CHAPTER 21: For Real!

5 0 0
                                    

“Louisa, alis na tayo rito,” sambit ko kay Louisa habang hindi maalis ang mata ko sa mga labi nila Shaine at Lucas.

“Walang hiya pala ‘tong lokong ‘to ha,” aamba na sanang lalapit si Louisa pero hinawakan ko ang braso n’ya at umiling ako.

“Ayoko nang makita ang bwiset na ‘yan. Umalis na tayo, please,” hinila ko ang braso n’ya at tumungo sa parking lots.

Hindi ko alam kung bakit hindi n’ya tinulak si Shaine? Kung mahal n’ya ako, bakit hinayaan n’ya lang si Shaine? Bwiset s’ya! Pinaasa n’ya ako sa mga ginagawa n’ya. Bwiset!

Nakarating ako sa kotse katabi si Louisa. Hindi ko mapigilan ‘yong pagpatak ng luha ko. Wasak ang lahat ng mayr’on ako. Tuwing naaalala ko ‘yong kanina ay nawawasak pa ako lalo. I’m broken but he broke me more then my memory of him broke me totally.

“Laika, tahan na. Marami pa naman d’yan eh,” tinapik-tapik ni Louisa ang likod ko.

“Anong marami ha? Don’t you know that a person can love once? If I’m already in love with him, how can I love another man?” lumingon ako sa kanya saka baling ulit sa bintana ng kotse.

Pagdating sa bahay, walang lingon-lingon na tumungo ako sa k’warto. Nahulog na ba s’ya kay Shaine? Na-fall out na ba s’ya sa akin? Bwiset! Ang bagal mo kasi Laika! Wala kang k’wentang tao Shaine!

Paano mo s’ya haharapin? Bwiset! What the hell? I don’t need this stuffs! Inihahagis ko lahat ng ibinigay sa akin ni Lucas. Pati na rin ‘tong walang k’wentang necklace na ‘to! Ba’t ba kasi ako umasa sa bwiset na ‘yon? Kung si Karl na lang sana na mahal na mahal ako ‘yong pinili ko, eh ‘di sana hindi ako nagkakaganito.

Mula noong pinahiram n’ya ako ng shirt n’ya ay nagkandaletche-letche na ang buhay ko. Sa bawat salitang binitiwan n’ya na hindi n’ya pinanindigan. Sa lahat ng pangako n’ya na sa huli parang sa hangin lang binitawan. Habang ako naman ay umiiyak dahil lang sa letcheng sinungaling na ‘yon!

Si Lucas na walang ibang ginawa kundi paasahin ako sa lahat ng ginagawa n’ya tapos kapag nahulog na ako ay may iba na s’ya. Bwiset! He’s too stupid! He’s a silly and liar beast. Sa likod ng bawat panunuyo n’ya ay madali rin pala s’yang mahuka ng iba.

And what the hell? Sa isang grade 7? Sh*t! Napaka-isip bata! Bakit ba kasi ako nahulog sa bwiset na manlolokong ‘yon? Sana hindi ko na lang s’ya nakilala. Sana hindi na lang s’ya nagparamdam. Sana hindi na lang ako nahulog sa kanya. Sana kay Karl na lang.

From now on, hindi na ako maniniwala sa kanya. Sa lahat ng sasabihin n’ya. Gusto ko ng tahimik na buhay na wala si Lucas. Ayokong magulo ulit ang buhay ko ng isang manloloko. Kasi naman ‘yong halik, ‘yong halik na dapat akin lang, ‘yong halik na ibinigay n’ya rink ay Shaine. Bwiset! Bwiset! Why did I let him broke me like this? Eh ‘di sana hindi ako nawawasak.

Lucas Rhodes, you’re a liar, stupid and a heart-breaker. You stole my heart just to break it. You fill my heart with your sweet efforts and I used to depend on all of it. You’re sweet words build up each of my days. And at last, your kiss, your kiss who made me fall in love, is the kiss that broke me down, the kiss that tear my heart into pieces.

“Oyy, sabi mo may sasabihin ka kahapon. Bakit hindi ka sumipot?” bungad sa akin ni Lucas pagkaupo ko sa upuan ko. Hindi ko s’ya iniimikan dahil ayokong makipag-usap o lumingon man lang sa kanya.

“Oyy anong nanyayari sa’yo?” hinuhuli n’ya ang tingin ko pero ayokong magpahuli. Nanggigigil lang ako sa kanya kaya h’wag n’yang sagarin ang pasensya ko. “Oyy, tumingin ka sa akin. H’wag kang ganyan, nakakatakot ka,” pangungulit n’ya.

Kung akala mo makukumbinse mo ako, no way. Mabuti nga lang at nakatulog ako kagabi kundi mamamaga ang mata ko pagpasok ngayon. Bwiset! Magsama kayo n’ong Shaine Gonzales Batang-isp na ‘yon.

“H’wag mo nang guluhin at h’wag ka na ring lumapit kay Laika, maliwanag?” seryoso ang tono ni Louisa sa likuran ko.

“Bakit?” pagtataka ni Lucas at ngumisi si Louisa.

“What? Ikaw pa ang nagtatanong n’yan after ng ginawa mo. Just stay away from Laika, ‘yon lang bago pa s’ya maglaho ng tuluyan sa harapan mo,” seryoso pa rin ang tono ni Louisa at narinig ko s’yang ngumisi.

“Laika, ano bang nanyayari?” bumaling naman sa akin ang bwiset na ‘to. “Hoy Laika, tell me what’s happening? Please Laika,” pangungulit pa n’ya kaya humarap ako sa kanya.

Seryoso ang mukha ko at inangat ang kanang kilay saka ngumisi. S’ya naman ay inosente ang mukha na para bang wala s’yang hinalikan kagabi. Oo Lucas, I saw it and it broke me, completely.

“Tigilan mo na ako Lucas kasi hindi ko masisikmura ang ugali mo. Ayoko sa sinungaling, ayoko sa manloloko at ayoko na rin sa’yo. So please, stay away from me. Kahit malapit ka sa akin tulad ngayon, just treat me like nobody,” diretso kong sagot sa kanya.

“Ha?” pagtataka n’ya at ngumisi ako.

“I saw you, I saw you with Shaine. You told me that you love me but it wasn’t true. If you love me, you will never kiss her. I thought that your loyalty was mine, but I’m wrong. Ayoko na makita o maramdaman lahat ng pagpapaasa mo sa akin, Lucas,” natigilan s’ya sa sinabi ko nakita kong napawi ang saya sa mata n’ya and I don’t care.

“Please, let me explain about that. I will never let this end, Laika,” pagsusumamo n’ya pero umiling ako.

“Enough na lahat ng nakita ko. You don’t need to explain, Lucas. I hate you so much and please, layuan mo ako gaya ng ginagawa kong paglayo sa’yo ngayon. I will never love you, for real!” gumuho na lahat ng akin. Unti-unting sumasabay ang luha ko sa bawat hikbi ko at nararamdaman ko. This is our ending, Lucas. It’s for real!

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon