P1.5 billion - ito ang halagang mawawala sa budget ng university namin sa susunod na taon.
Halata mo ang tensyon sa loob ng kwarto habang naguusap ang mga student council officials at leader ng org tungkol sa mga mangyayari. Oo, nasanay na sila na dagdag-bawas ang budget kada taon, pero itong taon ay record holder. Saan kukunin ng university yung pera? Malamang sa malamang, susubukan nilang itaas ulit ang tuition.
"Pasado na daw sa committee..." Paliwanang ng student council president habang nakatayo sa harap ng mga taong nagsisiksikan sa kwarto. "Hindi sila nakikinig sa atin, kahit sa University president. Mas may nangangailangan pa daw ng pera bukod sa atin. Ang nakakainis, yung mga alumni natin sa kongreso, sila pa ang promotor nung cut."
"Umasa pa kayong magbabago isip nila." Sigaw naman ng isa sa gitna ng bulungan ng mga tao. "Hangga't gobyerno niya nakaupo, magiging ganyan ang policy. At mas stubborn ang kongreso. Sa senado baka may chance pang mabago isip nila."
At nagsimula na ang sisihan. Sinisi ng iba ang isang partido dahil di umepekto lobbying nila sa mga kongresista. Balik naman ng isa, wala di naman daw ang kabilang partido para suportahan ang mga kakampi nila sa progressive block.
"So, anong plano natin?"
Mas lalo nang nagkagulo sa kwarto. Kanya-kanyang diskarte ang gusto ng mga grupo - rally, sugurin ang kongreso. Ang iba gusto sa Senado. Ang iba mas gustong magfocus na lang sa final reading bago mapasa ang Budget. Skeptical naman ang iba sa magiging tagumpay ng kung ano mang aksyon.
Tapos biglang may sumigaw sa likod ko.
Lumapit si Jules sa whiteboard at pinakalma ang lahat. "Tahimik muna kayo, okay. Di tayo magkakasundo ng ganyan!"
Isa-isa niyang tinawag ang mga tao at nagsimula sa kanyang balak.
"Yung Kasama group, asan?" Nagtaasan ng kamay ang mga members nito. "Set kayo ng date ng rally. Invite niyo lahat ng dean at faculty, pati si President. Yung mga kakampi nating artista, singer, profs...kahit mga congressmen convince niyo sumama. Contact niyo na din lahat ng SUCs."
"Bigkis group? Expert kayo sa legislative matters - we need you in the senate. Padalhan niyo lahat ng senators ng position papers. If needed, talk to them. Make sure invited tayo sa lahat ng budget hearings. Make noise in the media."
"Yung mga SC presidents, asan? Gawa na kayo ng statement. Mag-meeting sa lahat ng colleges. Kailangan nilang malaman ng details. Nasaan ang student paper? Same to the orgs. Spread the word."
At sa oras na iyon bigla na lang natahimik ang lahat at natulala sa kung paano inaayos ni Jules ang situwasyon. Para bang lahat, gusto siyang sundin. Kanya-kanyang trabaho muna ang lahat. Busy naman si Jules na makipagusap sa kung sinu-sino. Nakalimutan ko na anong oras na kami natapos; hindi ko alam ganun pala ka-tensyonado sila kapag may ganitong situwasyon.
Mas humanga ako kay Jules habang nakikita ko siyang nagtatrabaho. Kung ganun lang sana dedikasyon ng ibang student leaders, mas lalo na ng mga estudyante. Kung may maitutulong lang sana ako sa situwasyon.
"Kahit huwag ka nang sumama sa rally..." Paki-usap sa akin ni Jules. "Hindi mo alam baka magkagulo pa doon."
Kahit doon na lang sana, mapakita ko suporta ko, hindi man ako sigurado sa magiging resulta ng gagawin namin. Hindi na lang ito para sa akin - para sa ibang estudyanteng gaya ko, at para sa iba, at sa mga susunod pa na maaring di na makarating sa kolehiyo.
*****
Sa araw ng rally, sabay-sabay nagdagsaan ang libo-libong estudyante papunta sa Senado. Hindi ko na alam gaano kalayo narating namin; hindi mo rin mararamdaman sa lakas ng suporta ng mga kapwa estudyante, profs, mga pulitiko at leader ng mga NGO. Kahit sa pagkakataon lang na ito, lahat nagkaisa. Lahat may paki-alam.
Walang pagbabago, sa ilalim ng pangulo!
Edukasyon, edukasyon, karapatan ng mamamayan!
Budget cut sa SUCs...ibasura!
Palakas ng palakas ang hiyaw hanggang sa nakarating na kami sa aming destinasyon. Naka-abang na ang mga pulis at ang mga barikada sa amin. Ngunit mas nakahanada kami na ipagtanggol ang aming mga sarili. Sa tingin ko, nasa amin ang katwiran.
Tumayo si Jules sa taas ng isang van; hinatak ang mikropono at nagsimulang magsalita. Lahat man kami doon nakikinig, tila ang mga pinararatingan namin ng mensahe'y nagbibingi-bingihan lang.
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...