It’s our family tradition to celebrate Christmas with the whole family. So all of us will be there and of course Gael will be joining us. Diba, wala pang label yan ha! I’m just kind of nervous because I know that I will be saying sorry again to Gael because I know that my whole relatives will be asking about Nate. But hopefully, ‘wag naman sana. Diba, ikaw move on na pero yung family mo hindi pa.“Are you ready?” tanong ko Gael.
“I’m just waiting for you,” masungit niyang sabi sa akin.
“Sungit mo” natatawa kong sabi sa kanya. Paano ba naman kasi simula kaninang paggising hindi na nawawala ang kunot sa noo niya. “Baka masabihan ka ng cousin ko na hindi approachable,” at tsaka ko siya nilapitan para ayusin ang kanina pa niyang nakakunot na noo. “There you go. Tara na,”
Kanina pa nandoon sila mama dahil nagprepare pa sila ng venue at nag ayos ng mga upuan at lamesa. Since, hindi kami kayamanan, sa bahay lang ng tito namin kami mag ce’celebrate. Wala naman sa place yun e, nasa mga taong magpapasaya ng pasko mo.
“You think they will like me?” biglang tanong sa akin ni Gael.
“There’s no reason for them to unlike you, Gael.” And I gave him an assuring smile.
We then travel to my uncle’s house. Halos nandoon na rin naman ang mga relatives naming at baka kami na lamang ang kulang.
“They are your relatives?” tanong sa akin ni Gael habang pinapark ang sasakyan niya.
“Oo, dami ‘no?” natatawa kong sabi sa kanya. “Nakita mo yung isang kumpol na tao dun?” tanong ko sa kanya habang may tinuturo. “Pinsan ko pa lang yan sa dalawa kong tito, marami pa yan. Baka nasa loob” natatawa kong sabi sa kanya.
“You really have a huge family,”
“Hmm. Kaya mahihirapan kang imemorize yan silang lahat. Tara na,”
On my peripheral vision, I can see that most of them were staring not on me, but on Gael. Syempre, sino ba naman kasing mag-aakala na magdadala ako ng ganito kagwapong lalaki na siyang magpapaganda lalo ng lahi ko diba.
“Bella!” tawag sa akin ni Ate Trixy at tsaka ako niyakap ng sobrang higpit. “So sino itong napakagwapong nilalang na kasama mo?” sabay baling niya ng tingin kay Gael.
“Si Gael, ate” pagpapakilala ko sa kanya.
“Boyfriend mo?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at tsaka tumingin kay Gael. “Akalain mo nga namang naloko ka ng isang probinsyanang ito?” natatawa niyang sabi at tinawanan lang rin siya ni Gael, “I am Trixy Penolope, you can call me Trix” pagpapakilala niya sa sarili niya.
“Hello po ate! Gael,” magalang na sabi ni Gael. Ramdam kong naiilang siya dahil hindi inaalis ni ate Trix ang tingin niya kay Gael.
“Aba’y akalain mong boses mo lamang e gwapo na, magaling ka mamili, Bella. Tara na sa loob,” natatawang ani pa ni ate at tinawanan ko na lamang din siya. Palibhasa kasi hindi niya gusto si Nate para sa akin kaya ganyan na lamang ang pag entertain kay Gael.
Naramdaman ko ang kamay ni Gael sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya. Bakas sa mga mata niya ang saya kahit na hindi ko pa man siya pormal na naipapakilala sa buong pamilya ko.
“Bella’s here. Kasama ang kanyang napakagwapong boyfriend,” anunsyo ni ate Trix na para namang hindi kami nakikita ng mga kamag-anak ko.
Pinakilala ko sa mga tita at tito ko ganun din sa mga pinsan ko si Gael. Alam kong hindi naman agad mame’memorize agad ni Gael ang mga pangalan nila kaya hinahayaan ko na lamang siyang makipag-usap sa kanila. He’s just so good with socializing with other people kaya naging comfortable siya sa pakikipag-usap sa kanila. Ngayon ko lang din nakita na sobrang hilig niya sa mga bata dahil ang mga bata kong pinsan ay kanina pa siya hinihila hila sa kinauupuan niya para makipaglaro.
YOU ARE READING
Pinky Swear, Allyship (Completed)
RomanceCompleted ✅ As we all say, promises are meant to be broken. Nobody deserves to be loved the way they will question their self worth and their value. As do love hits us, the power of communication should reigns the both of us. And that's the thing th...