Inlababo

3.3K 76 8
                                    

Pagkatapos ng lunch ay isa-isa na silang nag-alisan sa Mini Stop. Si Timi, sinundo ng boyfriend niyang taga-Law school. Si Zack at Angel naman, umuwi na. Si Imman at Kat, magkasama namang bumalik sa school. So sinong natira? Kami ni Jules. Lagi naman ganun.

"Crush mo si Kat, ano?"

Putik naman, oh. Naalala ko na naman siya tuloy. Napansin niya siguro kung paano ako tumingin sa kanya kapag magkasama kami.

"Well, oo." Pag-amin ko sa kanya.

"Nice naman!" Grabe naman makatapik 'to sa akin. "So, ano...kailan mo balak bakuran?"

Anong pinagsasabi ng lokong 'to?

"I mean...kailan mo liligawan? Sige ka, balita pa naman namin may nanliligaw sa kanyang taga-Arki. Maunahan ka pa nun."

"Wala pa akong balak. Saka parang masyado namang mabilis iyon...di pa nga kami close masyado eh."

Tumawa lang si Jules. "Asus, close close ka pa diyan. Huwag mo sabihin wala kang chicks dati?"

Aminado naman ako noong high school ako, kahit na nung nasa CompSci ako dati, dami ko talagang kalokohan sa buhay. Masama ba kung aminin ko yung mga kapilyuhan namin ng barkada ko dati? Lalo na 'pag lasing at wala na sa wisyo ang utak.

Hindi ako nagtatagal sa mga girlfriend ko dati. Lahat naman ng lalaki dumaan sa ganung situwasyon. Kunwari liligawan, pakikiligin, pero kapag kayo na, bigla ka na lang magsasawa, tapos hihiwalayan mo. Hearbreaker ika nga. Maganda nga yung babae, sexy...pero kung minsan di mo matiis ang ugali.

Pero di ibig sabihin na wala akong hinahanap sa babae. Ewan ko, pero nakikita ko iyon kay Kat. Hindi siya high maintenance - simple lang, cute, laging nakangiti. Advantage pa na kaklase ko siya at kasama ko siya sa org. Siya yung tipong seseryosohin mo, kahit kung minsan isip-bata.

Ang sabit lang doon ay kung malaman niya nakaraan ko.

"Huy...natulala ka diyan." Bumalik ako sa wisyo sa pagsigaw ni Jules. "Mamaya ka na mag-imagine diyan. Dami pa kaya nating gagawin." Sabay balik sa pag-tap sa tablet na hawak niya.

Biglang namang nag-ring ang kanyang cellphone.

"Pucha! Tuloy ang budget cut?!"

Halata mo ang pag-aalala ni Jules habang nakikipagusap sa telepono. Alam mo iyon, mayaman siya pero isa siya sa mga may paki-alam sa ganung issue. Ako nga, ako na mismong apektado, di ko man lang naisip iyon. Di ko nga alam kung magkano itatapyas sa budget. Parang normal na lang kasing nangyayari iyon.

Kung ganun lang sana mga estudyante sa university namin. Nakakalungkot na marami sa kanila, parang wala lang yung mga nangyayari sa bansa natin. Alam lang nila magdrama sa mga syota nila o kaya magreklamo kung bakit wala silang bagong gadget o di sila nakainom ng paborito nilang Starbucks. Di nila nakikita kung paano nahihirapan ang maraming tao na mabuhay sa araw-araw. Akala nila, mahihingi lang nila ang lahat.

"Gab, tara...may emergency meeting daw sa SC."

ElesiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon