For Immediate Hiring: Academic Tutor. Willing to teach Math, Science, English and other school subjects. No experience necessary.
Ito na siguro ang hinihintay kong raket. Nasabi ko na noon na may pera naman akong natatanggap kay Boss. Kaso, mas maigi na may pera akong sarili, lalo na kapag may emergency. O kahit panggala lang naming barkada. Suwerte ko kasi pasok sa schedule itong nakasulat sa advertisement.
Hindi ko alam kung may talent ba talaga ako sa pagtu-tutor. Okay naman ako sa mga bata, pero di mo lang talaga matatantsa ugali nila - makulit, kung minsan di makikipag-cooperate sa iyo. Naranasan ko na iyan sa mga pinsan ko; wala naman sigurong pagkakaiba. Makakaya ko naman siguro - kahit di ko na matandaan yung mga tinuro sa mga subjects ko dati.
Dali-dali akong lumapit sa payphone upang tawagan ang hotline na naka-paskil.
"High Achiever...good afternoon!" Sagot sa akin ng babae sa kabilang linya.
"Uhm...hello po." Nalilito pa ako kung itutuloy ko pa pakikipag-usap sa kanya. "Nakita ko po kasi yung ad niyo...naghahanap daw po kayo ng tutor?"
"Mag-aaply ka? Sige...padala na lang ng requirements: dalawang 2x2 picture, resume, saka copy ng grades and current schedule. I guess you're still studying?"
"Yes, mam. Saan po ulit office niyo?"
Binigay naman ng kausap ko yung mga detalye. Mukhang mabait naman siya. Ngunit dahil sa dami ng ginagawa ko, mga ilang araw pa muna ang inantay ko bago tumuloy sa opisina nila.
*****
Matatanaw mo na agad ang opisina nila bago ka pa bumaba ng jeep. Maliit lang siya, pero halata mong may kinalaman sa mga bata ang negosyo nila. May mga paintings na makikita mo madalas sa mga pre-school. Colorful ang bintana, gate, pati tarpaulin nila. Pero di pa rin talaga ako sigurado sa kung anong aasahan ko.
Dali-dali kong binuksan ang glass door. Aba, wala atang tao.
"Ikaw si Gab Ignacio?" Tanong sa akin ng nerd na babae, mga less than 25 lang siguro edad niya. "Good afternoon! Ako pala si Teacher Miera..." Sabay ngiti niya sa akin.
Akalain mo yun, ang bata pa niya pero nakapagtayo na siya ng sarili niyang negosyo. Siyempre, Education ang natapos niya tapos naisipan niyang itayo yung center pagkatapos ng master's niya. Tapos ako, ayun, di pa rin nakaka-graduate.
"So anong expertise mo?"
"Actually, hindi ko rin po alam...first time ko lang po kasi." Hala, lagot. "Pero kaya ko po siguro Math or Science. Computer Science po kasi course ko dati."
"Nabasa ko nga dito...you worked na pala dati?" Reaksyon niya habang tinitignan niya resume ko. Kung alam lang niyang kalokohan lang pinaglalagay ko diyan. "Good thing you returned to school na!"
"...Don't worry...you will be trained naman on how things are done here. Basta you have the passion, mag-eenjoy ka dito. Okay?" Ngumiti siya na parang nagpapahiwatig na tanggap na ako.
Pero di muna ako agad sumabak sa trabaho. May mga aptitude test pa akong sinagutan saka observation at demo sa mga bata. Mukhang ayos naman sila - halos lahat, sa private school nag-aaral. May pre-school, elementary, pati high school. May makukulit, pero yung iba maayos namang makisama sa iyo.
Kumpara sa trabaho ko dati sa spa, di hamak na mas mababa suweldo dito. Pero ayos lang, at least legal yung trabaho at malapit sa school. Saka mukhang masaya, at marami kang matutunan.
*****
Palubog na ang araw pero dagsa pa rin mga estudyante para magpatutor sa amin. Kanya-kaya kang account na hinahawakan everyday. Tinitignan namin mga homework, mga letters sa magulang, tumutulong sa projects, o gaya ngayon, review para sa periodicals. Kaso sa dami ng dumadating, talagang kulang kami sa tao.
"Good afternoon, Teacher PJ!" Bati sa kanya ng boss namin, pati na rin ng mga kapwa tutor. Ewan ko kung bakit teacher tawag nila sa amin. Siguro dahil parang ganun na rin ginagawa namin dito - o baka sign of respect.
"Teacher Gab, siya pala si Teacher PJ...matagal na namin siyang tutor dito..." Ngumiti lang siya sa akin habang kumakaway ako sa kanya.
Gabi na nang naubos ang mga estudyante. Pero di pa tapos ang araw. May mga nakaschedule pa ngang kambal na darating until 7. Kami na lang naiwan ni PJ habang hinihintay ang pagdating nila.
"Kayo na bahala dito ah...heto susi, paiwan na lang kay manong guard pag-labas ninyo. Iwan na lang kayo ng note kung may tumawag or anything."
Mga ilang minuto pag-alis niya ay biglang nag-ring ang telepono.
"Teacher Gab...sorry kung late ako tumawag. We had an emergency...maybe next week na lang kami magpatutor ulit..."
Uwian na!
"Anong sabi?" Reaksyon ni PJ habang nakatingin lang sa akin.
"Di daw muna sila magpatutor."
"Tara!" Parang tuwang-tuwa din siya. Excited lang din siguro siyang umuwi gaya ko. "Ligpit na tayo!"
Bilang kami na lang naiwan sa loob, kami na nagayos ng board at mga mesa, pati mga laruan at librong nakakalat. Siya sa baba; ako naman umakyat sa kabilang room para maglinis.
Salamat at natapos din, nakakapagod kaya. Huli kong pinatay ang air-con para makapag-ready na kaming umalis.
"Teacher Gab...okay na ba diyan?" Sigaw ni PJ habang paakyat sa taas.
"Ah, eh...okay na! Tara, close na natin."
Moment of silence. Sinara ni PJ ang pinto ng classroom.
"Wait...bakit mo sinara?!"
"Sabi mo close ko, di ba?"
Bigla na lang niya akong sinungaban, sabay agaw ng halik sa akin. Ang bilis ng pangyayari. Sa pagpatay niya ng ilaw doon naman nasindihan ang kapilyuhan namin.
Hindi ko na naintindihan yung mga sumunod na nangyari. Basta alam ko lang, hingal na hingal ako. Mas lalo na siya.
Patrick Joseph Vergara. 18 years old. Akalain mo iyon, kahit na mas bata siya (at mukha talagang bata kaysa sa akin) ay nagawa niyang maging ganung ka-aggressive. Nung una ko siyang makita akala ko siya lang yung normal freshie/sophomore na makulit at isip bata.
Kung alam lang nila.
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...