Umakyat na ako sa kwarto ko at napasandal nalang sa pintuan. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Kyle kanina.
Thanks for today at yung sinabi kanina ng bata, I know hindi na pwede pero pag pwede na, liligawan kita.
Wala ngayon sila ni mama maybe natutulog na or nagtatrabaho pa.
Don't think about it, Zei. Siguro nagjo-joke lang siya. Yes. Tama 'wag mo nalang isipin at baka mabaliw ka lang.
Pumunta na ako ng bayo para makaligo at makapaglinis ng katawan. Ay oo nga pala lowbat na ako. Chinarge ko muna ang phone ko bago pumasok ng banyo.
The feel of hot showers after a long day feels different.
Natapos rin. Pumunta na ako ng closet ko para kumuha ng pantulog.
Lumapit na ako sa bedside table ko kung saan naka-charge ang phone ko. Naka-open na ito at pagbukas ko tadtad ng messages at missed calls ni Kaden. Shit! Pano to?
Bakit kasi nalowbat?
Me: Hey sorry, ngayon ko lang na charge ang phone ko nalowbat kasi ako. Sorry.
Hinintay ko ang reply niya pero naghating gabi nalang hindi pa rin siya nagre-reply. Sa kakahintay ko nakatulog ako.
Pagmulat ko ng mata ko kaagad kong kinuha ang phone ko at chi-neck kung nagreply ba siya pero wala. Hindi siya nagreply pero may isang message ang galing kay Kyle.
Kyle: Hey, wag mong pansinin ang sinabi ko kagabi ha. Wala iyon.
Me: Sorry nakatulog ako pero okay lang 'yun.
Umalis na ako sa kama at ginawa ang palagin kong ginagawa tuwing may klase.
Bumaba na ako at nakita ko si Mama na naghahanda ng pagkain at si Dad naman ay nakaupo hanbang nagbabasa ng newspaper. Wala akong ganang kumain at nagmamadali ako dahil baka nasa labas na si Kaden. Lumapit ako sa kanila.
"Good morning, Ma" Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Good morning, Dad." Pagbati ko sa kaniya. "Morning, sweetie."
"Una na po ako, Ma, Dad." Pagpapaalam ko sa kanila.
"Hindi kaba kakain?" Tanong sa'kin ni Mama.
"Sa school nalang po, Ma." Ang totoo niyan ay nagmamadali ako dahil ang tagal ko baka naiinip na si Kaden sa labas. Hinalikan ko ulit sila sa pisngi at nagmamadaling lumabas.
Pero wala ang sasakyan niya. Ah baka ibang sasakyan ang ginamit niya. Kaya lumabas ako ng gate para tignan. Pero nadismaya ako na wala talaga siya.
Napagpasiyahan ko na mag-commute nalang. Ah, baka hindi papasok 'yun. Oo nga, hindi papasok 'yun. 'Yon nalang ang sinabi ko sa sarili ko para mapagaan ang kalooban ko.
Nakarating ako ng school na walang Kaden na nakikita. Sa loob ng almost six months na kami ni Kaden lagi niya akong hinahatid at sinusundo. Kahit busy siya sa practices at schoolworks niya, sinusundo at hinahatid niya pa rin ako. In those six months, I have fallen for him more. I think Iam inlove with him everyday.
Pumasok na ako sa klase ko at same routine pa rin naman. Sabay pa rin kaming kumain ni Jaze. But lunchtime came, inaasahan ko na nandoon si Kaden, but no. He wasn't there.
"Guys, mag-lu-lunch na ba kayo?" Lumapit samin si Kyke ng nakita niya kaming papalabas ni Jaze. "Oo, sama ka?" Pag-aaya ni Jaze. hindi naman ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Naalala ko pa rin ang sinabi niya kagabi. "Okay lang ba sa'yo, Zei?"
"Oo naman, tara na." Parang wala namang awkwardness sa kaniya. Ako lang talaga siguro ang nakakaramdam non. I just shrugged the thought off.
"Nakita mo ba si Kaden?" Pagtatanong ko kay Jaze habang papunta kami sa canteen. Nakasunod lang samin si Kyle.
"Yes, nakita ko siya kanina kasama mga teammates niya, may practice ata." Ah. Ganoon pala. May practice. Okay.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman. Bilisan mo nagugutom na ako." Binilisan ko ang lakad ko. I can't help it pero nasasaktan ako. Bakit, Kaden?
Nakaabot na kami sa canteen at nagsimula na kaming tumingin sa mga stalls. "Anong kakainin-" naputol ang tanong ko sa kanila ni Kyle at Jaze ng nakita kong paparating sila Kaden. Kasunod niya ang mga teammates nila at ang mga babaeng magkandarapa kakasunod sa kanila.
When our eyes met, I feel nervous, I quickly looked away because I can't handle his gaze. Bakit, Zei? Bakit ka kinakabahan? Papunta siya sa direction ko. Anong gagawin ko? Bakit ganito nalang ang reaction ko? Relaz, Zei, si Kaden lang 'yan. His effect on me was too much that I can't even look at him in the eyes for so long.
He's coming our way. Gosh!
Papalapit na siya. Akala ko kakausapin niya ako. Akala ko yayakapin niya ako. Akala ko babatiin niya ako.
Pero...
Nilagpasan niya lang ako.
"Hi, Zei." Bati ng isang temmate niya kaya tinanguan ko. Dumiretso na sila sa lugar nila sa canteen.
Kakausapin ko siya tungkol sa nangyari kagabi. Nakita kong pinapalibutan na siya ng mga teammates niya at ng mga babae. "Uh, K-kaden, pwede ba kitang makausap?" Kinakabahan ako. Kaagad siyang tumayo at naglakad palayo kaya sinundan ko siya. Napadpad kami dito sa likod ng school building. "Galit ka ba s-sakin?" Paglalakas loob kong tanong. He stared at me before breathing deep and answering, " No."
"S-sorry kung hindi ako nakasagot sa tawag mo kahapon, na lowbat kasi a-ako,"
"No need to say sorry. I'm not mad."
"Is that all you wanna say? They are waiting for me." At tinalikuran na ako. I can't help but be emotional. Hindi lang siguro ako sanay na ganito siya. Wala na akong time para tawagin siya dahil agad siyang umalis. Tumulo na ang mga luhang kaninang umaga ko pa pinipigilan. Lahat ng frustrations ko iniyak ko nalang. Walang kahit sino sa paligid kaya walang nakakita saking umiyak.
YOU ARE READING
Azuncion Series #1: Start of Something Surreal
RomanceTinitingnan ko ang likod niya habang siya ay naglalakad palayo. He always does that, walk away. Will he be back, like he did, or be completely gone? I rather choose the latter. It is better if he won't come back anymore dahil wala na siyang babalika...