Chapter 13

52 2 0
                                    

"Ha? Hindi mo naman ako sinabihan. Kaden naman eh..." tumitingin ako ngayon sa salamin at inaayos ang mukha ko.

"I told you just now, didn't I?" pilosopo. Nagawa niya pang matawa sa mga time na 'to.

"Pilosopo." I muttered. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aayos ko ng mukha ko. Baka sabihing balahura akong babae. Magugustuhan kaya nila ako? Ano kayang iisipin nila? Kinakabahan talaga ako.

Naramdaman siguro ni Kaden ang pagiging kabado ko kaya hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi nagtagal dumating na din kami sa bahay nila. Nang bumaba kami binigay ni Kaden ang susi sa isang lalaki. Kagaya ng ginawa niya noong nag house celebration din dito.

Inaayos ayos ko pa ang buhok ko.

"Kaden okay lang ba yung buhok ko?" tanong ko sa kaniya at sinuklay sinuklay pa gamit ang daliri ko.

"You're beautiful." nag-blush naman ako sa sinabi niya.

"Kaden sa susunod nalang kaya?" may pag aalangan kong sabi.

"Don't worry, they will like you." pagsisigurado niya saakin.

Papasok na kami ng sinalubong kami ng mga maids at pinapunta sa dining area nila. Hindi ko pa napuntahan ang dining area nila noong house party pero sobrang laki. May chandelier sa gitna at napakahaba ng mesa.

Pagpunta namin sa dining area sinalubong kami ng isang sophisticated na babae at intimidating na lalaki. Nangangatog talaga ang tuhod ko.

"Hijo..." lumapit ang babae kay Kaden at niyakap niya ito. I assume this is his mom. "I miss you.." humiwalay ang babae sa kaniya at tiningnan ako.

"And this is Zeida, I assume?" kilala niya ako. "Kaden mentioned you once in a while." she hugged me too.

"Good evening po..mam" bati ko sa kanila baka isipin nila na rude ako.

"You're too formal, call me Tita Jade and this is your Tito Alex" nag nod naman ako ng kaunti.

Hid Dad also hugged him.

"Come. Let's eat." aya samin ng Dad niya. Hinawakan niya ang bewang ko papuntang dining table.

He pulled the chair for me. "Thank you.." I said in a small voice. Kaden is not the showy type of boyfriend. But he does sweet unexpected things.

Hindi nagtagal ay sinerve na rin ang food. Maraming food na hinanda parang pinaghandaan talaga.

"It's good that you came, hijo. How's school?" pag-oopen ng mom niya ng topic. Hindi pa talaga ako sanay na tawagin siyang Tita.

"I'm fine, Mom. How long will you stay here?"

"We are going to be here for a week dahil pupunta kami ng States dahil may partnership pa kaming aayusin." pag-eexplain ng Mommy niya. They must be a really busy people. "So hija anong kukunin mo pagmag-co-college kana?" tanong niya sakin.

"Umm.. business management po, ma-- ay tita." nagkakamali parin talaga ako. She just smiled at my mistake

"So kailan ang kasal?" mabilaukan ako sa tanong niya.

"P-po?" nagulat ako. Highschool pa lang kami, gosh. Tumingin ako kay Kaden para humingi ng tulong pero patuloy pa rin siya sa pagkain.

"Hon, hindi pa nila sila ready." sabi naman ni Tito. Hay thanks, Tito.

"Pero sasabihin ko lang in-advance ha." pagbitin niya ng sasabihin. "I want many apo, okay?" mas lalo ako nabulunan. Tulong, Kaden.

"Mom, don't worry. You'll have that after marriage." pinanlakihan ko siya ng mata. 'Tong lalaking to, matapos lang talaga kami.

"Hija, anong ginagawa ng parents mo?" pag-iiba ng topic ni Tito.

"Nag-ta-transport po kami ng antique furnitures around Asia." sabi ko.

"What's your last name, hija?"

"Baceña po." sagot ko.

"Is your dad, CJ Baceña?" curious niyang tanong.

"Yes po. Kilala niyo po siya?" nagtatakang tanong ko.

"Really? We were close friends when we were in college but we haven't seen each other in a while." kaya pala hindi nagalit si Daddy ng malaman niya Azuncion ang last name ni Kaden.

"Talaga po? Sasabihin ko po sa kaniya." nakangiting sabi ko.

"What a small world we have, Hon." sabi naman ni Tita.

Nag-ku-kwento lang sila about sa college days nila hanggang sa natapos kami sa pagkain. Okay naman ang parents ni Kaden. They are fun to be with. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ang cold ni Kaden. Welcoming naman ang parents niya, hindi ko alam kung saan siya nagmana.

Nag-usap si Kaden at Tito sa second floor kaya naiwan kami ni Tita. Dinala niya ako sa garden nila at umupo kami sa two chair table. Nagpahatid siya ng dalawang shake para saamin.

"You know what, hija, I'm happy for Kaden. He grew to be a cold man. Kasama niya paglaki sina Jerick, Aron and Valerie. They were his bestfriends." kwento ni Tita. Nakikinig lang ako sa kaniya.

"They help him have a social life. Especially Valerie. For him, she was like a big sister. Lahat ata ng hindi ko alam, alam ni Valerie." pag-continue ni Tita.

"But when Valerie flew, and transferred, Kaden grew colder. Hindi nila alam ang reason kung bakit bigla nalang siyang umalis. Mas naging distant si Kaden halos sa lahat." Ganoon pala ang reason kung bakit ang cold niya. Nacu-curious na tuloy ako kung anong reason ni Valerie bakit siya umalis.

"Kaya I'm thankful sa'yo dahil Kaden changed I can see. I can see how he looked at you. You made him better, Zeida. You are his reason to be better, hija." napangiti ako sa sinabi ni Tita.

"Take care of him, hija. I love that boy, he's still my little, clumpsy Kaden. I like you for my son."

"No worries, Tita. I love your son po and I'll continue to love him and I won't give him up. I promise." pag-a-assure ko sa kaniya. Sa narinig ko kay Tita, mas lalo akong binigyan ng reason na mas mag stay sa kaniya. I'll try to save what I can if he gives up. If he gives up, I will find one more reason to stay by his side.

"That's good to hear, hija." naputol nalang ang pag-uusap namin ng dumating na si Tito at Kaden.

Hinatid nila kami sa main door. "Mauuna na po kami." pagpapaalam ko sa kanila. Hinug ako ni Tita. "Keep your promise, okay?" bulong saakin ni Tita. Bumitiw kami at nag-nod ako sa kaniya. Hinug ko narin si Tito.

Nagpaalam na rin si Kaden sa kanila at tinungo na namin ang sasakyan niya. Nakangiti ako habang papunta sa sasakyan niya.

"Are you happy?" tanong niya saakin. Nag-stop kami sa paglalakad. "Yes naman. Nagustuhan ba nila ako?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Even if they don't like you, I still love you and I'll always love you. I can give up everything I have for you, baby." and with that I fell for Kaden Javier Azuncion all over again. I fell deep for him and I don't think  I can get back up.

Azuncion Series #1: Start of Something SurrealWhere stories live. Discover now