Natapos na ang university na pinagawa ko. Sa totoo lang ay successful ang pagpapagawa ko nito dahil magagamit na ‘to next year. Mula sa gate hanggang sa mga buildings, modern design lahat. Halos lahat ng kurso at antas ng edukasyon ay nandito.
“Ang daya mo talaga, alam mo na tuloy na magpapagawa ako ng ganito.” Binatukan ko s’ya pero tumatawa lang s’ya.
“Sino naman kasing tanga ang ipapangalan ang school sa akin?” tumatawa n’yang asar.
“So tanga pala ako!” binatukan ko ulit. “Pasalamat ka nga ginawa ko pa ‘to eh,” inis kong dagdag habang s’ya naman ay tumatawang umiilag sa mga hampas ko.
Nandito kami at nililibot ang buong campus. Hindi ko rin talaga masabi kung gaano kaganda ang school na ‘to dahil sa galing ni Engineer Louise. Ilang couple kaya ang mabubuo rito? Parang gusto kong balikan noong grade nine ako ah.
“Alam mo ba noong sinugod kami sa bahay ng mga Sylvestre ay hindi ko alam kung paano ako makakatakas,” kuwento n’ya. “Iniisip ko na paano ko mamahalin ang isang masungit na si Laika kung mamamatay ako,” dagdag n’ya at nakatanggap pa s’ya ng isang batok.
“Pasalamat ka kay papa at pinatakas ka niya,” sambit ko.
“Nasaan na ba si tito?” tanong n’ya at doon nag-iba ang ihip ng hangin.
“Patay na s’ya.” Nabasag ang boses ko at nagsilabasan lahat ng luha sa mga mata ko. Isang buwan na mula noong namatay si papa. Hiling n’yang pabayaan s’ya at kailangan kong sundin ‘yon. Inilibing na rin si papa sa Orfolia kung saan s’ya isinilang.
“Sorry,” sambit n’ya pero umiling ako.
“Ayos lang,” sagot ko.
“Nasa tabi mo naman ako eh. Hinding-hindi kita iiwan,” sambit n’ya saka akbay sa akin.
“Kung makaakbay ka parang tropa mo lang ako ah. Oh pare! Musta pare?” tumawa ako habang s’ya naman ay ngumisi.
“Kaya pala noong high school ay hinahayaan mo akong akbayan ka,” sambit n’ya saka ako napalingon. “In my arms, you’re safe. No one can take you from me forever,” banat n’ya pero isang malaking ngisi ang tinanggap n’ya mula sa akin.
“Naniniwala ka sa kalokohang forever na ‘yan?” tanong ko pero umiling s’ya.
“No, I’m not. Nothing will last forever but a lifetime does. I will love you for a lifetime then love you again on the time after out death. In this world, forever doesn’t exist but we can make our own time and love together in the forever we’ve made,” sambit n’ya pero wala akong naintindihan.
“Hindi ko maintindihan ang sinabi mo. Ang ironic kasi,” reklamo ko.
“Gan’to kasi ‘yon. Mamahalin kita sa buong buhay ko sa mundo tapos sa kabilang buhay ay mamahalin din kita. Eh ‘di forever ‘yon,” paliwanag n’ya sabay ngisi.
“Ang dami mong pinaglalaban,” reklamo ko sabay nagpatuloy sa paglalakad.
“Noong pinagawa mo ‘tong school, parang ginawa mo akong patay,” sambit n’ya habang sabay ang paghakbang namin at magkaakbay.
“Bakit naman?” tanong ko.
“Hindi naman kasi ako patay para pagawan mo ng memorabilia,” reklamo n’ya sabay ngisi.
“Malay ko bang ayaw mo dapat pala hindi ko na ‘to pinagawa.” Lumabi ako saka padabog na naglakad nang hawakan n’ya ang braso ko.
“Binibiro ka lang. Ang saya ko kaya nang malaman ko na mahal mo pala ako. Dati, todo tanggi ka pero nandito ka, sa harapan ko, hawak ko at nasa akin ka. It’s my dream to own you, to protect you and to keep you inside my arms,” bawi n’ya kaya ngumisi ako.
“Hindi mo ko makukuha sa mga pag-eenglish mo.” Tinabig ko ang kamay n’ya at nagpatuloy sa paglalakad pero hinarangan n’ya ako.
“Nagtatampo ka?” tanong n’ya.
“Hindi.” Lumihis ako ng daan pero pilit n’ya akong hinaharangan.
“Saglit, bago mo pa kasi ako dalhin dito ay may pinahanda na ako,” sambit n’ya saka hila sa akin papasok ng concert hall. Pagpasok namin doon ay bumungad sa akin sina Isaac at Dave.
Si Isaac ay may hawak na gitara habang si Dave naman ay may drums. Marunong din pala sila tumugtog. Hindi ko alam na kumakanta rin pala si Lucas nang lumapit s’ya sa mike.
“Laika, alam kong hindi ako magaling kumanta. Sintunado ako pero I will do everything just to fix my voice. Kahit na napakachildish ang gagawin ko ay gagawin ko pa rin,” sambit n’ya sa mike nang magsimula maggitara si Isaac.
Napakapamilyar ng tunog at nagsitayuan ang mga balahibo ko nang magsimulang kumanta si Lucas. Umiinit ang pakiramdam ko at parang nagbalik ang bilis ng tibok ng puso ko gaya noon.
“From my younger years… ‘til this moment here… I’ve never seen… such a lovely queen… from the skies above… to my deepest heart… I’ve never felt crazy like this before… paint my love, you should paint my love, it’s the picture of the thousand sunset.” Nakita ko s’yang kumindat habang ako naman ay hindi makagalaw.
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa ginagawa n’ya. Gan’to ba ang kiligin? ‘Yong boses n’ya para akong tinatamaan diretso sa puso ko. Bawat salita n’ya ay ninanakaw ang puso ko. Hindi ko alam na mas lalo pa akong mahuhulog sa pagkanta n’ya.
“It’s the freedom of… a thousand dove… baby you should paint my love.” Kahit na luma ang kanta pero bawat pinapahiwatig nito ay diretso sa utak ko at bumababa sa puso ko. Hindi ko alam na sa university na ‘to na magpapaalala sa akin kay Lucas ay magkakaroon talaga ng alaalang hindi ko makakalimutan.
“Laika!” narinig kong tawag n’ya. “I love you so much,” dagdag n’ya habang may ngiti sa mga labi n’ya.
“I love you too,” tanging sagot ko habang may luha sa mga mata ko. Hindi ‘yon luha ng kalungkutan kung ‘di luha ng saya lalo na’t nandito na ang lalaking minahal ko.
“I will love you more than you think. I’ll care for you more than you deserve. I’ll stay with you more than centuries. I’ll do everything even if it just a fantasy,” banat n’ya.
“This university is not for your loving memory but just the memorabilia of our love,” sagot ko sa kanya.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #1 STEALING MY HEART There are some people who didn't interested about love. 'Yong feeling na tingin mong immature ang mga couple na nakikita mo. Laika Hemenez will meet Lucas Rhodes who will change her point of views about lo...