“Fuck! Ang sakit ng ulo ko!” umupo muna ako sa higaan ko dahil nararamdaman ko pa rin ang kirot sa ulo ko. Hindi na talaga ako iinom! Pinilit kong lumakad hanggang banyo para maghilamos. Noon ko lang din napansin na iba na ang suot ko. Teka! Si Gael? Siya ang natatandaan kong huli kong kasama kagabi. Don’t tell me siya ang nagpalit sa akin nito? Shit!
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at gamot sa sakit ng ulo. Pinanhik ko ang kusina at nandoon na si Debi, nagluluto ng umagahan. Kumuha na ako ng tubig at gamot kahit wala pang laman ang tiyan ko.
“Goodmorning!” bati ni Debi “Oh gising ka na pala lasinggera!”
“Morning! Sakit ng ulo ko, ayaw ko na uminom.”
“Sino ba kasing may sabi sayong magpakalasing ka, buti na lang dumating si Gael kagabi dahil kung hinde ay hindi na naming alam kung paano ka pa iuuwi,”
Si Gael nga pala ang naguwi sa akin dito sa condo. Hindi ko na matandaan kung nakapag-usap pa ba kami noong pagkauwi ko o nakatulog na ako. Namanhid na ata ang buong katawan ko kagabi gawa ng alak. My alcohol tolerance is so low, tapos ang lakas ko pang nag inom.
“Anong oras ka umuwi? Bakit hinde ko namalayan?”
“Paano mo mamamalayan, e wala ka ng malay kagabi. Ni hindi ka na nga nakapagpalit ng damit e. Buti na lang hinintay ako ni Gael na makauwi,”
“May ginawa ba akong kababalaghan kagabi?”
“Wala naman, naglasing ka lang ng hagot. Ni hindi ka nga tumayo man lang dahil tuloy tuloy ka sa pag-inom.”
“E bakit hinde mo ako binawal!”
“Sira ulo ka! Kaming lahat binabawal ka na, hinde ka nagpapabawal!” sigaw niya sa akin.
“Wag ka sumigaw, Debianne!”
“E sumisigaw ka eh. Hinde ako papatalo, hehe. Kain na!”
“How about Gael? Anong oras umuwi?”
“Well, dyan siya natulog sa sala. Kanina lang siya umuwing mga madaling araw”
“May nabanggit ba siya sayo?”
“Actually, I confronted him about what happened noong Sunday and he explained it to me. Pero that’s not my story to tell. Kayo ang mag-usap”
Tumango na lang ako at nagsimulang kumain. Kahit masakit pa ang ulo ko ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Kailangan ko pang gumayak dahil mamayang hapon na ang byahe naming ni Francine. Ang sabi niya ay sa terminal na lang kami magkita dahil magkaiba naman kami ng tinitirhan.
After I finished washing the dishes ay naligo na rin ako para mabawasan ang sakit ng ulo. Alam na rin ni Debi na mamaya na ang alis ko kaya tinulungan na rin niya ako maggayak. Uuwi na rin siya mamaya sa bahay nila.
Ngayon ko lang rin naalalang hanapin ang cellphone ko. Simula noong nag-inom ako kagabi ay hinde ko na tinignan ang cellphone ko dahil alam kong puro si Gael lang naman ang magtetext. Binuksan ko ang cellphone ko at tumambad sa akin ang napakaraming texts at missed calls. Ilan doon ay galing kay daddy ngunit ang karamihan ay kay Gael.
147 missed calls.
Binuksan ko ang inbox ko at binasa ang ilan sa mga texts ni Gael.
From: Gael
Where are you? Why aren’t you answering my calls?
From: Gael
Babe, where are you? Please answer your phone. I’m worried.
YOU ARE READING
Pinky Swear, Allyship (Completed)
RomanceCompleted ✅ As we all say, promises are meant to be broken. Nobody deserves to be loved the way they will question their self worth and their value. As do love hits us, the power of communication should reigns the both of us. And that's the thing th...