Chapter 12

66 2 0
                                    

Time flies so fast and it has been five months since Kaden said to everybody that I'm his girlfriend. Many happened in those five months.

They chose Clara, my classmate, to be our representative in the Mr. and Ms. Intramurals. Hindi na ako kinulit ni Mr. Montañez baka alam niya talaga siguro na hindi ako sasali dahil wala talaga akong experience sa mga pageant.

Napapakilala ko na si Jaze kila Mom and Dad. They are okay with him. Minsan ng nag-usap si Dad at Kaden nang masinsinan. I asked him what did they talked about. He said business.

Hindi ko na rin nilalapitan si Kyle baka magalit si Kaden. Pero minsan si Kyle nag-aayang kumain ang mga reason ko nalang

"Let's eat. My treat." pag-aaya niya sakin. Sasama sana ako pero naalala ko ang nangyari noong Basketball na magkalaban sila. Nagalit si Kaden.

"May pupuntahan kasi ako mamaya eh. Next time nalang." agad agad akong umalis ng room.

Sobrang possessive ni Kaden na minsan ay nasasakal na ako pero I grew to have feelings for him.

Nandito kami ni Jaze near sa fountain at dito kami kumakain. Sobrang crowded kasi sa canteen.

"Naiinis talaga ako sa pabidang 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit naging friends kami." nangangalaiting sabi ni Jaze. Ang tinutukoy niya lang naman ay si Ena. Siya 'yong nagtanong sakin kung kailan ko na-lose ang virginity ko. Kaya napainom ako at muntik ng mangyari ang Hindi dapat mangyari saamin ni Kaden.

Backstabber talaga tong si Jaze pero totoo naman ang nga sinasabi niya.

"Bakit ano na naman ba ang ginawa niya?" nakikinig lang ako sa rant niya. "Isipin mo ako ba naman ang iturong ako daw ang nagtago ng test papers namin dati, na hindi mahanap ngayon ni Sir. Eh pinasa namin 'yon directly kay Sir. Si Sir kasi minsan uliyanin kaya pinapunta ako sa office."

"Pero kinabukasan nakita niya naman pala sa drawer lang ng desk niya. Argh! Naiinis talaga ako sa babaeng 'yon"

Nakikita ko ang frustration sa mukha niya. May naisip akong gustong itanong sa kaniya.

"May itatanong ako." agad naman bumaling ang tingin niya saakin.

"Ano?"

"Diba dito ka nag-aaral simula dati at si Kaden diba? Ano ang pagkakilala mo kay Kaden?" Hindi ako nagtatanong kay Kaden dahil baka hindi niya sagutin or sabihin niyang ang dami kong tanong.

"Bakit hindi ka magtanong sa kaniya?"

"Nahihiya kasi ako." sabay kamot sa batok.

"Si Kaden dati palang cold na talaga 'yan. Silang apat ang laging magkakasama. Si Jerick, Aron, siya  at si Valerie."

"Sino si Valerie?" hindi ko pa siya nakikita.

"Si Valerie ang girl bestfriend nilang tatlo simula bata palang sila. Sa pagkakaalam ko may gusto si Valerie kay Kaden dati pa. Nagpapakita siya ng affection kay Kaden pero little sister talaga ang tingin ni Kaden sa kaniya. Nung nag grade 9 na, nag transfer na siya ng school at walang may alam kung bakit."

"Anong trabaho ng parents ni Kaden?" sobrang daming niyang kotse pagpunta ko sa bahay nila eh.

"Ang parents ni Kaden ang may-ari ng school na 'to."

"Ano? Sila ang may-ari ng school?"

"Oo, kaya lahat ng teachers na i-intimidate sa kaniya. Isang salita niya lang, pwede kang magdusa sa school na to. At hindi lang 'yon. Pag mamay-ari rin nila ang biggest companies na makikita mo hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa."

Nagulat ako doon ah. Alam kong mayaman siya pero hindi ko inexpect na ganito pala siya kayaman.

"Never pang nagseryoso si Kaden sa isang babae kaya lahat kami nagulat ng in-announce niya na kayo na. Ang swerte mo, girl. Pero sobrang possessive niyan sa mga pag-aari niya."

Nahinto nalang ang pag-uusap namin ng narinig namin ang bell.

"Tara na baka ma late tayo. Strict pa naman teacher namin" tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Lumakad na kami papuntang classroom. Magkaiba kami ng classroom kaya nag-babye na ako sa kaniya.

Pagpasok ko ay pumasok na rin ang English teacher namin. Binati namin siya at umupo na.

"So as for your project this whole school year, this is a major project so if you want to proceed to the next grade, I suggest you pass this." strikto talaga siya. Siya ang pinakatatakutan naming teacher.

"You have to do this by pair and I'll paste your pairings later." nag discuss na siya.

Hindi rin nagtagal ay nag bell na may kinuha siyang paper sa folder niya at dinikit niya ito sa bulletin board.

Lumapit ang mga classmates ko at tiningnan kung sino ang mga pair nila. Lumapit na rin ako at nakasabay ko si Kyle. Nginitian ko lang siya. Hinanap ko pangalan ko.

Nandoon na rin ang list ng gagawin.

*Baceña at Sebastian

Pair kami ni Kyle.

"Oy, pair pala tayo." sabi ko sa kaniya. Inapiran ko siya.

"So may reason na para maaya kitang lumabas. Hindi ka na makakatanggi kung hindi wala kang grades." pabiro niyang sabi.

"Oo naman." Shoot! Si Kaden! 'Wag ko nalang kayang banggitin sa kaniya para hindi siya magalit.

Ang gagawin pala namin ay parang isang outreach. Pero maghahanap kami ng isang batang lansangan tapos i-ti-treat namin siya at tanungin siya about sa paningin niya sa buhay niya. Then magpa-pass kami ng picture kasama siya.

"Start tayo maghanap bukas, free ka?" tanong niya.

"Okay, after class nalang." sabi ko.

"Hihingin ko nalang number mo para ma contact kita baka hindi kita makita." binigay ko na number ko.

"Bukas ha, after class." paalala niya sakin.

Nag-thumbs up nalang ako at lumabas na ng classroom.

Uuwi na ako pero pupuntahan ko pa pala si Kaden. Busy sila ngayon dahil may Basketball competition sila against another school. Todo practice sila pero he never failed to bring me home. I'll always wait for him dahil 'yon daw ang ginagawa ng isang girlfriend. Nagpaturo kasi ako kay Jaze kung paano maging girlfriend.

Wala akong experience eh. First time.

Papunta na ako ng gym ng makita ko siyang palabas. May kinakausap siya sa phone niya at sinundan ko siya. Nasa gilid siya ng gym, hindi ko naman sinadya na marinig ang sinabi niya.

"Yes, pupunta ako later. Yeah, okay." tsaka binaba niya ang phone. Pagtalikod niya nakita niya ako pero hindi man lang siya nagulat.

"Sino 'yon?" I'm curious.

"Mom. Let's go." sagot niya at nauna ng naglakad. Puno pa siya ng pawis habang papasok kami sa gym. Nakita ko ang iba niyang teammates na palabas na. Binati nila ako at binati ko rin sila.

Pinaupo niya ako sa isang bench. It's just 4pm and the teacher dismissed us early. Maybe there's a meeting.

"Wait here. I'll change." saka siya tumakbong papuntang locker room nila.

Agad namang siyang lumabas dala-dala ang sports bag niya. He's so hot. Hinding-hindi ako magsasawang sabihin 'yon.

Pumunta na kami ng parking lot at sumakay ng sasakyan niya. Nag-drive na siya pero napansin kong hindi ito ang daan papunta samin.

"Kaden, saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"House." maikling sagot niya.

"Anong meron?" Hindi ko talaga mapigilan ang pagka-curious ko.

"Meet my parents." sa maikling sagot niya lumakas ang tibok ng puso ko.

Azuncion Series #1: Start of Something SurrealWhere stories live. Discover now