Chapter 15

61 2 0
                                    

"Did you sleep well last night?" he started the conversation. "Oo naman." sabi ko.

"Won't you ask me if I slept well last night?"

"Did you sleep well last night?" sabi niya tanungin ko siya eh.

"No. Not even one blink."

"'Yan hatinggabi na pumunta pa kasi sa bahay. Magkikita naman tayo." para akong nanay pakinggan na pinapagalitan ang anak niya.

"I went there because I can't sleep. And you're right I shouldn't have come there." diba na gets niya din.

"I couldn't get you out of my mind the more I see you. It was a bad idea." pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa sinabi niya.

I looked in the window to hide my red face. Damn, this man.

"But you know what, I'll still come. I still want to see your face. You're the last person I want to see at the end of the day because when I see your face, I feel at ease and disturbed at the same time."

"You're my peace and you're also the cause of the chaos in me." pula kong mukha feeling ko ay naging maroon na. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil ang init ng mukha ko.

Hindi ko namalayan nakaabot na kami sa school. Pi-nark niya na ang sasakyan niya at bumaba na siya. Bumaba na rin ako. May kinuha pa siya sa loob ng sasakyan at pero hindi ko nalang pinansin at naglakad na papuntang classroom. Akala ko sa kabilang direksiyon siya pupunta dahil doon ang building nila pero sumabay lang siya saakin.

"Doon ang building mo oh." tinuro turo ko pa. "I'm gonna bring you to your classroom." saka ako hinawakan sa pulsuhan ang hindi masiyadong mahigpit. Wala naman akong nagawa kundi sumunod. Alam niya naman ang daan papunta sa classroom ko. Pumasok na siya dati doon eh.

Curious talaga ako bakit siya naging grade 12. Sa limang buwan na naging kami, palagi kong nakakalimutang tanungin siya.

"Bakit ka naging grade 12? I mean diba pumasok ka nung first day sa section namin?" pag-uusisa ko sa kaniya. Malayo-layo pa ang lalakarin namin papuntang classroom.

"I just entered your classroom because I know it's your classroom. I went to the office to ask for your name, grade and section. They can't do anything and gave it to me. I just want to meet you." Ganoon pala 'yon. Sabagay sila naman ang may-ari.

"Anong kukunin mong course pag-nag-college ka?"

"Business Management." sabi niya.

"Gusto mo ba 'yon o ng parents mo?" ang iba kasi dinidiktahan sila ng parents nila.

"I can make my own decisions, Zei. Yes, I want it." he seems determined. Maybe he's right. No one can control him. "Good for you, then."

"How about you?" pagtatanong niya saakin.

"Umm..business management din. Tutulungan ko sila Mama eh." I really want to be an architect pero mas gusto kong tulungan sila Mama. "Is that what you want?"

"No, it's not the course that what I want. What I want is to help my parents and that's what I will do." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Hindi namin namalayan na nandito na kami. Wala pa namang teacher at nagkukulitan ang iba kong kaklase. Ng napansin nila ang presensiya namin ay agad silang tumingin sa gawi namin.

"S-sige ma mauuna na ako." papasok na sana ako ng hinablot niya ang braso ko. "Bakit?"

"You'll enter your class without your bag?" itinaas niya ang bag ko. Ayan pala kanina ang binibitbit niya. Ano na naman 'yan, Zei. Bag mo na nga lang nakakalimutan mo pa. Kinuha ko na sa kaniya ang bag ko.

"T-thanks nga pala. Bye. Umalis kana baka ma-late kapa." pansin ko ring pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante sa kabilang classroom. Pi-nat niya ang ulo ko. "Bye, come to the gym later, okay?" tumango nalang ako sa kaniya. Tumalikod na siya at umalis. Pagkapasok ko ay ramdam ko na ang mga nanunuyang ngiti ng mga kaklase ko at ang mga makamatay tingin ng mga babae.

I went directly to my seat at nilagay ko nalang ang bag ko sa likod ko. Ang bagong seat plan namin ngayon ay nasa last row ako. Sa left ko ay si Yza at sa right ko naman ay si Bea. Friends naman kami at nakakausap ko naman sila. Minsan nga ay sinasabay nila ako paglumalabas sila.

Pumasok na ang first subject teacher namin at nag continue ng lesson niya.

Nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko.

Kyle: Mamaya ha. May nakita na akong lugar na pwede nating hanapan.

Tiningnan ko naman siya at lumilingon din siya saakin at tumango.

Me: Sige. Makinig kana diyan. Mahuhuli pa tayo sa ginagawa mo eh.

Hindi na siya nag-reply at nakinig nalang kami sa nagtuturo ngayon.

Nag-quiz pa kami kaya medyo natagalan. Nakita ko si Jaze sa labas ng classroom at naghihintay sa akin.

"Nag-quiz pa si sir kaya natagalan." pagpapaliwanag ko.

"Let's go. I'm so hungry na." at hinila niya na ako papuntang canteen. Bumili na kami ng pagkain namin at naghanap ng mauupuan. Puno na ang mga seats except nalang dun sa tabi ng reserved seats nila Kaden.

Wala pa sila Kaden doon at hinatak ako ni Jaze papunta doon.

Nakita niya si Kyle na hawak-hawak ang tray niya at walang mauupuan kaya kinawayan niya ito at pinapunta sa inuupuan namin ngayon.

Kaagad namang pumunta si Kyle sa direksiyon namin. Pagkaabot niya ay tinanguan ko lang siya. Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako ng kaunti. "Bakit wala ka atang kasama ngayon?" tanong ni Jaze. Sa five months na lumipas mas naging close sila ni Jaze at Kyle. Parati na silang magkasama kaya mas naging malapit samin si Kyle.

"Nag-extend ng class ang teacher nila eh. May long quiz daw kasi sila bukas." pagpapaliwanag niya.

" What did I hear a while ago? Na  hinatid ka daw ni Kaden sa classroom niyo kanina. " pag-iiba niya ng usapan. Palagi kong sinasabi sa kaniya ang nangyayari sa buhay ko.

"Wala 'yon." pag-di-deny ko. Kahit ang totoo ay kinikilig ako.

"After dismissal pala tayo aalis, ha." pagpapaalala niya saakin. Hindi pa pala ako nagkapagsabi kay Kaden. I te-text ko nalang siya na 'wag niya nalang muna akong sunduin. Pinagpatuloy namin ang pagkain habang si Jaze ay nagjo-joke kaya kami naman ay panay ang tawa. Nahinto nalang kami sa pagtawa ng marinig namin ang tilian ng mga babae.

Papasok ngayon ang basketball team nina Kaden. Siguro ay todo practice sila dahil may competition next week. Nakasuot pa rin sila ng jersey nila at nagpapawis pa. Nag-iwas ako nang magtama ang mga mata namin. Kaagad kong tiningnan si Kyle. Shoot! Pinapalayo niya pala ako kay Kyle.

"Tapos na ako." pag-aanunsiyo ko sa kanila at handa ng tumayo.

"Hintay naman. Kumakain pa kami eh." pagsaway ni Jaze. "Mauuna nalang ako." pagpapaalam ko at aalis na sana ng nabunggo nanaman ako sa isang dibdib.

"Where do you think you're going?"

Azuncion Series #1: Start of Something SurrealWhere stories live. Discover now