CHAPTER 1: Nakaka-irita?

50 3 0
                                    

Nakarating na ako sa upuan ko dahil balik sa room na matapos ang recess. Nagbubulong-bulungan ang lahat dahil sa bagong dating na Rhodes Brother. As usual naman kasi, kapag may mga poging nata-transfer sa school ay usap-usapan na agad.

Nagsitakbuhan ang lahat pabalik sa mga upuan nang pumasok si ma’am kasunod si Lucas. Ok, hindi na nga matatahimik ang buhay ko dahil may bagong asungot na naman dito.

“Class, I want you to meet your new classmates. I hope you will respect the two sons of the owner of this school. Mr. Lucas and Isaac Rhodes,” pakilala ng guro naming si Mrs. Louida.

“Good afternoon guys,” bati nilang dalawa.

Napangisi ako habang bumaling sa bintana ng room. Hindi naman ‘yon kalayuan sa kinauupuan ko. Tumayo si Louisa na katabi ko lagi sa upuan saka pumwesto sa likod ko.

“Isaac dito ka na sa tabi ko,” malambing na tinig ni Louisa.

Kahit kailan malandi talaga ‘to. Pati pa naman ang bagong transfer na student ay nilalandi n’ya. Baka maging pang-anim si Isaac sa mga naging ex n’ya. Ngumisi naman ako at napabuntong-hininga nang pumwesto naman si Lucas sa tabi ko.

“Hello, Laika. Nice to see you again,” bati n’ya.

Sa lahat ng kamalasan sa buhay, ‘yong makatabi pa ang isang makulit na lalaki. Pero lumaki ang ngiti n’ya nang makitang suot ko ang shirt na pinahiram n’ya kaya umirap na lang ako. Wala naman na akong choice eh, ayaw ko rin naman na marumi ang uniform ko dahil nakakahiya.

“Anong ningingiti-ngiti mo?” suplada kong tanong. Naiirita na kasi ako sa kanina n’ya pang ngisi at sulyap sa akin.

“Bagay sa’yo ‘yong shirt ko. Kung gusto mo, marami pa ako sa bahay,” nakangiting sagot n’ya. Kung ibang babae siguro ako ay mamamatay na ako sa kilig pero hindi eh, naiinis pa ako nang sobra.

“I don’t like your smelly shirt, so don’t assume,” inirapan ko s’ya saka bumaling kay Mrs. Louida.

“Ang harsh mo naman, eh bakit mo sinuot ‘yan kung ayaw mo?” tanong n’ya kaya iratado akong lumingon sa kanya.

“Do I have any choice than to wear it? At ikaw ang dahilan kung bakit nadumihan ang uniform ko,” muli akong umirap.

“So class, bring out your one whole sheet of paper. Put out your notebook and anything in your desk that isn’t necessary for our quiz,” nalaglag ang panga ko sa sinabi ni ma’am.

Naiirita na talaga ako kay Lucas. Tumingin ako sa kanya ng masama habang s’ya naman ay ang aliwalas ng mukha at chill na kumuha ng papel.

“Bakit? Wala ka bang papel?” tanong n’ya kaya mas lalo akong nairita.

“Kung hindi mo lang ako dinaldal, eh ‘di sana alam ko ang isasagot sa quiz ngayon,” umirap ako saka bumaling sa papel ko.

“Alam mo kaya mo ‘yan. Sabi nga nila, you don’t need to have more knowledge because common sense is enough,” aniya.

“Then, use your common sense. Kaya pala mukha kang bobo dahil sa wala kang ibang ginagamit kundi common sense at hindi ang utak mo,” irita kong sambit. Ngumiti lang s’ya pero mas lalo akong naaasar sa ginagawa n’ya.

Nagsimulang magdistribute ng questioner si ma’am habang ang iba naman ay mahinang tumatawa. Alam kong may gagawin na naman silang kalokohan para makapasa.

“Sabi ko sa’yo eh, you didn’t need to do efforts to answer that,” bulong sa akin ni Lucas saka nguso doon sa salamin na nasa likod ni Mrs. Louida. Kitang-kita ‘yong answer key doon. Kaya pala ang tahimik nila habang nagsasagot.

“Don’t make me stupid, Lucas. I don’t want to cheat,” sambit ko.

“It’s just a common students’ sin,” ngumisi s’ya saka tingin ulit sa salamin sa likod ni ma’am.

“You’re too stupid. Cheating is a choice,” tugon ko pero natigilan kaming dalawa nang tawagin kami ni Ma’am Louida.

“Ms. Hemenez and Mr. Rhodes, go out of this room. Hindi p’wedeng magkopyahan habang nagte-test. Lumabas kayo at zero ang makukuha ninyong score.

What? Seriously? Nakita kong tumaas ang kilay ni ma’am kaya tumayo na kaming dalawa saka lumabas ng klase. I can’t imagine that this person will ruin my title as ‘Miss Top 1’ in the class.

“Nakakairita ka na!” hiyaw ko saka lingon sa kanya pero natigilan ako. Mga dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha n’ya. Naduduling ako dahil sa lapit ng mata ko sa mata n’ya. Nararamdaman ko rin ang paghinga n’ya tapos ang hindi s’ya bad breathe. Parang mint ‘yong amoy ng hininga n’ya.

“Nakaka-irita?” tanong n’ya saka umambang hahalikan ako pero naitulak ko s’ya.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon