Dumating ako sa tutorial center na na-we-weirduhan pa rin sa mga nangyari. Para bang naulanan na ako ng malisya dahil sa nangyari sa amin ni PJ. O baka mas maiging sabihing na-trauma ako. Kung alam lang ng mga kasama namin kung anong himala naganap dito nung isang araw.
Nagkunwari lang si PJ na walang nangyari; nagbatian pa rin kami at nagngitian gaya ng dati. Pero siyempre, iba na ibig sabihin nun. Hindi muna kami nagusap hanggang sa nag-closing na.
Inaya ko siya sa convenience store, sabi ko libre ko. Madami sigurado kaming kailangang pag-usapan.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya pagpasok namin sa loob.
"Hindi pa ako gutom eh...Slurpee na lang kaya?"
"Adik ka rin pala sa Slurpee." Natawa na lang ako. "So anong gusto mo? May Coke dito saka Strawberry..."
"Ay, walang Mountain Dew?" Meron palang ganung flavor. Nag-inarte pa siya.
At nauwi ang lahat sa pag-order namin ng dalawa malaking Slurpee saka tsitsirya, sabay tambay sa pinakamalapit na mesa. Di na mahalaga yung binili kasi iba naman talaga pakay namin dito.
Tahimik lang kami habang sinisipsip yung Slurpee na hawak namin, naghihintayan sa kung sinong mauunang magsalita.
"So bakit mo 'ko linibre nito?" Pambungad niya sa akin.
"Pa-inosente ka pa dyan." Binara ko siya tuloy. "O baka nakalimutan mo na yung nangyari sa 'tin nung Friday..."
"Ah, okay...naalala mo pa rin pala." Halata mong nahihiya siya habang nakatingin sa akin. "Ewan ko pero parang nasapian ata ako nun. Sorry talaga. Sorry."
Aminado akong nagulat ako sa mga nangyari nung isang gabi. Kahit naman sino siguro magkakaganoon. Yung bigla ka na lang niyang susunggaban tapos kung anu-ano nang kalokohang nangyari kasunod?
Pero ang di ko maisip eh...bakit di ako nanlaban? Pwede namang sinuntok ko siya o kung ano, pero di ko ginawa. Nakisakay pa nga ako.
"Nagulat lang siguro ako sa mga nangyari. Sa itsura mong iyan? Di ko aakalaing may tinatago ka." Awkward silence ulit.
"So dual ka?"
"Dual?"
"Dual...as in, bisexual."
"Hindi."
"Eh, ngayon?"
Lakas ding magtanong ng lokong 'to.
"Sorry na...please? Di na kita tatanungin."
Kung alam lang niyang naka-ilang milyong beses na experience na ako sa mga kagaya niya bago pa siya.
"Saan ka pala nag-aaral?"
Aba, kapitbahay lang pala namin. Yung headquarters ng mga conyo sa Pilipinas. Yung #1 sa Basketball. May mga narinig na rin akong tsismis na maraming gaya niya sa school nila, pero kung iisipin, kahit saan naman ata meron. Uso kasi.
Nagpa-ikot-ikot muna ang usapan. Awkward moment ulit. Naisipan ko ulit siyang tanungin.
"So...bakit mo nga ginawa?"
Kinikilig lang siya. "Di ko napigilan, eh!"
"Huwag mo sabihing ginawa mo din iyon sa ibang tutor!"
"Hindi ano. Promise." Sabay taas ng kanang kamay niya.
"Hala ka..." Sabay pang-aasar ko sa kanya. "Malay mo may STD or AIDS na pala ako."
"Weh...maniwala ako sa iyo." Tawa lang siya. Mukhang mas marami pa siyang alam kaysa sa inaakala ko.
"So ngayon...ano nang plano mo?" Isang mabigat na tanong sa kanya - hindi naman pwedeng magiwasan na lang kami, ano.
"Wala lang. Pwede naman siguro tayong maging friends, di ba?" Napaisip na lang ako.
"Hindi ka ba na-a-awkwardan na ganun? Eh di pa nga tayo magkakilala may nangyari na sa atin."
At biglang naiba ang usapan. "Kung magiging tayo kaya...anong gusto mong tawagan natin sa isa't isa? Dude? Babe?"
Bilis naman nito. "May pangalan ako, ano. Dan Gabriel Ignacio. Gab na lang, o kaya Riel. Besides, hindi naman tayo, di ba?"
Boom! Ang sakit siguro nun sa kanya.
"Seryoso naman nito." Pero nagkusa pa rin siyang i-abot ng kamay niya sa akin.
"PJ."
Sabay tago ng mukha niya sa suot niyang hoodie. Nagkangitian na lang kami sa isa't isa.
Sa text at sa Facebook na lang kami nag-uusap kapag walang trabaho. Kahit papaano, may nakakausap na ako na hindi acad-related, sa bahay, o kaya hindi si Vernon. Nakakatuwa personality niya - masayahin, mahilig mag-joke - di gaya ko na seryoso palagi sa mga bagay-bagay.
Nung sumunod na linggo, nagkasundo kaming pumunta sa kanila pagkatapos ng trabaho. Ano na naman kayang nasa utak niya? Bahala na.
Sa bagay. Nag-eenjoy naman akong kasama siya. Feeling ko, para ko na rin siyang kapatid. Pilyo at malokong kapatid na kailangan ng kakaibang disiplina.
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...