CHAPTER 32: Pagtataka

6 0 0
                                    

“Nasaan ako?” naalimpuyatan ako at nagising na umiikot ang paningin ko. “Paano ako nakauwi?” napatulala ako nang malaman na nasa kuwarto ako.

Anong nanyari? Ang naaalala ko lang ay kasama ko si Kristan kagabi na nanonood ng banda sa bar. Tapos hindi ko na alam ang sunod na nanyari. Ginugulo ko ang buhok ko saka inilubog sa kama. Ano bang nanyari kagabi? Anong oras na?

Napatingin ako sa orasan at alas-tres na ng umaga. ‘Yong tiyan ko, parang babaliktad. Dali-dali akong pumunta sa banyo saka sumuka. ‘Yong tiyan ko! Ang sakit! Ilang bote ba ng beer ang nainom ko?

Bumalik ako sa higaan ng mapansin ang isang tumbler na nasa tabi ng kama ko. Lumapit ako saka kinuha ang naka-attach na letter sa tumbler. ‘Warm hang-over soup. Inumin mo kapag gumising ka sa gitna ng gabi para bumuti ang pakiramdam mo. –Kristan’. Uminom ako saka muling bumaling sa letter.

So it means, siya ang naghatid sa akin dito sa bahay. Napatingin pa ako sa sulat na napaka-pamilyar. Sulat kamay n’ya ba ‘to? Parang nakita ko na ‘to dati eh.

“Kilala mo na ako,” parang may hangin na dumaan at narinig ko ang mga salitang ‘yon.

Napahawak ako sa ulo ko saka iniisip kung saan ko nakita ang handwrite na ‘yon at tsaka saan ko narinig ang mga salitang ‘yon. Napabuntong-hininga ako dahil parang mabibiak ang ulo ko sa kakaisip.

Napadilat ako ng mata nang marealize na nakita ko na talaga ang sulat-kamay na ‘to. Bumaling ako sa box na nasa ilalim ng kama ko saka pinulot ang pang-apat na papel.

To the bottom of the sea and to the end of the galaxy
All I want is you forever more
In spring, winter, fall and summer
Everything I will do because I love you
In the sunset and sunrise; in the eclipse and stars
All I see was you and nothing more than you
Love songs and Romantic music
I remember you and it gives me rapid beat

Unti-unting nagsimula ang pagpatak ng bawat luha. Napapikit ako dahil parang pinipiga ang puso ko habang binabasa iyon. Pero nang mapabaling ako sa sulat sa tumbler ay nanlaki ang mata ko. Pareho sila ng sulat-kamay ni Lucas?

Posible kayang si Lucas ay si Kristan? Pero hindi p’wede dahil masisira ang contruction company ng mga Roque kung isang Rhodes ang magpapatakbo ng negoso nila.

“Paano kung ako si Lucas?” umugong sa tainga ko ang mga salitang ‘yon.

Mas lalong sumasakit ang ulo ko tuwing mas lalong lumalalim ang pag-iisip ko. Nakakapagtaka dahil lahat ng tungkol kay Lucas ay konektado at pareho kay Kristan. What the hell? Ang sakit na ng ulo ko! Parang mabibiak dahil sa nakakalitong nanyayari kay Kristan.

Imposibleng s’ya si Lucas kaya baka hinahanap-hanap ko lang si Lucas sa katauhan ni Kristan. Bakit? Bakit pareho sila ng mukha? Biography? What the hell? Please stop thinking about that Laika! Mababaliw ka lang.

Muli akong nagising ng alas-dyis. Hindi ko namalayan na tulog na ako sa lamesa. Wala sa sarili akong bumaba sa dining room para sa almusal. Hindi naman ako nagkamali dahil naghanda ang mga maid ng pagkain ko.

“Ma’am, sino po ‘yong lalaking naghatid sa’yo kagabi?” tanong sa akin ni Manang Esmeralda.

“Ahh si Kristan, business partner ng kompanya,” sagot ko pero mukhang hindi s’ya satisfy. Sino ba kasing lalaki ang maghahatid ng lasing na babae kung walang namamagitan. Ngumisi na lang ako saka kumain.

“Akala ko po si Lucas,” sambit n’ya saka umalis. Natigilan naman ako at may pumatak na luha sa kanin ko.

Hindi ko na mapigilan ang humikbi. Mula noong dumating si Kristan ay bumalik lahat sa akin ang sakit na dapat kinalimutan ko na. Napahagulgol ako ng iyak saka bumagsak sa sahig. Hindi ko mapigilan at ang hirap pigilan ng luha ko. Tuwing maririnig ko ang pangalan n’ya ay automatic magluluha ang mga mata ko.

Umakyat ako sa kuwarto ko saka umupo sa desk ko at hinawakan ang kuwintas na ibinigay n’ya. Kahit sa kuwintas na ‘yon, puno ‘yon ng alaala kung paano nagsimula ang lahat ng nararamdaman ko. Nagkalat din sa sahig ang mga papel na ibinigay n’ya sa akin. Pumulot ako ng isa saka binasa.

I wrote your name in my hand so that I can remember you forever
But my sweat washed it away
I wrote your name in a paper so that I can remember you forever
But the paper was lost
I wrote your name in a tree so that I can remember you forever
But the tree was burned
I wrote your name in a stone so that I can remember you forever
But it become sand
I wrote your name in my heart so that I can remember you forever
But I can’t own you
I wrote your name inside me so that I can remember you forever
But I don’t have any rights to have you
I love you so that I can remember you forever
But you can’t love me too

Bumalik sa akin ang lahat ng pantataboy ko. Binasa ko ‘to para maramdaman na nasa tabi ko s’ya pero ang sakit. Ito ang nararamdaman n’ya noong mga araw na nasa tabi ko s’ya at itinataboy. Hindi ko alam na siya pala ang mamahalin ko.

Ito pala ang nararamdaman n’ya na hindi ko pinapansin noon dahil duwag ako. Ito pala ang mga nararamdaman n’ya na ipinapakita sa akin pero pumikit ako. Ito pala ang mga nararamdaman n’ya na ipinaparamdam n’ya sa akin pero namanhid ako. Ito pala ang mga nararamdaman n’ya na isinisigaw n’ya pero nagbingi-bingihan ako.

Pilit n’yang ibinibigay ang puso n’ya pero tinatanggihan ko. Ngayon, bumabaliktad ang ikot ng mundo. Bumabalik sa akin lahat ng ginawa ko at higit pa. Sa katauhan ni Kristan, alam ko na lahat, nalaman ko na lahat. Mahal ko si Lucas pero huli na ang lahat. Mahal ko si Lucas pero hindi ko na s’ya makikita kailan man.

Pero mas mabuting tanggapin na lang ang lahat kung ‘di habambuhay akong masasaktan tuwing makikita si Kristan at hahanap-hanapin si Lucas. Babalik ang mga agam-agam ko kay Kristan kung hindi ko tatanggapin ang lahat. Kaya mula ngayon, pinapalaya ko na ang sarili ko.

To be continue...

Stealing My Heart (RB#1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon