We entered the church. We found a seat at the very back. Wala na masyadong tao dahil kakatapos lang ng misa.
"I didn't know na madasalin ka pala." puna ko sa kaniya.
"Hindi ako madasalin. I'm just thankful for His blessings." I never thought that this man is a pious.
After he said that, he just looked straight and never utter a word. Hindi ko na siya ginulo at nagpasalamat na rin. Hindi na kami nakakapunta ng simbahan nina Mama and Dad. Masyado silang busy.
"Are you done?" he asked me. Tumango nalang ako. "Let's go, then."
Lumabas na kami ng simbahan at may lumapit sa aming bata. Siya 'to. Ang tinitingnan kong bata kanina. Ang nagbebenta ng sampaguita. Kinalabit niya ako. "Ate, Kuya, bili na kayo." Itinaas niya ang binebenta niya para ipakita sa amin.
Pinantayan ni Kyle ang height ng bata. "Magkano ba 'to?" tanong niya sa malambing na boses.
"Sampung piso lang po, Kuya." sagot naman ng bata at dumukot na ng pera si Kyle para bumili. Nakatayo lang akong nakamasid sa kanilang dalawa.
Binigyan niya ng isang daan ang bata. "Bigyan mo ako ng dalawa."
Kaagad namang binigyan ng bata at kukuha na sana siya ng panukli nang pinigilan siya ni Kyle.
"Ipunin mo 'yan ha." at hinawakan sa balikat ang batang babae.
"Maraming salamat ho!!" tuwang-tuwa sabi ng bata na nakangiti.
Kinalabit ko si Kyle at tumingin naman siya sa akin.
"Kyle, siya kanina 'yong sinasabi ko sa'yong bata." sabay turo ko sa batang nakatakikod na. "Siya nalang ang ayain natin, mukhang mabait naman."
"Why not?" Kaagad niyang tinakbo ang direksiyon ng bata. Kumislap naman ang mga mata niya. Pinalapit niya ito sa pwesto ko.
Ipinaalam namin si Shaina sa nanay niya at pumayag naman ito.
"Ate, ang ganda-ganda niyo po." Namula naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw talaga, maganda ka rin naman," sabay haplos sa buhok niya.
"Diba, Kuya? Maganda si Ate." baling niya kay Kyle.
Tumingin naman sa akin si Kyle kaya nagkasalubong ang mga mata namin.
"Oo naman, sobrang ganda," Mas lalong umakyat ang dugo ko sa mukha.
"Bolero," pabulong kong sabi. Hindi talaga ako sanay na kino-complement dahil ang mga sinasabi nila parang hindi naman totoo. Trust issues.
Pumunta kami sa mall at binilhan namin siya ng damit. Kumain na tin kami sa isang fast food, at nag-take out kami para sa nanay niya. Pumunta rin kami sa Quantum para ma-experience niya ang dapat ma-experience ng isang bata.
Tatawagan ko sana si Jaze kung nakauwi na siya kaya lang lowbat na ako. Mag-cha-charge nalang ako mamaya.
Naglalaro sila ni Kyle sa basketball. Tawa sila ng tawa kaya nakisali narin ako.
"Uhmm.. Picture tayo," Sabi ni Kyle.
"Lowbat na ako eh, yung cellphone mo nalang."
"Sige," Inabot naman niya saakin ang phone niya.
Pumwesto na si Shaina sa gitna namin habang kami ay magkatabi.
"1, 2, 3 cheeseee...." at ang kinagulat ko ay bigla akong inakbayan ni Kyle. Napatingin ako sa kaniya at siya ngayon ay nakangiti pa rin sa camera.
Alam kong hindi big deal iyon pero wala lang parang big deal siya eh.
Pawis na pawis ngayon si Shaina dahil sa kalalaro niya. Kumuha ako bimbo sa bag ko.
"Shaina, halika rito." Tawag ko sa kaniya kaya ang atensiyon niya ay nabaling sa akin.
"Bakit, ate?"
"Basang-basa kana ng pawis oh. Bawal matuyuan ng pawis dahil magkakasakit ka niyan." Sabi ko sa kaniya habang pinupunasan ang pawis niya.
"Madami na rin pong pawis si Kuya Pogi. Punasan mo rin po baka magkasakit siya." Nang tignan ko si Kyle. Pawis na nga siya pero malaki na rin naman siya kaya niya na ang sarili niya.
Kaagad niyang hinatak si Kyle papunta sa akin.
"Kuya, papunas ka na ng pawis mo dahil baka magkasakit ka."
"Ha?" Parang clueless pa rin siya.
"Halika punasan mo ang pawis mo." Ako na ang nagsabi dahil baka nga magkasakit siya. Punasan ko ang noo niya na puno ng pawis. Doon ko lang napagtanto na sobrang lapit pala namin kaya kaagad naman akong lumayo.
"Tara na, uwi na tayo, gabi na baka hinahanap kana sa inyo."
Bibitbitin ko sana ang mga pinakili namin kanina ng may mga kamay ang naunang kumuha.
"Ako na," Pagpe-presinta niya. Kaya hinayaan ko nalang siya.
Pumunta na kami ng parking lot at hinanap ang sasakyan niya. Hindi naman mahirap hanapin kaya kaagad kaming nakasakay.
Sa backseat kami umupo kaya mukhang driver ngayon si Kyle pero parang wala naman 'yon sa kaniya.
Kaagad naman kaming nakarating sa harap ng simbahan kung saan nakatira si Shaina.
"Salamat, ate ganda at kuya pogi ngayong araw. " Pagpapasalamat niya.
"Magpakabait ka ha." Paalala ko sa kaniya. Nag-high five muna siya kay Kyle bago tumalikod.
"Ate ganda!" sigaw niya dahil medyo malayo na siya.
"Bagay kayo ni Kuya Pogi. Sagutin mo na siya." Agad-agad din siyang tumakbo papalayo.
Nang hindi na siya makita nagkatitigan kami ni Kyle. Awkward!
"'Yung batang 'yon talaga. Tara na?" pag-aya niya sakin.
Tumango lang ako.
Tahimik pa rin ang byahe namin pauwi. Hindi ko alam if ako lang ba ang na-a-awkwardan. Dahil talaga to sa batang' yon. Nagkaroon tuloy ng tension samin.
"Saan ang bahay niyo?" Pagbasag niya sa katahimikan.
Tinuro ko naman sa kaniya. Alas otso na pala ng nakauwi ako. Baka pagalitan na naman ako nito.
"Salamat sa paghatid Kyle ha." sabi ko bago ako bumaba sa sasakyan niya.
"No problem. Ako na ang gagawa ng papers natin."
Bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan niya. Bigla niya akong pinaharap sa kaniya atsaka Bigla siyang lumapit sa bandang tenga ko kaya napapikit ako.
"Thanks for today at yung sinabi kanina ng bata, I know hindi na pwede pero pag pwede na, liligawan kita." I can feel the blood rushing to my cheeks.
Dahan dahan siyang lumayo at ngumiti. Tulala pa rin ako hindi ko namalayan nakababa na pala ako.
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Kyle. Ako? Liligawan niya?
Hindi talaga ako makakatulog nito.
****************************
As promised, eto na ang update. Please vote and comment. Peace out. Love ya'll madehh._inuhzzz
![](https://img.wattpad.com/cover/222205818-288-k772228.jpg)
YOU ARE READING
Azuncion Series #1: Start of Something Surreal
RomansaTinitingnan ko ang likod niya habang siya ay naglalakad palayo. He always does that, walk away. Will he be back, like he did, or be completely gone? I rather choose the latter. It is better if he won't come back anymore dahil wala na siyang babalika...