Chapter 17

56 1 0
                                    

Nakatulog na pala ako dito. Tatayo na sana ako ng maramdamang may mabigat sa bandang bewang ko. May hiningang tumatama sa batok ko. I turned my body and I saw Kaden sleeping peacefully. He looks so innocent kapag natutulog. Hindi intimidating. Hindi masungit. Pero kapag gising lahat nalang ata natatakot sa kaniya.

I looked at his face to memorize every detail. This is the closest I've been to him without us kissing. He has long eyelashes, thick brows, pointed nose and kissable lips. I touched his face softly then his dark brown eyes opened and looked at me deeply. Lalayo na sana ako ng hapitin niya ako sa bewang ng mas malapit sa kaniya.
Pinikit niya ulit ang mata niya.

"Kaden?" tawag ko sa kaniya.

"Hmm.." habang nakapikit pa rin ang mata niya.

"May klase pa tayo." paalala ko sa kaniya. Hindi pa rin siya gumalaw. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko kung saan ko kanina nilagay pero hindi ko makapa. "Sandali lang, Kaden." Lumayo ako sa kaniya at tumayo na. Hinanap ko ang phone ko sa loob ng room niya. Hindi ko parin makita. Nakita kong bumangon na rin si Kaden. "What are you looking for?" Ang hot ng boses niya pagbagong gising. Nakita niya siguro na parang may hinahanap ako. "Hindi ko makita ang phone ko baka naiwan ko sa classroom." 

Bagong gising nga siya. Medyo magulo ang buhok at half-asleep pa rin ang mga mata niya. Ang gwapo pa rin niya. Hoy, Zei, may hinahanap ka ha. "Babalik na ako sa classroom." pagpapaalam ko sa kaniya. "Let's go." sabay hawak niya sa pulsuhan ko. Magrereklamo pa sana ako ng maalalang hindi ko pala kabisado ang daan pabalik.

Habang naglalakad kami, naisipan ko nalang magpaalam para mamaya. Baka kasi magalit nanaman. Si Kyle pa naman ang kasama ko, magselos pa to.

"Kad, may pupuntahan pala kami mamaya, ni Kyle." kaagad siyang tumingin sa akin. "Para sa project." pagtapos ko ng sinabi ko kanina.

"Only him?"

"By pair kasi 'yon at si Miss ang nagdecide. Major project kasi namin 'yon sa buong school year kaya kailangan n-naming gawin magkasama." pag-eexplain ko sa kaniya. Sobrang seloso kasi nitong lalaking 'to.

"Is it really for a project?"

"Oo naman. Why would I lie to you?"

"Okay. If it's for your project, then do it."

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Matagal rin pala kaming nakatulog at second to the last subject na ata ngayon. Nagdadalawang isip na ako kung papasok pa ba ako. Okay naman siguro at may pupuntahan rin pala kami ni Kyle. Hindi naman pwedeng siya lang lahat ang gumawa.

Nakaabot na kami sa pintuan ng classroom namin.

"Papasok pa ba ako?" alanganin kong tanong sa kaniya. "Baka kasi sobrang late ko na at hindi na ako papasukin."

Bigla niya akong hinila papunta sa loob at wala na akong nagawa kung hindi sumunod.

"Oh, Mr. Azuncion, what brings you here?" tensyonadong tanong ng English teacher namin. Bigla niyang binaling ang tingin niya sa akin. "And Ms. Baceña?"

Hawak-hawak pa rin niya ang pulsuhan ko.

"She's going to attend your class."

"Oh, no worries. We're just getting started. Ms. Baceña, you can take your seat."

Pilit akong ngumiti sa kaniya.

Niluwagan na ni Kaden ang hawak niya sa sakin at dumiretso na ako sa upuan ko. Nang makaupo na ako ay saka na lumabas si Kaden. Lahat ng kaklase ko ay may panunuyang tingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin.

Nakita kong nakahinga ng maluwag si Ms. Talagang makapangyarihan si Kaden. Kahit nga teachers ay natatakot sa kaniya.

Nagsimula na siyang mag lesson at nag take down notes naman ako.

Hindi naman nagtagal at natapos ang dalawang last subjects ko sa hapon. Nililigpit ko na ang mga gamit ko at kaagad hinanap ang phone ko. Walang text galing Kay Kaden.

"So, tuloy tayo?" nakalapit na pala sa akin si Kyle.

"Tatapusin ko lang to." habang nilalagay ang mga notebooks ko sa bag. "Tara." sabay suot sa bag ko.

"Matagal na pala kayo ni Kaden, noh?" pago-open niya ng topic.

"Magsi-six months na kami. Ang tagal na pala." buti nga at nagtagal kami.

"Bakit hindi ka nakapasok kanina, after recess?"

Shoot! Anong sasabihin ko? "Ah natulog kami kanina ni Kaden"

No! "Ah. Pinatawag kasi ako kanina sa office." pagdadahilan ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka malaman niya na nagsisinungaling ako. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

"Bakit anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"About lang naman sa..." Ano, Zei?

"Kung sasali daw ba ako sa cheerleading, para sa game nina Kaden."

"Manunuod ka?"

"Oo naman. Support ako sa school natin syempre."

Alam ko namang maraming dadating dahil sikat naman talaga ang varsity players ng Karitas. Kahit taga ibang school ay sumusuporta rin sa kanila.

"That's good. Makikita mo rin akong maglaro."

"Kasali ka? Talaga?" Hindi ko alam na kasali pala siya.

"Parang hindi ka naniniwala ah." pabirong sabi niya. Sa loob ng ilang buwan naming pag-uusap ni Kyle ay mas nakilala ko siya. Hindi naman talaga siya snob at shy. Actually palabiro siya sa mga taong malapit sa kaniya. Kagaya namin ni Jaze.

Gwapo siya kaya maraming babaeng naghahabol sa kaniya. Minsan nga ay ipinapaabot sa akin ang mga regalong para sa kaniya. Kesyo daw close kami.

"I was called to the office. Tapos sabi sakin ng coach nila na isasali ako sa line up nila."

"I-che-cheer kita doon. Sobra. Go Kyle! Go Kyle!" para akong tanga na itinataas ang kamay ko.

"I'll expect that." nakangiting sabi niya sa akin. Nakaabot na kami sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. "Thanks.." gentleman as ever.

Tiningnan ko siya habang papunta siya sa driver's seat.

"Saan tayo?" tanong ko.

"The church. I saw some of the street children walking around."

"Okay. The church, then." pinaandar niya na ang sasakyan papuntang simbahan.

Malapit na kami sa simbahan at may mga taong kakalabas lang ng simbahan at ang iba ay papasok pa lang. Nakita ko rin ang mga taong nagbebenta ng kandila, food vendors at ang mga batang naglalaro.

Naagaw ang atensiyon ko ng makita ang isang batang babae na nagbebenta ng sampaguita. "Look, let's take her." turo ko sa bata. Lalapit na sana ako. "Zei." tawag niya saakin.

"Let's go inside first." turo niya sa loob ng simbahan.

Azuncion Series #1: Start of Something SurrealWhere stories live. Discover now