CHAPTER 26: First Three Handwritten Letters

11 0 0
                                    

Hindi matigil ang hagulgol ko habang nakaharap sa human size na teddy bear at sa isang box. Binuksan ko ‘yong box na punong-puno ng letters n’ya at poems noong araw na humihingi s’ya ng tawad sa akin. Ngayon magagawa ko na ang pabor na hiningi n’ya sa akin. Binuksan ko ang isa at ito ang tumambad sa akin.

Hi Miss Sungit. Alam mo noong nakita kita sa canteen, I already told myself that you are the girl that I want to marry. Hindi naman dahil sa maganda ka at pinagkakaguluhan ka kasi dahil iyon sa lakas ng loob mo. Sinubukan kong ipahiram ang shirt ko sa’yo at sobra ang tuwa ko noong tinanggap mo ‘yon. Ginawa ko ‘yon para magkita tayong muli at para mapalapit ako sa’yo.

Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung bakit tayo magkaklase. Maybe iniisip mo na dahil iyon sa magkasing-edad tayo o magkabatch tayo pero nagkakamali ka. Noong lumabas ng room si Louisa bago pa magsimula ang third period ay sinabi kong gusto kitang makatabi at pumayag naman s’ya. Pinaki-usapan ko rin si papa na ibalik ako sa grade 9. Kahit na ayaw ni papa ay pinilit ko s’ya para lang makasama kita.

Hindi mo rin ‘ata alam na planado ang lahat ng iyon. Noong una, gusto kita dahil ang lakas ng dating mo pero noong nakalapit ako sa’yo ay nahulog na ako nang hindi ko nalalaman. Nakita kong umaaligid sa’yo si Karl kaya doon ko na sinimulan ang plano ko pero hindi pumayag si Karl na tigilan ka kaya nabugbog ko s’ya.

Bwiset ka talaga Lucas. Kahit dito naririnig ko ang boses mo tapos planado mo pa lahat ng nanyayari. Bakit mo pa kasi ginawa kung mawawala ka rin naman? Sana pala hindi ko na binalik ‘yong damit mo para sa akin na lang ‘yon.

Hindi ko na tuloy mapigilan ‘yong luha ko sa unang sulat pa lang. Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito? Simpleng sulat mo lang para bang nararamdaman kong hindi na mauulit pa o magagawa pang muli ang mga bagay na ginawa natin.

Nilapag ko ang papel sa kama ko saka pumulot ulit ng isa pa. Binuklat ko iyon at sinimulang basahin. Kahit dito man lang, maramdaman ko ang presensya ni Lucas kahit wala na s’ya sa tabi ko mula ngayon.

Hello ulit Laika. Plano kong magsulat buong gabi para lang sabihin lahat sa’yo paunti-unti. Excited na rin ako sa magiging reaksyon mo kapag nabasa mo ‘to. Sasapakin mo kaya ako o babatukan?

Ang saya ko noong nakitang suot mo ang shirt ko. Hindi ko mapigilang sumulyap sa’yo habang nagkaklase. Sorry dahil kinukulit kita pero ‘yon lang ang ginagawa ko para makausap kita. Ang ganda palang pakinggan ang boses mo lalo na kapag naiinis. Para kasing aso na naipit ang boses mo tuwing minamalditahan mo ako eh. Pero joke lang ‘yon.

Laika, sorry dahil nasira ko pa yata ang concentration mo sa pag-aaral. Hindi ko lang naman mapigilan na kausapin ka eh. Alam mo ba na naiinis ako kay Karl dahil masyado s’yang makulit at ayaw ko namang makuha ka n’ya.

Sorry din dahil ako ang dahilan kung bakit ka usap-usapan sa school. Nagi-guilty ako dahil kahit hindi pa kita nakikitang umiiyak ay alam kong may damdamin ka pa rin. Alam ko naman na hindi mawawala lahat ng tingin sa’yo ng tao kahit na palayasin ko sila ng school eh pero ayoko rin namang lumayo sa’yo.

Marami akong kasalanan sa’yo Laika mula sa pagpapahiya tulad noong nagsalita ako sa microphone na narinig sa buong campus. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa’yo.

Pinapatawad na kita sa lahat Lucas pero kahit tanggapin ko ang sorry mo ay hindi na kita makikita. Alam ko namang wala pang konklusyon na patay ka kasi wala pang bangkay pero nawala ka without traces.

Napahagulgol ako at mas lalong sumisikip ang dibdib. Hindi ko na mapigilan ang patuloy at malalakas na agos ng mga luha sa mata ko habang inilalapag ang papel na hawak ko sa kama. Bumibigat ang loob ko habang pinupulot ang pangatlo.

Laika, mahal kita. Kahit anong manyari ay hindi ako susuko para sa’yo. Noong gabi na nakasama kita sa ferris wheel ay wala akong ibang tiningnan kundi ang kumikinang na mata mo na sumasaliw sa fireworks. Sana araw-araw kong makita ‘yan kaya napagdesisyunan kong mahalin ka.

Noong una ay nalilito pa ako sa nararamdaman ko kasi hindi ko pa ‘yon nararamdaman noon. ‘Yong takot na baka makuha ka ng iba at hindi ko mahawakan ‘yang mga kamay mo. Sana lahat ng ibinigay ko sa’yo ay ingatan mo dahil isinama ko na rin ang puso ko sa regalo kong iyon.

Laika, ilang beses mo na rin akong nirereject at sinasabing wala akong pag-asa pero wala akong magawa kundi ang sumugal. Kahit na maaaring walang kahihinatnan lahat ng gagawin ko ay mananatili pa rin akong nagmamahal at gagawin ang lahat para lang sa’yo.

Laika, iyon ang memories na palagi kong dadalhin sa puso ko habambuhay. Baka iyon pa ang kayamanan na ipagmamalaki ko hanggang sa kabilang buhay. Sa mundong ito, wala akong ibang maiaalay maliban sa puso ko. Wala pa akong ari-arian pero darating ang araw na lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sa’yo.

Ayokong umasa sa magulang ko kaya nagpart time ako sa isang restaurant para mabili ang mga regalo ko sa’yo. Habang ang kuwintas naman ay ipon ko mula noong bata ako. Ganiyan kita kamahal kahit na hindi mo ibalik ang pagmamahal na inihandog ko sa iyo.

Sh*t! Nadudurog ako sa bawat salitang nakasulat sa papel na ito. Para bang guilty ako sa lahat pero kahit na parang pinapagaan n’ya ang loob ko ay mas lalo pa itong bumibigat. Lahat ibinigay sa akin ni Lucas kahit wala pa iyon sa paahan ng kayamanan nila.

I can’t imagine na magagawa n’yang magtrabaho at kunin ang ipon n’ya para lang sa lahat ng ibinibigay n’ya sa akin. Kahit na alam kong masaya s’ya sa lahat ayon sa sulat n’ya ay ang bigat pa rin eh. ‘Yong hindi ko man lang nasuklian at nasabi na mahal ko s’ya habang nandito s’ya.

Late na! Huli na ang lahat nang marealize kong dapat ganito ang ginawa ko, ang aminin at ibalik ang pagmamahal na ibinigay ni Lucas sa akin.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon