CHAPTER 20: Ngayon Sana

8 1 0
                                    

Ang ganda ng umaga ko dahil mukhang nakaipon na ako ng lakas ng loob. Nagising ako ng maaga para makapag-ayos. Gusto kong ikulot ang dulo ng buhok ko para maiba naman kaya nagpatulong ako kay manang.

Inilabas ko na rin ang ibinigay ni Lucas lalo na ‘yong necklace para susuotin ko s’ya ngayon. Napansin kong hindi lang basta silver necklace ‘yon kundi isang kwintas na may kakaibang amulet. Sa kinang ng green na amulet n’ya ay alam ko na ito ay isang emerald. Pero kakaiba ang quality nito.

Inilabas ko ang laptop ko habang inaayusan ako ni manang at nagsearch online about this emerald. Wala akong mahanap na katulad nito maliban sa Loviel National Museum Gallery. May nakita akong hawig na hawig sa isang kwintas doon na isang emerald worth $6 billion at may halong pearl worth $500 million.

Nanlaki ang mata ko sa presyo at mas lalo akong nagulat nang makitang dalawa na lang ang natitirang ganitong necklace na ang isa ay nasa sealed bullet proof glass case habang nasa akin naman ang isa. What the hell? Seriously? Ang ganitong necklace hindi dapat basta-basta ibinibigay.

Nang-init ang pisngi ko dahil kahit ano pala ay handa n’yang ibigay. Naaalala ko tuloy ang halik n’ya kagabi kaya dapat siguro kapag sasagutin ko na s’ya mamaya ay ako ang unang hahalik. Siguradong matitigilan ‘yon.

“Anong nanyari sa’yo Laika?” nanlaki ang mata ni Louisa nang magkita kami sa gate ng school. “Ang ganda mo na pero mas lalo kang gumanda ngayon. Ano bang mayr’on?” tumaas ang kilay n’ya kaya ngumiti ako.

“Sasagutin ko na ngayon si Lucas,” bulong ko sa kanya saka s’ya nagsisisigaw na parang tanga sa harap ng gate. “Hoy! Pinagtitinginan tayo ng mga tao,” saway ko sa kanya. Napansin ko ang ibang lalaking estudyante na laglag ang panga na nakatingin sa akin.

“Excited na ako ma-witness ang pag-sagot mo sa kanya,” titili na sana s’ya nang takpan ko ang bunganga n’ya.

“Ano ka ba? Tumigil ka sa kakatili!” saway ko ulit sa kanya saka n’ya hinawi ang kamay kong nasa bibig n’ya.

“Okay sige, yieeee,” sinundot n’ya ako sa tagiliran kaya pinaghahampas ko s’ya at umambang susuntukin. “Oh oh oh! Tama na! Hindi na nga eh!” tumatawa s’ya habang nakapansalag ang dalawang kamay n’ya.

“Pumasok na nga tayo bago ka pa mapagkamalang aning dito,” hinila ko s’ya papasok.

Pagdatin ko sa room ay nakaupo si Lucas saka sumilyap sa akin. Pero napatayo s’ya nang magulat sa dating ko. Pagpasok ko ng room ay nagsilaglagan ang mga panga ng mga kaklase ko nang makita ako. Ito na ang patunay na ako ang Goddess of Raleigh Beauty.

“Laika, hindi ko maitanggi na iba ang ayos mo ngayon,” bungad sa akin ni Lucas nang makarating ako sa upuan ko.

“Ayaw mo ba? Uuwi na lang ako at hindi magpapakita?” sa wakas, tumuwid din ang dila ko kahit na nakatingin ako sa namumulang mukha ni Lucas. Ngayon ko lang nakita na mamula ‘tong isang ‘to. Ngumisi ako sabay upo.

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin kaso baka pagkaguluhan ka,” lumingon ako sa nakatulalang mukha ni Lucas. “S-saglit, ‘yan ba ‘yong binigay ko?” nakatingin s’ya sa kuwintas na suot ko.

“Hindi ko ba p’wedeng suotin? Ibabalik ko,” ngumisi ako. Sobra naman ‘ata ang pagsusungit ko sa kanya. Pero ayos lang ‘yan, last na pagsusungit ko na sa kanya ngayon na walang label.

“Hindi. Bagay nga sa’yo eh. Sana araw-araw mo nang suotin,” ngumiti s’ya pero para bang ayokong makita ‘yon dahil nagsisimula na naman ang pag-accelerate ng heart rate ko kasabay ang mga take off ng alitaptap sa tiyan ko.

“H-ha? O-okay,” oh what the hell? Bumalik ang pagkakautal ko. “By the way L-Lucas, kakausapin kita mamayang uwian sa labas ng school,” umiwas ako ng tingin.

“Bakit?” pagtataka n’ya.

“May sagot na ako sa mga tanong mo,” sagot ko at nahagip ng gilid ng mata ko ang pagtulala ni Lucas. Ngumisi lang ako saka lumingon sa kanya pero hindi pa rin s’ya gumagalaw at nakatulala pa rin.

“Hoy!” napa-iling s’ya na ikinatawa ko. “See you then,” ngumisi ako habang s’ya naman ay parang nababaliw at yumuko sa desk.

Matapos ang klase ay agad akong nagtungo sa comfort room para mag-ayos. Kasama ko si Louisa habang ako naman ay naghahanda ng line ko kung paano ko s’ya sasagutin. Si Louisa naman ay puro ngisi sa gilid ko.

“Tara na Louisa,” anyaya ko saka kami lumabas ng CR.

“Excited na talaga ako. ‘Yong excitement na overloaded. ‘Yong sobra-sobra,” nagtatalon s’ya na parang bata habang naglalakad kami sa hallway.

Halos lahat ng madaanan namin ay nalalaglag ang panga tuwing sumusulyap sa akin. Sobrang ganda ko ba? Hindi naman kasi ako aware kasi wala naman akong paki-alam basta magmukha lang akong presentable.

“Mukhang ikaw pa yata ang mas masaya kaysa sa akin eh,” patuloy pa rin kaming naglalakad sa hallway palabas ng building.

“H’wag kang kabahan Laika. Tandaan mo lang ang line mo, say: I’m heartless ever since but you caught my attention. You gave me euphoria while my heart palpitate. I know you love me and I can’t deny that you stole my heart. I love you, Mr. Lucas Rhodes. I’ll accept your heart and I will give my heart too,” dictate n’ya sa akin.

“Alam ko ang gagawin ko—,” natigilan ako nang natanaw ko s’ya ‘di kalayuan. Kahit si Louisa ay natigilan din sa nakita n’ya. May isang patak ng luhang bumagsak sa aking pisngi at sinabayan pa ng isa.

What the hell? Ano ‘to? Nanginginig ang tuhod ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nakikita ko. I’m going to answer his love now pero bakit n’ya ito ginawa? Bakit ‘di n’ya itulak si Shaine na humahalik sa labi n’ya? Akin dapat ang labing ‘yan! Akin lang dapat si Lucas!

Sunod-sunod na ang luha na pumatak mula sa aking mata kasabay ang paghikbi. Nadudurog ang puso ko sa nakita ko! Bakit hindi n’ya itulak? Bakit nakatigil lang si Lucas d’on? Mahal n’ya ba talaga ako o si Shaine na ngayon? Sasagutin ko na s’ya eh. Ngayon sana!

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon