CHAPTER 24: Get Out!

6 0 0
                                    

Nasa bahay na ako nang gumising ako. Ang naaalala ko lang ay nandilim ang paningin ko habang umiiyak ako sa gitna ng ulan. Ngayon ang sakit na ng ulo ko at nanghihina na. May bimpo na rin sa noo saka nakahimlay sa kama.

“Baby girl, ayos ka na ba? Bakit ka ba nagpaulan kahapon? Bakit hindi ka pumasok?” sunod-sunod na tanong ni papa na nakatulog pala sa tabi ng kama ko.

“Ahm binisita ko lang po ang anak ni Chairman Sylvestre sa ospital,” ‘yon lang ang sasagot ko. Ayokong magkagulo na naman sa mansion na ‘to nang dahil sa mga Rhodes.

“Mataas pa rin ang lagnat mo. Pero dapat hindi ka nagpaulan, mabuti at nakita ni manong kahapon. Mag-ingat ka sa susunod anak. Ikaw na nga lang kakampi ko dito sa bahay eh,” tumawa s’ya kaya nakitawa na rin ako.

Si papa ang kakampi ko sa bahay. Ibang-iba s’ya kay mama dahil s’ya ay nagtatanong kung anong dahilan kapag may nagagawa akong mali o kasalanan. Tuwing papagalitan naman ako ni mama ay si papa ang sasalo hanggang sa magkagulo sa mansion.

Lumabas si papa habang ako naman ay nandito lang at nakatanaw sa bintana. Naalala ko ‘yong mga memories ko noong bata ako sa bawat sulok ng bahay na ‘to. Matagal na pala ang lumipas mula noong apat na taong gulang ako.

Ako lang ang nag-iisang anak nila Louie at Zharah na s’yang parehong anak ng mayamang pamilya sa Raleigh City. Ang Raleigh City naman ay isang maunlad na lungsod dahil sa nandito lahat ng mayayamang pamilya at dito nakatayo ang kanilang mga kompanya.

Magkaiba ang place ng mga ordinaryong tao sa lungsod. Malayo sila mula sa aming mga mayayaman. Sa lungsod na ‘to, kapag hindi ka mayaman, isa kanga song ipagtatabuyan ng gobyerno. Ganito kalupit sa lungsod na ‘to.

Mabuti at ipinanganak ako bilang isang mayaman. Speaking of pinanganak, walang nakaalala na birthday ko ngayon. As usual, because in this house, I’m just a ghost. Walang may paki-alam sa akin maliban kay papa at sa mga katulong. Si mama naman ay busy sa paghawak ng naiwang kompanya nila lolo.

Kilala ang LH Corp. sa mga industrial foods na walang mas aangat na quality sa bawat pagmamanupaktura. ‘Yan naman ang kompanya na hawak ng papa. Mula noong itinayo ang kompanya ay panata na nila ang “heavenly taste and quality through cleanliness of our service” na nagtagal ng maraming taon.

Sila Karl naman ay kilala sa larangan ng oil and natural resources. Sila ang kaugnay ng sektor ng agrikultura ng lungsod. Sikat din sila dahil sa mababang presyo ng produkto nila kahit na mataas ang kalidad n’on.

And ang walang k’wentang sila Lucas naman ay kilala sa larangan ng hotels, casinos at real estates. Nakakapagtaka lang na binili nila ang Raleigh National Academy kahit hindi sakop ng business nila iyon. Sobrang yaman nila kaya halos lahat ng businessman sa lungsod ay inis na inis sa kanila dahil sa laki ng revenue nila.

“Louie! Tingnan mo ‘tong isang ‘to!” nagulat ako sa pagsigaw ni mama mula sa baba na dinig na dinig hanggang sa k’warto ko. “Isang Rhodes!” mas lalong nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Si Lucas? Nandito?

Humakbang ako palabas hanggang sa hagdan para makita kung si Lucas. Nalaglag ang panga ko nang makita na s’ya nga at may dalang prutas.

“Anong ginagawa mo dito?” dumadagungdong sa buong mansyon ang boses ni mama.

“Bibisitahin ko po sana si Laika, kung inyong mamarapatin,” sagot n’ya pero natigilan s’ya nang sumigaw ulit si mama.

“Walang karapatan ang isang Rhodes na tumapak sa pamamahay na ‘to!” dumating si papa saka pinakalma si mama.

“Paumanhin po pero sana maipaabot ko po ito sa kanya,” inabot ni Lucas ang isang basket ng prutas pero pinagtaasan s’ya ng boses ni mama.

“We don’t need that. Kami ba ay iniinsulto n’yong mga Rhodes! Hindi kami mahirap at kaya namin bumili ng one million acre ng lupain ng mga prutas!” napapapikit ako sa kahihiyan na ginagawa ni mama kay Lucas.

“May sasabihin din po sana ako sa kanya,” pilit ni Lucas pero hindi n’ya kayang mapapayag sina mama’t papa kasi isa s’yang Rhodes.

“Hindi nga p’wede! Kahit na isang yapak o ang sapatos mo ay hindi p’wedeng maligaw sa loob ng mansion namin. Alam mo bang kayong mga Rhodes, inuubos n’yo ang lupain na dapat bibilhin ng kompanya namin! Mga bwiset!” hiyaw pa ni mama.

“Ma’am sir, ako na po ang nagpapakumbaba para sa aking pamilya. Sana po ay payagan n’yo po akong kausapin si Laika,” pilit ni Lucas.

“Hijo, hindi talaga p’wede kasi madadamay kami sa init ng pamilya n’yo. Ayoko namang bumagsak ang kompanya namin kapag nalaman ng ibang kompanya na tumanggap kami ng isang Rhodes,” mahinahong paliwanag ni papa.

Nanlaki ang mata ko nang lumuhod si Lucas sa harapan nila. What the hell? Anong ginagawa n’ya? Nasisiraan na ba s’ya ng ulo?

“Ma’am sir, sorry po talaga pero kailangang-kailangan kong makausap si Laika ngayon. Nakikiusap ako sa inyo,” pilit pa ni Lucas pero alam ko na kahit anong gawin n’ya ay siguradong hindi makakapayag sina papa na patuluyin s’ya sa mansion.

“Hijo, sorry talaga ha. Sorry din dahil napagtaasan ka ng boses ng asawa ko pero hindi talaga p’wede,” sagot naman ni papa habang si mama naman ay uminom lang saglit ng tubig.

“Sir, please po. Kailangan ko talaga s’yang makausap. Payagan n’yo na po ako kahit saglit lang po. Please po, nakikiusap ako sa inyo,” pilit pa ni Lucas pero umiling-iling lang si papa.

“Naiintindihan kita hijo pero hindi kami makakapayag. Kami rin ang maiipit lalo na’t maraming gustong magpabagsak sa kompanya n’yo, baka madamay kami,” sagot ni papa saka nagulat kaming lahat nang lumabas si mama.

“Hoy ikaw! Isang Rhodes! Umalis ka sa pamamahay namin! Ang kulit mo! Hindi mo p’wedeng makita ang anak namin at mas lalong hindi mo p’wedeng makausap si Laika! Umalis ka na!” sigaw ni mama pero nakaluhod lang doon si Lucas.

“Hijo, umalis ka na paki-usap,” lumuhod na rin si papa.

“Get out!” dumagungsong ang dalawang salitang sinigaw ni mama sa buong mansyon. Para bang speaker na dinig na dinig sa bawat sulok habang si Lucas naman ay walang nagawa kundi ang umalis.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon