"Sigurado ka ba dito sa pinasukan natin?"
Ito na lang nasabi ko kay Vernon habang sabay kaming nakatayo sa harap ng isang spa kung saan kami magtatrabaho. Pasimula na ng gabi, at napadpad kami bigla sa isang sulok ng lungsod na kilala sa masigla nitong night life. Kapag nagawi ka dito, akala mo busy lang lahat ng tao na kumain, tumawa, makipag-date, uminom o pumarty, pero habang palalim na ang gabi, doon na lumalabas ang tinatago nitong mga sikreto.
"Pwede ka namang umayaw kung gusto mo. Tinutulungan lang naman kita, eh." Pabiro niyang sagot niya sa akin, dahil alam naman niyang wala akong magagawa. Aminado ako, kinakabahan ako. Kung di lang sana gipit sa pera. Ano bang masama kung di mo susubukan, di ba?
"Okay lang 'yan..." Sabay tapik niya sa balikat ko. "Ganyan din ako nung umpisa. Pero masasanay ka rin. Huwag kang mag-alala. Akong bahala sa iyo."
Kahit papaano natanggal din ang kaba ko sa mga sinabi niya.
Si Vernon na ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pagpasok mo sa loob, akala mo normal na massage parlor lang ang lahat. May receptionist, dekorasyon para may ambiance, kumpleto pa sa price list. Anong gusto mo - traditional? Shiatsu? Thai? Hilot? Lahat siguro ng maiisip mo, baka meron sila. Hindi na rin naman ako inosente sa ganung bagay.
Pero habang papasok ka pa sa loob, doon mo na mapagtatanto ang lahat. Isang kwartong salamin ang dingding na para bang kahawig ng tindahan ng lechon sa kanto. Pangit man ang icomparison ko pero parang ganun na rin ang pakiramdam. Kung sa bagay, masarap kumain ng manok paminsan-minsan pero yung pakiramdam na...ah, basta.
Sinalubong kami ng isang lalaki - medyo may edad na pero matipuno pa rin, alam mong adik sa gym at tambay ng mga men's beauty pageant.
"Oh hi, Papa Vernon! Kala ko di ka darating!" Boses pa lang niya alam ko na kung ano siya, at kung anong trip niya sa buhay.
"Ang fresh mo ngayon ah, in fairness...oh, wait..."
Sabay tutok ng tingin sa akin. Sa mata, sa mukha, pababa ng pababa sa aking katawan, na para bang naglalaway sa isang chocolate cake na kunwaring nasa harapan niya. Awkward, pero kailangan kong masanay.
"Siya ba yung kinukuwento mo sa akin? Pasok na ito sa jar!" Sabay halakhak na parang si Satanas na nagdiriwang ng nalalapit na katapusan ng mundo. "Feslak pa lang, ulam na! Yay! Oh wait, ano bang name ng papable na ito?"
"Gab." Nagawa ko pa rin siyang sagutin ng may confidence. Samahan mo pa ng killer smile. Wala na. Taob na.
"Hi Papa Gab! Sure kang magaling kang mag-masahe ha!" Sabay tawa ulit. "Alam mo naman...pero kung sabagay, iba naman pala habol ng mga customer natin. Nauntog ata ako, nakalimutan ko tuloy!"
"Baka kasi dahil gwapo 'tong kaibigan ko kaya nakalimutan mo!" Sabat bigla ni Vernon sa usapan.
"Echosera ka!"
Alam kong pinipilit lang niyang tanggalin ang kaba ko.
Inikot na ako ng manager sa loob - ang mga VIP rooms, mga sauna, mga showers...at ang mahiwagang kwartong magiging tambayan namin kapag walang customer. Maaga pa naman, may oras pa kaming maghanda. Ligo, ayos ng buhok, pabango, sabay suot ng "uniform". Di nga - kailangan pa naming maghanda sa trabahong ito?
Ang sagwa din palang makita ang pagkatao ng kaibigan mo, lalo pa't sa situwasyon na itong magiging magkatrabaho na kami. Ganun din naman siguro siya sa akin. Pinipilit na lang naming patayin ang oras habang tinuturuan niya ako ng tamang diskarte, anupa't dalawa lang kaming nakatoka noong gabing iyon.
Mahaba nga ang gabi. Sobrang haba, di ko alam kung matatapos ko pa ito nang di nalalaspag ang katawan at utak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2896504-288-k660548.jpg)
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...