"So, bakit mo gustong mag-Public Ad?"
"Actually, hindi ko rin po alam...sabi lang po kasi sa akin ng kaibigan ko, maganda daw."
"Aba...bakit? Ano bang nangyari sa iyo?"
"Ayaw na po kasi nila akong i-readmit sa Engg."
"I know that feeling. Marami na ring pumunta dito na gusto sa Public Ad dahil wala silang choice."
Totoo nga siguro ang sabi ng mga matatanda na sadyang mapagbiro ang buhay. Kahit anong gawin mong pagpaplano at pagsusumikap na makontrol ang takbo nito, sadyang may mga pagkakataong gusto ka lang niyang paglaruan at tignan kung anong mangyayari sa iyo. Kung iisipin, marahil isa nga lang tayong laruan sa isang napakalaking kuwento na mas astig pa sa larong The Sims.
At least doon sa laro na iyon, mas madalas na pantasya ang nagagawa ng mga naglalaro, sa isang mundo na para bang wala problema at pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo. Magandang lugar upang tumakas sa sakit ng ulo na ibinibigay ng buhay sa atin. Sa laro, nagagawa nating maisabuhay ang gusto natin sa ating mga sarili - mapaitsura man o kaya pangarap na trabaho. Ngunit sa bandang huli, malamang sa malamang, iiyak ka na lang sa harap ng computer dahil napakaliit ang tsansang ito'y matutupad.
Kung itatanong niyo kung anong situwasyon ko ngayon sa laro ng buhay, isipin niyo ang isang runner na nadapa, puno ng sugat at gasgas at halos di na nakabangon pa. Pero kahit na ganoon, nagsusumikap pa rin siyang tumayo at humabol kahit na ang dami nang naka-alpas. Baka sakaling makahabol.
*****
Sa totoo lang, hindi ko nga mawari kung bakit dito ko naisipang mag-shift. Hindi talaga ako sigurado sa kursong pinasukan ko. Kumbaga, out of the blue lang yung desisyon. Hindi naman ako nawala ng matagal sa university pero parang naninibago ako sa lahat ng bagay. Bagong profs, bagong librong babasahin, bagong pagkain na kakainin kapag lunch, bagong mga kaibigan, bagong ruta pauwi.
Ah, basta. Ang mahalaga sa akin ngayon, gusto ko nang grumaduate, tapos magkatrabaho. At magkaroon ng bagong buhay.
"Oh, Public Ad! Sinong bababa?"
Muntik na akong mawala sa ulirat at makalagpas sa destinasyon kung di lang sa pagsigaw ng drayber sa akin. Kung bakit kasi lutang ang utak ko sa mga di inaasahang oras. Teka, anong oras na ba? Hindi pa naman ata ako late pero hinihintay na sigurado nila ako.
"Huy, Gab! Kanina ka pa namin hinihintay! Amin na yung bayad mo!"
Ay, oo nga pala, di ko pa pala nabigay ambag ko sa jeep. May pupuntahan pala kami kaya pala ako nandito, Lunes na Lunes. Yung itsura ko pa, naka-long sleeves at pantalon, daig pa ang executive o kung ano man. Pupunta lang naman kami dun para mag-tour.
Hindi ko nga mawari kung bakit kailangan ko pang mag-ambag. Kung tutuusin pwede naman akong dumiretso sa pupuntahan namin dahil 1) malapit lang sa bahay at 2) ilang milyong beses na akong napadpad doon. Weh, di nga.
"Hi, Gab!" Bati ng mga babaeng dumaan sa akin nang natanaw nila ako sa bintana. Tawa naman itong mga kaklase ko. "Kayo, ha! Bakit si Gab lang binabati niyo?"
Hindi na lang ako nakapagsalita; natawa na lang ako ng kaunti. Ewan ko ba kung anong meron sa akin. Hindi naman ako ganung kagwapo o kayaman pero sadyang natutuwa sila kapag nakikita nila ako.
Wala na lang akong nagawa kundi ngumiti habang nasa dulo ng jeep, naghihintay sa pag-andar nito. Habang usad-pagong itong palabas ng kalsada, napabuntong-hininga na lang ako, iniisip kung sigurado na ba talaga ako sa daang sinusubukan kong tahakin.
Heto na naman tayo.
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...