CHAPTER 10

22 5 0
                                    


“At bakit ngayon ka lang?” bungad agad ni Debi sa akin pagkapasok ko sa loob ng condo. 

“Kumain lang kami ni Gael,”

“ng ganun katagal? Baka naman iba nay an ha,” sabay tapon sa akin ng makahulugang tingin. 

“Sira! Syempre nagkwentuhan pa kami. Yang utak mo talaga e ‘no” sabi ko sa kanya at tsaka ko nilagpasan para pumunta na sa kwarto ko.

“So, tungkol saan naman pinagkwentuhan niyo?” tanong ni Debi habang nakasandal sa pinto ko. 

“Some family stuffs. I didn’t know that Gael was very family-oriented huh.”

“Super, daig pa niya ako.”

“Mabait ba mom niya?”

“Sobrang bait. Tita and I are very close. Kapag kasi wala si Gael sa kanila, pinapapunta niya ako sa kanila, kaya parang mommy na rin ang turing ko sa kanya. Mas close ako kay Hershey, yung kapatid niyang babae.”

“Nabanggit nga niyang close sila ng mommy niya. Grabe, iba rin karisma ng mga Austell ha.” 

“Hindi ka ba mag te’thank you sa akin?”

Tinigil ko ang pag iimpis sa mga libro ko sa desk ko at hinarap ko siya. “at bakit naman ako magpapasalamat sa’yo?”

“Like duh? Ako lang naman ang nag ship sa inyong dalawa. Dati paayaw ayaw ka pa sa kanya. Like sabi mo ‘patigilan mo na nga yang pinsan mo’ tapos ngayon? Aba e, hindi mo pa sinasagot pero may family discussions na” mataray niyang sabi sa akin. 

Binato ko sa kanya yung unan ko habang natatawa. “Pumunta ka na nga sa kwarto mo at mag re’review pa ako” 

“Ganadong Ganado ka Bellaire Atarah!” 

“Ano ba! May exam natural mag re’review ako Debianne Alicia!”

“Sus! Balitaan mo ako ha! Review well future cousin!” sabay bato sa akin nung unan na binato ko sa kanya kanina. 

Tinapos ko ang pagliligpit sa mga books ko. Sinilip ko ang phone ko para kitaan kung nagtext na ba si Gael at nakita ko nga ang text niyang nakauwi na siya. Pumunta na ako sa bathroom para makapagpalit dahil kailangan ko pang mag review ng kahit dalawang subject lang tapos aagahan ko na lang gumising bukas para makapag review ulit. I had too much for today pero kailangan kong bawasan ang reviewhin ko. 

Pagkatapos kong magshower ay pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig at chocolates. Para hindi na ako tatayo mamaya at tuloy tuloy na sa pagre’review. Nadatnan ko si Debi sa kusina na nangunguha rin ng maiinom habang may kausap sa phone. Binilisan ko na lang ang pagkuha ko at tsaka bumalik sa kwarto. 

Nagsimula na akong mag review ng mga notes ko. Nag te’take down notes pa rin ako kahit na may mga handouts na binibigay dahil mas naiintindihan ko kapag sinusulat ko. 

It’s already 10 pm at isang subject pa lang ang natatapos ko. Gusto ko pa sanang mag review at sundin ang gusto kong makapagreview ng dalawang subject ay hindi ko na kaya sapagkat bumabagsak na ang mga mata ko. 

Bukas ko na lang itutuloy ang pagre’review ko. May bukas at Sunday pa naman ako. Lumabas muna ako ng kwarto para idouble check ang pintuan at patayin ang mga ilaw dahil baka hindi na naharap ni Debi dahil sa pagre’review. 

Ngunit nadatnan ko nanaman si Debi na may kausap sa sala. Ano naman kayang pinag-uusapan nila at hindi na sila natapos tapos. At sino naman yun? Baka hindi na ito nakapagreview dahil sa pakikipag-usap sa telepono. 

Pinky Swear, Allyship (Completed)Where stories live. Discover now