CHAPTER 44: Ang Pagkalugi

4 0 0
                                    

“Ma’am, magreresign na po ako,” bungad sa akin ni Megan paggising ko at kumakain ng almusal sa dining room.

“Ha? Bakit?” pagtataka ko.

“Usap-usapan na po ang kompanya at mukhang wala na po akong madadatnan sa pagta-trabaho sa inyo. Pasensya na po ma’am,” sagot n’ya at napayuko pa.

“Dahil ba ito sa issue?” tanong ko habang patuloy sa pagkain.

“Ahm… opo ma’am. Mukhang babagsak po ang kompanya at ayoko pong madamay,” sising-sisi na sambit n’ya.

“May ikuk’wento ako sa’yo Megan. Hindi babagsak ang kompanya dahil may lalabas na matinding katotohanan. Pagkalabas ni Lucas sa kulungan ay paniguradong malalagot ang mga Sylvestre na simula ng lahat,” paliwanag ko.

“Pasensya na po ma’am pero hindi na po magbabago ang desisyon ko,” tugon n’ya kaya napabuntong-hininga na lang ako.

“Kung iyan nga ang gusto mo, eh ‘di sige. Wala na akong magagawa kung ‘di ang gawin ang gusto mo,” ani ko saka nagpatuloy sa pagkain.

“Ma’am ngayon na po sana ako aalis. H’wag na po kayong mag-alala dahil nakuha ko na po ang benefits ko. Tutuloy na po ako,” paalam n’ya.

“Ok sige, mag-ingat ka.” Nginitian ko s’ya at inihatid ng tingin palayo sa dining room. Napailing-iling ako at bumuntong-hininga habang kumakain.

“Anak.” Halos mapatalon sa gulat nang sumulpot si papa.

“Papa naman, h’wag naman kayong manggulat,” reklamo ko at pilit na pinapakalma ang sarili.

“Tuluyan na bang mawawala ang mga pinaghirapan ng pamilya natin?” malungkot ang boses ni papa at mapungay ang mga mata n’ya. “Babagsak na ba ang buhay natin?” dagdag n’ya at may naligaw na luha sa mga mata n’ya.

“Hindi papa, hindi po ako makakapayag. Gumagawa na po ng paraan si Lucas para mailigtas ako,” sagot ko naman kay papa.

“Paano? Nasa kulungan si Lucas at hindi n’ya pa alam kung nasaan ang flashdrive,” pag-aalala ni papa at sunod-sunod na ang mga luhang tumutulo sa mata n’ya.

“Papa, hindi nag-iisa si Lucas. Si Isaac at Dave ay inaasikaso na ang lahat para mailigtas ang kompanya. Mahal po ako ni Lucas kaya hindi n’ya po ako pababayaan,” sambit ko kay papa at nakita kong gumaan ng unti ang pakiramdam n’ya.

Hindi ako p’wedeng magpakampante dahil maaaring sumablay sila Lucas. Wala rin akong alam sa plano nila lalo na’t delikado ang sitwasyon ko ngayon. Hindi pa rin kasi matigil ang protesta sa kompanya at anytime ay magsasara ito kung hindi masusulusyunan. Wala na rin naman akong ibang aasahan kung ‘di ang mga Rhodes.

“Ma’am, handa na po ang sasakyan ninyo,” anunsyo ng katulong ko.

“Thank you, manang,” tugon ko saka tumayo at tumungo sa kotse.

I have no choice than to drive with myself. Hindi naman ako nasanay na nand’yan si Megan palagi kaya medyo komportable ako sa pagmamaneho mag-isa. Habang dumadaan ako sa highway, mukhang normal ang lahat dito. Pero n’ong malapit na ako sa kompanya ay umalingawngaw na ang protesta.

“IBAGSAK! IPASARA!” hinaing nila kahit hindi naman nila alam ang kuwento.

Ang mga tao kasi ay masyadong sensitive. Makakita lang ng isang balita o makarinig ay hindi nila aalamin kung totoo. Agad silang magrereact at mangbabash kahit na wala naman silang alam.

That was the society toxic mindset. Masyadong mapanghusga at mababa ang pagiging mapanuri. Because of their views, mas lalong nananalo ang mga Sylvestre laban sa amin. As usual, wala naman ding magagawa si Karl lalo na’t alam n’yang hindi ko s’ya mahal. Paniguradong galit na galit ang pamilya nila sa amin.

“Ma’am, puno po ang opisina ng mga manufacturing officer ng resignation letter,” bungad sa akin ng CFO.

“Bwiset! Hayaan mo sila, resulbahin muna natin ang problema saka tayo maghire ulit ng worker,” tugon ko.

“Pero ma’am, babagsak ang sale natin,” reklamo n’ya.

“May worker man o wala ay bagsak na. Gawan muna ng paraan ang problema para bumalik ang operasyon natin sa normal,” tugon ko saka talikod at patuloy na naglalakad papuntang opisina.

“Ma’am, ang mga twenty-five percent ng mga investor natin ay kinukuha na ang investment nila,” habol sa akin ng CFO.

“May seventy-five percent pa naman tayo kaya ayos lang ‘yon. Kausapin mo ang ibang natitirang investor para mapakiusapan na manatili. H’wag ninyong hahayaan na umalis din sila o bumaba sa kalahating pursyento ang mga investor,” sagot ko.

Sa totoo lang, sumasakit na ang ulo ko pero kailangan kong sagutin ang mga hinaing para sa kompanya. Wala na akong magagawa, hindi p’wedeng humilata lang ako dahil nasa malaking problema ang kompanya.

“Ma’am, ititigil po ba ang construction para sa plano ninyong unibersidad?” bungad ng process team officer.

“No, ipagpatuloy n’yo lang ‘yon,” sagot ko kaya sila umalis para gawin na lahat ng trabaho nila.

Mag-isa na lang akong tinatahak ang daan patungong opisina. Hindi ko kaya ang trabaho pero hindi ko naman p’wedeng pabayaan ang kompanya dahil mga ninuno ko pa ang nagtatag nito. Hindi p’wedeng dahil sa akin ay matatapos lang ‘to bigla dahil sa relasyon ko sa isang Rhodes.

“Ma’am, thirty-five percent ng trabahador po natin ay nagresign. Nagbabadya na po ang fifty percent ng mga workers. Ang natitira na lang po ay ang mga office staffs,” reklamo naman sa akin ng information officer ng company.

“May fifteen percent pa pero hindi ‘yon sapat. As long as you can convince them to stay, it’s good,” sagot ko.

“Pero lahat po ng resignation request nila ay nasa opisina na ng mga manufacturing officer at managers,” reklamo naman n’ya.

“Bwiset! Pigilan ninyo. Mag-offer kayo ng kahit ano na p’wedeng ibigay ng kompanya, h’wag lang sila umalis sa paglilingkod sa kompanya natin.” Napayuko ako dahil naguguluhan na ang utak ko sa nangyayari.

Unting hintay na lang at matatapos na lahat ng problemang ito. Si Lucas na ang bahala sa kahihinatnan ng kompanya. Sa kanya talaga nakasalalay ang lahat. Nakasalalay rin ‘yon sa pagmamahalan naming dalawa.

“Hindi p’wedeng matapos sa ganito ang lahat. Hindi ako makakapayag na masira lahat ng pinaghirapan ng magulang ko. Magpatawag ng board meeting, ngayon na!” utos ko.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon