CHAPTER 7: Markado

7 2 0
                                    

Kinuha ko ang bouquet saka lumabas para itapon ‘yon. Hindi naman kasi kasya sa basurahan sa room. Mukhang magiging famous na naman ako dahil sa bouquet. Nakarating ako sa labas saka dumiretso sa likod ng school para itapon doon. Bulong-bulungan na naman ako ng mga estudyante.

“Akala mo maganda, hindi ko ba alam kung bakit ang daming lalaki ang nababaliw sa kanya,” dinig na dinig kong bulong ng isa.

Hindi ko lang sila pinansin saka dumiretso ako sa likuran. Pagdating ko doon ay naroroon pa ang mga trash cans. Hindi naman gan’on kabaho dahil hindi pa puno ng basura. Ihahagis ko na sana ang bouquet pero napatalon ako sa gulat nang may nagsalita.

“Bakit mo naman itatapon ang ibinigay ko?” napalingon ako sa second floor ng building na nasa likod ko. Nakita kong seryoso ang mukha ni Karl saka diretso ang tingin sa akin.

“Ayoko kasi ng bouquet,” palusot ko pero ngumisi lang s’ya.

“Anong gusto mo? Ako?” medyo mayabang na tono n’ya at diretso pa rin ang mata sa mata ko nang walang kurap.

“Don’t assume,” umirap lang ako saka inihagis ang bouquet.

“Hindi ka talaga marunong mag-appreciate,” ngumisi s’ya saka bumaba doon. “Dahil sa pagiging masungit mo at suplada, kaya naging gusto kita,” sambit n’ya nang nasa harapan ko na s’ya.

“Pero ikaw, hindi kita gusto,” matigas ko saka alis pero hinagip n’ya ang braso ko.

“I’ll do everything, I promise. Magpapakamatay ako kapag hindi naging tayo,” lumaki ang ngiti n’ya pero nginisian ko lang s’ya.

“Bakit hindi ka na mamatay ngayon?” sarcastic kong tanong.

“Gusto mo?” umakyat ulit s’ya sa pinanggalingan n’ya saka pumatong doon sa may harang. Nanlaki ang mata ko dahil mukha talaga s’yang seryoso.

“Hoy! Baliw ka ba? Masyado ka na bang hibang sa’kin? Bumaba ka nga d’yan!” grabe pinapakaba ako nito. Talagang magpapakamatay talaga s’ya? Bwiset! Mas lalo n’ya lang ako pinapahirapan.

“Ano may chance na ba ako?” tanong n’ya pagkababa n’ya ng harang.

Inirapan ko s’ya saka naglakad paalis. Napalingon na lang ako nang muli n’ya akong hagipin. Nanlaki ang mata ko dahil sa lapit ng mukha namin. Nalaglag ang panga ng mga nasa paligid habang si Karl naman ay nakatitig sa labi ko. Nanlaki ang mata ko nang unti-unti n’yang ilapit ang mukha n’ya.

“What the hell are you doing?” itinulak ko s’ya palayo kaya natigilan s’ya.

“Sorry, but there’s something in your face,” sagot n’ya at diretso ang tingin sa mukha ko. Kinapa-kapa ko ang mukha ko pero ngumiti lang s’ya.

“Saan banda? Saan? Niloloko mo ba ako?” pinantaasan ko s’ya ng boses pero hinarang n’ya ang kanyang dalawang kamay nang umamba akong hampasin s’ya.

“Hindi kita niloloko. Mayr’on talagang nandiyan sa mukha mo,” pilit n’ya pa.

“Ano ba kasing mayr’on sa mukha ko?” hinahampas-hampas ko ang mukha n’ya pero hindi tumatama dahil iniilag n’ya.

“You’re too pretty so you stole my heart,” sagot n’ya saka lumaki ang ngiti.

Tumaas ang kilay ko saka ngumisi. Ibang klase! Nagawa n’yang lokohin ako para lang makabanat s’ya. Tss… how childish you are? Kung tingin mo makukuha mo ako gaya ng ibang babae, sinasabi ko na sa’yong mas mabuting maging tomboy na lang ako.

“Bakit ka natigilan d’yan? Bakit nagulat ka ba? Kinilig ka ba?” tanong n’ya habang abot langit ang ngiti.

“Alam mo ba kung anong pangarap ko?” tanong ko. Masyadong mataas ang confident mo, so it’s my turn.

“Na makasama ako?” confident n’yang tanong.

“Hindi! Pangarap kong mag-madre para hindi kita makita,” sagot ko saka irap.

“Eh ‘di magpapari ako. Kung hindi naman ikaw ang mapapangasawa ko, eh ‘di magpapari na lang ako para lagi kitang makita,” banat n’ya pero umirap lang ako.

“Bwiset! Mas mabuti pa lang h’wag na akong mag-aral para ‘di kita laging nakikita,” sambit ko. Naiirita na ako sa kanya dahil sa mga isip-bata n’yang banat.

“Ok lang, para matuto ka sa gawaing bahay kapag naging asawa kita,” mataas talaga ang tingin n’ya sa sarili n’ya kaya mas lalo akong naiinis.

“Mas ok palang tumalon ka na lang kanina para wala na akong pisting makikita,” umirap ako saka naglakad palayo.

Bumalik ako sa room saka umupo. Gusto ko nang manahimik ang mundo ko! Kailan ba mananahimik ang paligid ko? Lahat ‘ata ng kamalasan ay nasa akin na! May Karl na nakaka-irita tapos may Lucas na laging simulain ng problema.

Buong araw ay hindi na ako nakinig sa teacher. Wala akong ganang makinig lalo na’t masyadong magulo ang buhay ko ngayon. Hindi naman ako ganito noon pero nawawalan ako ng gana sa atmosphere ng school.

Lumabas ako nang mag-isa para umuwi. Si Louisa kasi ay may bagong jowa kaya wala akong kasabay dahil hinahatid s’ya ng jowa n’ya. Napakaisip-bata! Hindi ko kailangan ng love life para mabuhay.

Nang dumaan ako sa covered court ay tingin-tinginan na ako ng tao. As usual, because I’m the campus most hated student. Lahat ng ‘yon ay dahil kay Lucas. ‘Yong nakakairita at sobrang spoiled na si Lucas. Walang ibang ginawang mabuti dahil puro gulo ang dala n’ya.

“Hoy malandi,” natigilan ako nang may nambato sa aking spaghetti. Nagkalat ang sauce sa mukha ko saka sa uniform ko kaya nanlalagkit ako ngayon.

“Bagay sa’yo ‘yan! Akala mo kung sinong maganda!” sigaw naman nila. Napayuko ako nang may ibabato na naman sa akin pero napa-angat ako ng tingin nang hindi ko maramdaman na tumama sa akin.

“Wala kayong karapatan para gawin ‘yan sa kanya,” malaki ang boses ni Karl saka nakita kong nanlisik ang mata n’ya. Nagkalat ang sauce ng spaghetti sa uniform n’ya. ‘Yon dapat ‘yong tatama sa akin.

“Anong ginagawa mo? Tingin mo isa kang barricade at knight in shining armor sa ginawa mo?” seryosong boses ni Lucas.

Wala s’ya buong klase kanina pero nanlisik din ang mata n’ya na nakatingin kay Karl. Umalis ang mga estudyante sa paligid dahil takot sila kay Lucas. Mainit ang titigan nila pero mas namumutok sa galit si Lucas.

“Bakit? It’s natural when you love the person,” napatingin ako kay Karl na seryosong-seryoso ang boses.

Lumapit si Lucas saka hinila ang braso ko. Hindi na naki-hila si Karl pero umamba itong susuntukin si Lucas pero mas lalong lumapit si Lucas sa kanya at binitawan ako.

“H’wag mong ipapakita ang anino mo sa kanya,” malaki ang boses ni Lucas na para bang papatay s’ya ng tao.

“At bakit ko naman gagawin ‘yon?” ngumisi si Karl habang nakaangat pa rin ang kamao.

“Because I love her more than you love her. At hindi ako papayag na maging hadlang ka sa akin, Karl,” seryoso at walang kurap si Lucas na nakatingin nang diretso kay Karl.

“Hindi ‘yon sapat dahil hindi naman s’ya sa’yo,” muling ngumisi si Karl habang hindi pa rin ginagalaw ang nasa ere n’yang kamao.

“Then, I’ll mark her as mine,” ngumisi si Lucas saka lumapit sa akin. Lumaki ang mata ko nang ipagdikit n’ya ang labi namin.

‘Yong halik n’ya na mas lalong lumalalim. Gusto ko s’yang itulak pero nilalabanan ako ng sarili kong katawan. Inilayo n’ya ang labi n’ya habang si Karl ay laglag ang panga. Para bang tumigil ang mundo ko sa ginawa n’ya. ‘Yong parang literal na tumigil at parang walang tao sa paligid. ‘Yong puso ko rin, nagwawala na para bang walang katapusan ang mabibilis na tibok. Ano bang mayr’on sa halik n’ya?

“How dare you?” pinalipad na ni Karl ang kamao n’ya nang unahan s’ya ni Lucas.

“Markado na s’yang akin. At ugali kong maging territorial kaya lumayo ka,” bumulagta si Karl habang ako naman ay hindi makagalaw.

Markado? Ako?

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon