Breaktime ko noon kaya naisipan kong tumambay sa canteen. Ako lang ata walang klase kapag ganitong oras kaya wala akong napapansing mga tao. Di pa naman ako gutom kaya naisip kong mag-basa na lang ng readings para sa next subject.
Sabay dating naman ni Jules na naka-porma na naman gaya ng lagi niyang ginagawa. Polo, tie, jeans at pants...di mo malaman kung nag-aaral na 'to o nagtatrabaho na eh. Kumaway siya nang makita niya akong mag-isa sa mesa.
"Oh...di ka pa kakain?" Bungad niya sa akin. "Mukhang sineseryoso mo iyang mga readings ah."
"Hindi ko kasi alam anong lalabas sa quiz, eh. Wala kasi akong ma-gets. Alam mo ba 'to?" Sabay pahiram sa kanya ng mga readings na hawak ko.
"Hmm..." Napaisip siya kunwari. "Ang dali lang nito eh. Politics - administration dichotomy: yung concept na dapat striktong pinapatupad ng bureaucracy kung ano mang law yung ginagawa ng state actors...legislature, for one."
Bureaucracy? State actors? Wala pa rin akong na-gets. Pero kahit papaano halata mo sa kanya na madami na siyang alam sa mga topic naman sa klase. Ang mas astig pa nito eh paano niya napagsasabay yung pag-aaral niya sa involvement niya sa kung ano-ano.
"Kumain ka na?"
"Busog na ako, kumain na kasi ako dun sa press conference na pinuntahan namin kanina. Ikaw?"
Okay pa naman tiyan ko.
"Wait lang...may org ka na ba?"
"Org? Meron ako dati kaso binitawan ko na."
"Baka gusto mong sumali sa amin!"
Para bang excited na excited siya sa sinabi niyang iyon. Ako naman napa-kirat lang ng mata, napaisip bigla. "Pwede, kaso baka di ko maasikaso iyan eh...balak ko kasi sanang mag-hanap ng part-time."
"Masaya kaya sa amin! Sayang din iyon ano. Saka wag mong isipin iyon - gabi naman lagi mga GA kung meron. Madalas nga tambay lang ginagawa namin eh. Ayaw mo nun, para marami kang makilala dito sa college."
At mukhang magsisimula ko na ngang makilala ang ilan sa kanila.
"Huy Jules! Kanina ka pa namin hinahanap eh...nasaan na yung cover letters para sa organizing committee?"
"Saka yung reaction mo daw dun sa bagong house bill..."
Pakilala ko sila sa inyo:
*Si Zack ang resident nerd ng klase. Wala nang dadaig pa sa kanya sa pag-uno sa mga quizzes at exams namin. Pero di mo naman mahahalata iyon sa kanya dahil sa kakenkoyan niya.
*Si Timi naman ang parang girl version ni Jules. Lagi siyang naka-smart casual at soft-spoken kung magsalita. Ang alam ko, may boyfriend siyang nasa Law school.
*Si Imman naman ang simple guy ng barkada. Hindi siya masyadong active sa extra-curriculars pero sa narinig ko, magaling siyang kumanta. Graduating na siya next year.
*Si Angel naman ang resident probinsyana, simple at medyo painosente ang look. Pero madalas, siya ang source ng mga tsismis at jokes sa college, kahit na minsan corny.
*Si Kat ay...uhm...medyo isip bata. Maganda, cute, at di suplada. Kung di siya naglalaro as varsity sa badminton, inuubos niya oras niya sa mga K-Pop groups na kinaadikan niya. Laging good vibes kapag nakikita ko siya.
Kasama si Jules, sila mga nakakasama ko sa araw-araw na buhay sa college. Madalas kami magkakatabi sa mga klase o kaya naman kasama ko kapag lunch, group activities, o simpleng tambay lang. Kahit papaano, di na ako loner simula ng nakasama ko sila.
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...