First Day

4K 87 8
                                    

"Is this PA 11 WFV?"

Biglang natahimik ang lahat ng dumating ang magiging professor namin. Ako naman, nakaupo lang sa isang sulok dahil wala akong makausap. Wala nga akong katabi, eh. Ganun lang siguro talaga dahil first day ko ngayon.

"Good morning class...I'm Prof. Myrna Baylon." Sabay sulat ng kanyang pangalan sa whiteboard. "I'll be your instructor for PA 11: Introduction to Public Administration. Actually kababalik ko lang from my doctoral studies in the UK so...hindi ako masyadong prepared. Please bear with me for now, okay? Not expecting na ang dami niyo pala."

Maninibago nga talaga ako sa bago kong course. Actually, sinabi na sa akin ni Vernon lahat ng kailangan kong asahan. Madami daw kailangang pag-aralan, at di ka makaka-survive nang di nagbabasa ng mga readings para sa mga lecture. Asahan ko na rin daw na magsulat ng sangkatutak na papers at gumawa ng field work sa mga government agencies para sa group projects. Magiging boring daw sa simula pero sinabi niyang masasanay din daw ako.

Iba ito sa buhay ko dati sa CompSci na puro programming at codes ang ginagawa namin. Compared sa college ko noon, mas simple buhay dito. Tahimik, saka mas kaunti ang estudyante. Di katulad sa CompSci na may Macs, dito matututo kang hanapin mga kailangan mong libro manually. Saka mukhang down-to-earth naman mga estudyante - simple lang sila, di katulad ng mga science geeks at rich kids na kaklase ko dati.

"Please get a copy of the syllabus. Nandiyan lahat ng details ng mga pag-aaralan natin for the sem. I will explain that later. And would you mind finding a partner? We'll have a getting to know session."

Problema ko, wala akong katabi - wala akong makapartner.

Sabay namang may dumating na mukhang magiging kaklase din namin. Teka, wait lang...sabi ko na nga ba eh!

"Sorry, mam...I'm late." Sabi niya, halata mong napagod siya sa pag-mamadali. Nasa 3rd floor pa naman classroom namin.

"Next time, be mindful of your schedule, okay?" First day na first day, sinungitan tuloy siya. "Sige, please get a copy of the syllabus over here...and, lahat ba nakapag-group na?"

Ako po, wala pa.

"Uhm, would you like to group with..."

"Arino po."

"Okay, you group with Mr..."

"Ignacio po."

"Okay guys, let's start...nasa board yung mga kailangan niyong itanong about your partner. Feel free to talk about yourselves - magiging classmates niyo sila throughout the sem so, you have to be close with them."

Sa simula, nagkaka-hiyaan pa ang mga tao dahil sa activity. Parang kami lang ng katabi ko ngayon. Nahalata niya siguro na ako yung katitigan at ka-ngitian niya nung isang araw. Awkward moment.

"I think nakita na kita dati?" Pambungad ko sa kanya, pinipilit na alalahanin ang mukha niya. "Ay, oo! Ikaw yung nakita ko sa registrar nung enrollment."

Nag-agree naman siya. "Natandaan mo pa pala!" Natawa siya ng kaunti. "Akalain mo iyon, magiging classmates pa tayo dito. Small world."

"Public Ad ka rin pala?"

"Oo...pero shiftee din ako dati, from PolSci. Ikaw?"

"CompSci ako dati kaso nag-LOA ako. Nag-work kasi ako. Teka, anong name mo pala?" Sabay kuha ng papel at ballpen mula sa bag ko.

Julian Paolo Arino. Akalain mo, parehas pala kami ng edad? 20 na rin siya ay gaya ko, shiftee din dito sa Public Ad. Matangkad na buff, kamag-anak siguro niya si Nora Aunor dahil pareho silang may nunal. Siya yung tipong prepped up, maayos pumorma. Feeling ko mayaman 'to.

"5 minutes to go, guys...then we'll start with the introductions, okay?"

Nagmadali na kaming magpakilala sa isa't isa. Pero siyempre, hindi ko inamin kung anong nakaraan ko sa kanya. Palusot ko na lang na call center agent ako dati. Sa ibang bagay naman eh naging totoo naman ako - na kay lola akong nakatira at mga pinsan ko katropa ko, na siya naman eh galing sa isang Catholic school na kalaban namin dati at active siya sa student council.

Sa puntong iyon eh mukhang nakapalagayang-loob ko na siya. Mukhang marami naman kaming similarities. Magaan loob ko sa kanya kahit na parang nawe-weirduhan ako sa kanya dati.

Mukhang si Jules na ang magiging buddy ko sa buong stay ko sa college. Sana.

ElesiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon