliliit na butas ang pumapagitan sa akin at sa isa pang silid kung saan ipapasok si Lucas.
Ilang saglit pa ay ipinasok na si Lucas saka pinaupo doon. Nanlaki ang mga mata n’ya nang makita ako.
“Laika? Anong ginagawa mo rito?” tanong n’ya.
“Kailangan kitang maka-usap,” sagot ko.
“Dapat kinakahiya mo na ako dahil sa kriminal na ako ngayon.” Napayuko s’ya at itinago ang mukha.
“Lucas, makinig ka. May alam ako sa lahat ng nanyayari dahil nagtapat na si papa. May Flashdrive ka bang itinatago mula noong nakatakas kayong tatlo?” diretso kong tanong.
“Wala, hindi ko alam,” sagot n’ya.
“Nandoon ang ebidensya laban sa mga Sylvestre,” ani ko at nanlaki ang mga mata n’ya.
“Paano?” pagtataka n’ya.
“Ibinigay ‘yon ni papa noong itinakas n’ya kayo,” sagot ko. “Nga pala, bakit hindi ka nagtapat sa akin na ikaw si Lucas?” tanong ko.
“Alam ko kasing mapapahamak ka.” May luha akong nakita na bumagsak sa mga mata n’ya pero pinunasan iyon ng nakaposas n’yang kamay.
“Hinanap kita Lucas pero hindi kita nakita for almost sixteen years na. Nasaan ka ba ha?” may tumulo na rin na luha sa mga mata ko habang hindi ko s’ya mayakap dahil may salamin na pumapagitan sa amin.
“Lumayo ako dahil para sa’yo. Pero kahit lumayo ako, pinapanood kita dahil ayokong mapahamak ka. Hindi ko matiis ang lahat kaya nagpakita ako sa’yo at para maiwasang mapahamak ka ay nagpanggap ako na si Kristan,” sagot n’ya.
“Lucas, mahal kita,” sambit ko. Sa wakas, pangalawang beses na rin sa buhay ko na nasabi ko ‘yon.
“Laika, mamahalin mo pa ba ako kahit na isa akong mandurugas?” tanong n’ya.
“Mahal na kita noon pa man, hindi ko lang masabi. Nagsisi na ako dahil naging huli ang lahat pero ngayon na andito ka na ay wala na akong papalagpasin. Mahal kita kahit ano ka man ngayon,” sagot ko.
“Laika, I’ll be back, dahil para sa’yo ito lahat. Don’t worry, nandiyan pa sila Isaac, makakalabas din ako,” sambit n’ya.
Gusto ko s’yang yakapin pero hindi p’wede. May distansya sa amin ngayon at isang gulo ang maidudulot nito.
“Ginawa ko lahat ng ‘yon dahil mahal kita at dahil para sa’yo,” dagdag n’ya at doon na nga tuluyan bumagsak ang luha ko.
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/222717563-288-k458424.jpg)
BINABASA MO ANG
Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #1 STEALING MY HEART There are some people who didn't interested about love. 'Yong feeling na tingin mong immature ang mga couple na nakikita mo. Laika Hemenez will meet Lucas Rhodes who will change her point of views about lo...