Sobrang sakit ng katawan ko pagkagising ko. Gawa ng ginawa naming sa bukid kahapon ay masyadong nabanat ang mga buto ko. Bihira na lang din kasi akong gumawa ng mabibigat na bagay lalo na at nasa syudad. Tinawagan ko muna si Gael bago ako gumayak.
“Goodmorning,” masigla kong bati sa kanya
[Goodmorning, babe! What time ang reunion niyo?]
“10 am pa. Pero maaga kaming aangat dahil medyo malayo ang venue dito sa amin. Any plans today?”
[I’ll travel alone,]
“H-huh? Why? Bakit hindi mo isama mga kapatid mo?”
[It’s too far, babe. I can’t take them. They want to go swimming.]
“Saan ka ba pupunta? Sayang na lang na kasama mo ang family mo kung mag eexplore ka mag-isa”
[They agree babe. Don’t worry. Actually kanina pa ako nakaalis,]
“At hindi ka man lang nag-iwan ng message,” nagtatampo kong sabi sa kanya
[I’ll just do something important today, babe. Then we’ll have a lot of time na after this.]
“Hay, ano pa nga ba. You take care, okay? Text me or call me. Gagayak na ako dahil susunduin ako ni Francine dito sa bahay.”
[What time you’ll be home?]
“I don’t know. May be around 5pm I guess”
[hmm, okay. Take care, okay? I love you.]
“You too. I miss you”
[I miss you too. I’ll see you soon]
Pinatay na niiya ang tawag after noon. Before 10 am nakagayak na ako dahil susunduin ako ni Frans. Beach reunion ang naisip nila, iyon nga lang ay hindi na sa Sabang beach na pinuntahan naming kahapon. We’re going at Diguisit beach. I wore shorts and floral off shoulders top, nagdala na din ako ng bag with my extra clothes incase na magkayayaan na maligo, and the shades. It was just the usual clothes we wear. We don’t wear bikinis only at beach, siguro ay dahil hindi kami talaga sanay sa ganoon. Though noong sila Debi ang kasama ko at naisipan naming mag beach ay nakapag bikini naman ako. Hindi lang talaga ako sanay.
Natagalan pa bago ako nasundo ni Frans kaya noong dumating kami sa venue ay nagsisimula na sila.
“Francine, Bella! You both look gorgeous!” sabi ni Kara at yumakap pa sa aming dalawa. “Tara! Late na kayo!”
“Ang tagal gumayak nitong isa e,” pagpaparinig ko kay Frans. Sumabay na kaming dalawa kay Kara papunta sa nirent nilang isang social hall. Tanaw na tanaw ang dagat at rinig na rinig ang hampas ng alon. Ang batong Malaki ang siyang nagbibigay ganda sa kabuuan ng buong paligid at ang mga iilang puno na nakapalibot sa buong resort.
Lumapit ako sa iba pa naming mga batch mates at nakipagkwentuhan lamang. Nilibot ako ang mata ko sa paligid na para bang may hinahanap pero wala naman talaga.
“Wala pa sila,” bulong sa akin ni Frans na parang nakita na may hinahanap ako.
“Hindi ko tinatanong,” sabay irap sa kanya.
“Sus! Sige tignan natin if you’re still affected kapag nakita mo silang dalawa, at kapag sinabi kong nasa likuran mo na sila at naglalakad,”
Bahagya akong lumingin at nakita ko nga silang dalawa na sabay na naglalakad papunta sa mismong bulwagan naming.
“Nate, Yesh! Kayo na lang talaga hinihintay, mag start na tayo ng program!” sigaw sa kanila ni Ashiera. Noon ko lang din napagtanto na sila na nga lang ang hinihintay naming. Sa loob ng tatlong taon ay ngayon ko na lamang ulit nakita si Nate. He changed a lot. His body built became more masculine, his face became more matured. He really did changed a lot. But who cares? Not me. Not me anymore.
YOU ARE READING
Pinky Swear, Allyship (Completed)
RomansaCompleted ✅ As we all say, promises are meant to be broken. Nobody deserves to be loved the way they will question their self worth and their value. As do love hits us, the power of communication should reigns the both of us. And that's the thing th...