CHAPTER 15

25 7 1
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito talaga si Gael. I mean ang buong akala ko ay nasa Coron siya kasama ang family niya. Kaya naman pala may pa ‘I’ll travel alone’ pa siyang nalalaman dahil dito naman pala ang punta niya. 

Noong makita ko si Gael kanina ay hindi ko alam kung bakit sobrang saya ng naramdaman ko. Buong akala ko ay hindi siya dito makakapunta dahil nasa outing sila pero ang sinabi niya sa akin ay tatlong araw lamang daw sila roon nag stay dahil noong gabing inakit ko siyang mag pasko dito ay sinabi niya agad sa mommy niya. At katulad nga ng sinabi sa akin ni Debi ay mas excited pa nga daw ang mommy nito kaysa kay Gael. 

“Anong course ang tine’take mo iho?” tanong sa kanya ni daddy. Nasa hapag kainan na kami at kumakain ng dinner. Nakakapagod ang maghapon ko pero alam kong mas nakakapagod bumyahe ng ganoon kalayo. 

“BS IT po tito,” 

“uhm. Magandang kurso iyang kinuha mo. So paano kayong nagkakilala nitong si Bella naming?” nakakalokong tanong niya kay Gael. Pero hindi ko malaman kung kikiligin ba ako sa maiisagot ni Gael dahil hindi niya pwedeng sabihin sa akin na sa club kami unang nagkita dahil mapapagalitan ako kapag nalaman nila. 

“Pinakilala po siya sa akin ng cousin ko, si Debi” para naman akong nabunutan ng tinik ng iyon ang isagot niya. Siguro ay natunugan niya sa mga mata ko na hindi niya maaaring ikwento na nag club ako. 

“Oh si Debi, pinsan mo? Aba’y napakaliit na mundo para sa inyong dalawa.” Sabat ni mama. Kilala nila si Debi dahil sa noong binisita nila ako sa Manila ay naipakilala ko na rin siya sa kanila. 

“Sana ay alamin niyo ang priorities ninyo. Sana ay hindi kayo masyadong malunod sa pagmamahal. Kailangan niyo pa rin munang unahin ang pag-aaral ninyo. Alam ko namang hindi kayo iresponsable pero pinapapalalahanan ko lamang kayo. Lalo ka na Gael. Nalalaman mo bang may ex-boyfriend itong si Bella?” tanong sa kanya ni daddy. Ako naman ay nananatiling nakikinig lamang kahit na parang hindi na komportable si Gael. 

“Yes tito. Nabanggit naman po niya sa akin.”

“Nabanggit rin ba niya sa iyo na halos hirap na hirap na iyang makapag-aral ng dahil sa kakaiyak dahil sa paghihiwalay nilang dalawa? Ako man ay nasasaktan sa anak kong makita siyang nagkaganoon. Umalis dito sa Aurora para mag kolehiyo sa Maynila at iniwan na niya ang relasyon nilang dalawa ng hindi man lamang nakakapag-usap ulit~”

“Dad” pagpapahinto ko sa sinasabi niya dahil hindi ko na ito nagugustuhan. “H’wag na po natin iyang pag-usap. Matagal na iyan at hindi naman na kailangang ibalik pa.”

“Mabuti lamang na alam ni Gael para hindi ka niya saktan tulad ng sakit na ibinigay sa iyo ni Nate. Kahit hindi pa rin naming nalalaman kung ano ang tunay na dahilan. Puro ka hindi compatible, hindi compatible. Aba anak, sa pagmamahal hindi ganyan. Lahat ng tao ay deserving para sa isa’t isa~”

“Pero hindi lahat kayang patunayan ‘yon dad.” Pagputol ko nanaman ng sinasabi niya.  “H’wag na po natin pag-usapan ‘yon. Nandyan si Gael.” Nananatili namang hindi nakikisabat si Gael dahil sa pagtatalo naming ni daddy. Alam kong hindi na rin siya komportable pero wala na rin akong magawa. 

“O siya siya. Tama na iyan. Kumain na lang muna tayo. Gael, kain ka pa” nakangiting sabi sa kanya ni mama. 

Ako na ang nagpresentang maghugas ng plato. Pagkatapos noon ay giniya ko na si Gael sa kwarto niya para makapaligo at ganoon na rin ako. Kinatok ko siya sa kanyang kwarto dahil medyo maaga pa naman at gusto ko pa rin siyang makausap. 

“Hi,” bati ko sa kanya noong pagbuksan ako ng pinto. “Tara sa veranda?” akit ko sa kanya. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay naming. Pero pinaglaanan pa rin nila mama ang pagpapagawa ng bahay dahil noong kabataan daw nila ay hindi nila naranasan na magkaroon ng ganitong klaseng bahay at pamumuhay. 

Pinky Swear, Allyship (Completed)Where stories live. Discover now