Chapter 14

56 2 0
                                    

Sobrang lapad ng ngiti ko pagdating ng bahay. Feel ko isang achievement ang makuha ang approve ng parents ng lalaking gusto mo and feel ko achiever na ako.

Malapit 9 na rin ng gabi ng makauwi ako. Wala pa sila Mama and Dad. Busy talaga sila siguro sa company. Sasabihin ko pa naman kay Dad ang about kay Tito Alex.

What a coincidence! Magkakilala parents namin. Meant to be talaga siguro kami.

Umakyat na ako at nag wash-up. Mag-tu-twelve na. Binuksan ko ang laptop ko dahil mag-re-research pa ako about dun sa project namin sa English ni Kyle.

*beep
Unknown
This is me, Kyle. Tuloy ba tayo bukas?

Si Kyle pala. Paano niya pala nakuha number ko. Ah! Binigay ko pala sa kaniya kaninang hapon. Sinave ko na baka makalimutan ko pa.

Me: Oo naman pero kung may lakad ka, sa susunod nalang.

*beep
Kyle: Tinatanong kita kasi baka ikaw ang may pupuntahan. Tuloy tayo bukas ha.

Me: Oo sure. Pag dismissal nalang.

Kyle: Okay. Goodnight.

Me: Goodnight din.

Hindi na siya nag text pa. Isinara ko na ang laptop at matutulog na sana.

*beep
May nakalimutan atang sabihin si Kyle. Kinuha ko ang phone ko at binuksan. Si Kaden pala.

Kaden: Are you sleeping?

Me: No. Not yet.

*Incoming call
      Kaden

Accept.  Decline. 

Sinagot ko agad ang tawag.

Kaden: I miss you.

Sa simpleng sinabi niya parang may naghahabulan na mga kabayo sa loob ng dibdib ko.

Me: K-kanina lang tayo nagkita ah.

Kaden: I want to see you, right now.

Me: Magkikita naman tayo bukas. Matulog kana kaya.

Kaden: I can't sleep. My head is full of you.

Me: May klase pa tayo bukas, matulog kana.

Kaden: I'm infront of your house.

Me: Ano??

Kaden: Look outside your window.

Dali-dali naman akong sumilip sa bintana at ayon siya prenteng nakasandal sa sasakyan niya.

Me: Bababa ako.

Dali-dali naman akong bumaba. Sinuot ko na ang slippers ko at lumabas na ng pinto. Nakasuot siya ng jacket at sweatpants niya. May scarf din siya sa leeg niya. Iyon ang suot niya pero ang lakas ng dating. Ang gwapo!

"Anong ginagawa mo dito? Magha-hatinggabi na ah." usisa ko sa kaniya.

"I told you I miss you." sagot naman niya. Agad naman niya akong hinapit sa bewang at niyakap nang mahigpit. "Let me hug you."

Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang bango niya talaga. Pwede ko siyang amuyin ng buong araw at hindi ako magsasawa.

Ang lamig na din kasi ng hangin kasi hatinggabi na.

Bumitaw na siya sa yakap.

"Do you usually go out like this?" pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Naka tee-shirt ako. Naka pajama at naka tsinelas. Myghad! Wala akong bra. Ngayon ko lang na-realize. Matutulog na kasi ako. Sino ba ang nagsusuot ng bra pag matutulog?

Agad kong niyakap ang sarili ko. Tiningnan ko siya.

"It's too small for me." pinanlakihan ko siya ng mata.

"What?" tinawag niyang "small" ang akin. Sabagay baka sanay siyang malaki ang nahahawakan niya.

Kinuha niya ang scarf niya at sinuot sa leeg ko. Pagkatapos niyang isuot sa leeg ko tinitigan niya ako ng mabuti. Tinitingala ko pa siya dahil ang taas taas niya. Niyakap niya ako ulit at dinantya niya ang ulo ko sa dibdib niya.

Nilayo niya ako, hinawakan ang ulo ko and he kissed me on my forehead. I closed my eyes to enjoy the feeling of his lips on my forehead.

I am still closing my eyes. He pat my head and that made me open my eyes. He's smiling.

"You're cold. Go inside and sleep well." papasok na sana siya sa sasakyan niya. I tugged his jacket. I tiptoed and kissed him on his lips.

"I love you." I said that and run back inside our house. Parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok. I can't believe I did that. With Kaden, I can do the things I believed that are impossible.

Tunakbo ako papuntang kwarto, nakasandal ako sa pintuan, hawak hawak pa rin ang dibdib ko. First boyfriend ko si Kaden. First kiss. First date. I want him to be my last.

Pumunta ako sa bintana at tiningnan kung nakaalis na siya. Kita ko ang sasakyan niyang paalis. Kinapa ko ang scarf niya. Kulay gray ito at knitted. Parang siya ang amoy ng scarf niya. Nararamdaman ko pa rin ang lips niya sa forehead ko. Agad namang nag-init ang pisngi ko. Forehead kisses signifies respect and love. I felt special when he did that.

Nakatulog nalang akong suot pa rin ang scarf niya. Nakatulog ako ng kinikilig.

Nagising ako ng maaga hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kaniya.

"Ahhhhhh." tumitili kong sigaw pagkagising ko ng naalala ko ang nangyari kagabi. I immediately put my hands on top of my mouth baka kasi marinig ako nila mama.

Naligo na ako at nagbihis na naka-smile pa rin. Bumaba na kaagad ako ng makitang naghahanda si Mama ng breakfast namin. Si Dad nakaupo na sa table at nagbabasa ng newspaper.

"Good morning, Ma." hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good morning, Dad." sabay halik sa pisngi.

"You look happy." Oh shoot napansin ni Mama. "Did something good happened?"

Umupo na ako. Mag-b-breakfast ko ngayon maaga pa naman. "Wala naman ma."

"By the way, Dad, kilala mo pala sina Tito Alex at Tita Jade." pag-start ko ng usapan.

"Azuncion? Did you meet them?" pagtatanong saakin ni Dad.

"Yes. Kagabi. Highschool friends pala kayo. Sila ang parents ni Kaden. Sabi nga nila minsan mag-meet daw kayo."

"Really? Love, matagal na rin nating hindi sila nakita, right?" baling niya kay Mama.

"Na-miss ko na si Jade. Pagmagkita kami, mag-ca-catch up talaga kami." nakangiting sabi si Mama.

"Baka they're busy. We'll meet them next time." sabi ni Dad. I just nodded.

*beep
Nag-vibrate ang phone ko.

Kaden: I'm here outside your house.

Me: I'm heading out.

"Ma, Dad mauna na ako. Nasa labas na si Kaden." pagpapaalam ko. Hinalikan ko na sila sa pisngi at kinuha na ang bag ko. Excited akong lumabas. Nakita ko naman siyang naka-cellphone habang nakasandal sa sasakyan niya.

Nag-angat na siya ng tingin.

"Morning." he greeted me and come closer. He got my bag and opened the door for me.

Nakangiti naman akong pumasok sa sasakyan niya.

Azuncion Series #1: Start of Something SurrealWhere stories live. Discover now