Nandito ako ngayon sa Golden Restaurant sa Polmention Boulevard. Ito ang pinakamagarbong restaurant ng Raleigh City dahil purong ginto ang bawat gamit dito. Nandito ako dahil sa dinner namin ni Kristan for business. Maaga na ako pumunta dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Hindi ko ugaling gumala noong pa.
“Good evening, Ms. Hemenez,” ngumiti si Kristan saka nakipagkamayan.
“Good evening too,” sagot ko saka s’ya umupo sa tapat ko.
“Ahm nakahanda ang construction team ng kompanya para sa inyo. Ano bang ipapangalan sa school?” tanong n’ya. Sumulyap ulit s’ya sa dibdib ko kaya napataas ang kilay ko.
“Pansin ko Mr. Roque, panay ang titig mo sa dibdib ko. Minamanyakan mo ba ako?” ngumisi ako habang s’ya naman ay nagpapanic ang mukha.
“Ah hindi hindi. Maitanong ko lang, saan mo nakuha ang necklace na ‘yan? Rare ang necklace na ‘yan ah,” umiling-iling s’ya saka napasandal ang siko sa lamesa.
“Paano mo nalaman ang tungkol sa necklace na ‘to?” pagtataka ko.
“Ahh nevermind, nakita ko na ‘yan sa museum dati,” sagot n’ya saka umupo ng maayos. “Anong ipapangalan mo sa university na gagawin mo? Hemenez National Academy? Laika Hemenez University?” sunod-sunod na suhesyon n’ya pero umiling ako.
“Rhodes National University,” diretsong sagot ko at natigilan naman s’ya.
“Bakit naman Rhodes?” pagtataka n’ya.
“Bilang pasasalamat ka sa isang anak ng nawawalang pamilya na Rhodes. Para sana naman kahit nasaan s’ya ay malaman n’yang minahal ko rin s’ya,” napabuntong-hininga ako.
“Ahh ok. Boyfriend mo ba s’ya? Asawa?” tanong n’ya pa pero seryoso ang boses kaya parang bumabalik na naman sa akin lahat ng pasakit na nararamdaman ko.
“Nope. Muntik nang maging boyfriend kung hindi sila nawala. Ikakasal na rin ako sa taong hindi ko minahal,” huminga ako ng malalim saka ngumiti ng marahan.
“Sorry naitanong ko pa,” ngumiti s’ya.
“Ayos lang ‘yon,” tumingin ako sa paligid at pinipigilan ang nagbabadyang luha.
“Parang iiyak ka, sorry talaga,” hinuli n’ya ang mata ko. “Ayos lang umiyak, masaklap naman ‘yan sitwasyon mo eh. Tell me something about him, release all your pains. I will listen,” ngumiti s’ya pero tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
Ito siguro ang kailangan ko, ang may makikinig. Hindi ko na masyadong makausap si Louisa dahil busy na s’ya sa business. Siguro ayos lang naman kay Kristan, mukha naman s’yang mabait na tao.
“Ikakasal ako sa lalaking hindi ko kailanman minahal. Kilala mo ‘yong anak ng nahuling murderer noong pagtapos ng kaarawan ng anak n’ya? ‘Yong CEO ng LV Corporation,” sambit ko at tumango lang s’ya. “Tapos ang papa ko naman mamamatay na dahil sa cancer. Then still I’m into a person na minahal ko fifteen years ago,” dagdag ko.
Nakita kong nanlumo ang mga mata n’ya kaya napataas ang kilay ko. Napaiwas naman s’ya ng tingin pero nakita kong mamasa-masa ang kanyang mga mata.
“Makikipag-ugnayan ang PA Construction sa kompanya ninyo para maisakatuparan ang pagpapatayo ng university. Kailan ba sisimulan?” tanong n’ya.
“As soon as possible. Gusto ko na maging maganda ang bawat sulok ng university at may mga nililok na rebulto nila, bilang memorabilia,” sagot ko saka nagsimulang kumain. “Ikaw? May magulang ka pa ba?” tanong ko habang humihiwa ng steak at isinubo.
“Wala na, namatay sila ilang taon na ang nakakaraan,” sagot n’ya saka inisubo ang pagkain n’ya.
“Mabuti at kinaya mo,” ani ko pero hindi pa rin s’ya bumabaling sa akin.
“Kinaya naman namin ng tatlong magkakapatid. Kailang mgasumikap para mabuhay,” sagot n’ya saka tumingin ng diretso sa akin.
Tumambad sa akin ang pale lips n’ya na mas lalong nagpaalala sa akin kay Lucas. Tapos pareho ang mga kuwento nila. Pero imposible na si Kristan Roque ay si Lucas Rhodes. Matagal na ang PA Construction at minamana ang bawat kompanya ng anak ng CEO kaya hindi magiging si Lucas ang nasa harapan ko.
Biglang tumunog ang phone n’ya saka tumingin sa akin. “Sasagutin ko lang, excuse me,” paalam n’ya kaya tumango ako. Ilang saglit pa ay bumalik s’ya sa table at nagpaalam, “sorry Ms. Hemenez, I need to go. Emergency eh.”
“Sure, don’t worry,” sagot ko saka s’ya dali-daling umalis.
Magkaiba sila ng tindig at ayos ni Lucas. Kahit na pilit na tumutugma ang bawat detalye ni Lucas sa kanya ay hindi magiging s’ya si Lucas. Baka pilit ko lang hinahanap ang katauhan ni Lucas kay Kristan.
“Babayaran ko na ang order namin sa table 6,” inabot ko ang credit card ko sa counter.
“Bayad na po ang kinain ninyo ma’am,” ibinalik n’ya ang credit card ko at tumango ako. Baka si Kristan ang nagbayad. Nakakahiya lalo na’t project partner namin s’ya, dapat ako ang nagbayad. “Ma’am pinasasabi n’ya rin po na mag-ingat kayo,” nahabol ng babae sa counter kaya napalingon ako.
“Thank you,” ngumiti ako at tumango. Ang weird! I feel something with him. Ngumisi ako saka pumasok sa kotse.
“Ma’am successful po ba?” tanong sa akin ni Megan habang nagmamaneho.
“Yes,” ngumiti naman ako. “By the way, nacu-curious ako kung sino nga ba talaga si Kristan Roque? Matagal na natin silang business partner pero nagtataka ako,” tumanaw ako sa kalsada.
“Ipapabackground check po ba natin ma’am?” tanong ni Megan.
“Sige mas mabuti ‘yon,” sagot ko saka muling bumaling sa labas ng bintana ng kotse. Mas magandang kilalanin lahat ng business partners ng kompanya. Bago pa lang ako dito kaya kailangan maingat ako sa bawat galaw.
Pero nagtataka ako bakit lahat ng kuwento ni Kristan laging pinapaalala si Lucas sa akin. Tatanggapin ko ba ang kasal na inaalok ng mga Sylvestre para makalimutan ko si Lucas? Siguro mas mabuting tanggapin ko na para kay papa.
“Hello Karl,” tinawagan ko si Karl para sabihin ang sagot ko.
“Oh Laika, napatawag ka?” sagot n’ya sa kabilang linya.
“Tinatanggap ko na ang pabor,” sagot ko at narinig ko s’yang nagsisisigaw sa kabilang linya kaya napangisi ako.
“Talaga? Whaah ang suwerte kong lalaki!” hindi matigil ang sigaw n’ya sa kabilang linya. Ibinaba ko ang phone ko at napapikit. Tama ba ang desisyon ko? Paano kung bumalik si Lucas?
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/222717563-288-k458424.jpg)
BINABASA MO ANG
Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #1 STEALING MY HEART There are some people who didn't interested about love. 'Yong feeling na tingin mong immature ang mga couple na nakikita mo. Laika Hemenez will meet Lucas Rhodes who will change her point of views about lo...