Medyo matagal din bago nagkaroon ng customer. Malalaman mo naman iyon kapag tumunog na ang bell sa receptionist - ibig sabihin, kailangan na naming umayos sa loob.
Sinamahan ng manager ang customer papunta sa tambayan namin. Oo, medyo nakakaba pero pinipilit na lang naming maging chill kahit na wala kaming ideya sa nangyayari sa labas. Sinusubukan ko na lang basahin sa bibig kung ano man ang pinaguusapan nila.
"Ay, parang lugi ka tonight ah. Sila lang dalawa ngayon?"
"Ewan ko ba sa mga lokaret. But wait, look oh, may bago pala kaming papable!"
Sabay tingin sa akin ng lalaki mula sa salamin. Halata sa itsura nung lalaki na isa siyang yuppie. Marahil, naghahanap lang ng pangtanggal ng kanyang pagod...parang di ata ito bagay sa hanap niya, ah? Hindi kaya mas lalo lang siyang maubusan ng lakas?
"Oh. He looks cute. Sure kang magaling iyan?"
"Sa masahe...o sa chorva?" Yung tawa nila, sa sobrang lakas tagos na sa kwarto namin. Pati tuloy kami, napatawa na rin.
Wala na rin sigurong nagawa ang customer kaya ako na lang tinuro niya. Hindi naman siya yung baklang sugar mommy (o daddy?) na kinakatakot ko. Bata naman, mga nasa mid-20s, mukhang professional...at sa totoo lang, straight. Mas lalaki pa sa mga ka-tropa ko.
"Gab, ito pala first client natin for tonight. Say hi!"
"Hi, sir!" Mukhang na-offend ata siya.
"Ikaw naman! Parang magka-age lang ata tayo." Kung alam lang niya na menor de edad pa ako.
"Regular nating customer iyan kaya...naku, prove yourself. Or else tsugibells ka na bukas. Okay?"
Ngumiti na lang ako para ma-assure siyang makakayanan ko. Sana.
At sa pagpasok namin sa loob ng kwarto, kahit papaano alam ko na ang drill. "So...anong gusto mong massage?"
"Kahit ano...ikaw lang naman habol ko dito." Sabay kindat niya sa akin.
At doon na nagsimula ang lahat. Siyempre di ko na ikukuwento; alam niyo na rin naman siguro. Magagalit ang MTRCB.
*****
Umaga na rin nang nakauwi ako sa bahay. Para sa unang araw sa trabaho, okay na rin kung tutuusin. Buti na lang arawan ang bayad at, seryoso, binigyan ako nung customer kagabi ng malaking tip.
Sa totoo lang, nakalimutan ko rin nung gabi na trabaho ang ginagawa ko. Naiisip ko, nag-eenjoy lang ako gaya ng mga kapilyuhang ginagawa ko nung high school. Wala ka namang magagawa pero kung hahanapan mo ng interesanteng bagay yung ginagawa mo, lalo pa't may kaibigan kang kasama, okay na rin. Gumagaan din pakiramdam at nawawala ang kaba.
"O, Gab...ginabi ka ata." Bati sa akin ni lola habang nakahiga sa kama. Mabuti na lang nagkukusa ang mga pinsan kong tumambay sa bahay para alagaan siya. Bakit, damay din kaya sila sa kikitain ko!
"Eh, lola...first day ko po sa call center."
Call center agent? Baka. Tagasagot ng tawag ng laman siguro!
Natawa na lang ako sa sarili ko.
*****
At sa sumunod na mga buwan, ganun na ang pinagka-abalahan ko sa buhay. Dami ko na ring mga nakilala na customer, mga ka-trabaho, kahit na yung mga negosyo sa tabi ng spa namin. Hindi ba nila nahahalata kung anong kababalaghang meron dito? Siyempre, gaya ng lahat ng nasa paligid, alam nila ang sikreto. Kumikita sila doon eh, alangan namang magsumbungan sila.
Ang mas pinagtataka ko...bakit di man lang pinupuntahan ng mga pulis ang lugar na 'to? Aba'y asahan mo nang parokyano din sila ng mga GROs na tine-take-out nila sa mga bar. Kung di naman "entertainment" ang habol nila, kotong...protection money. Kaya kahit na bukas na libro sa mga kapitbahay ang mga nagaganap dito, parang wala lang...sinuksok siguro nila ang pera sa mga tenga nila kaya sila nabingi at tinakip sa mata kaya sila nabulag sa katotohanan.
Pero kakaiba ang situwasyon ng spa namin...naalala ko.
"Dude! Bakit may special plate tayo sa labas?"
Tinanong ko kung anong meron sa kotseng nakaparada. May plakang "8" ito, kaya alam mong pulitiko siya. Ganung kasikat ang tambayan namin na kahit mga sikat na tao, napapadpad dito. Ewan ko na lang kung bakit di sila natitsismis.
"Okay...nandyan si boss! Tagal na niyang di napapadad dito ah! Naku...galante iyan! Malay mo siya na maging sagot sa problema mo!"
Mag-dilang anghel ka sana, pare ko.
BINABASA MO ANG
Elesi
Teen FictionWinner of The Wattys 2015 - Best TNT Panalo Story Bumalik si Gab sa kolehiyo na may hiling - wala sanang maka-alam ng nakaraan niya. May sikretong bang di nabubunyag? Magagawa na kaya ni Gab na magsimula ulit, lalo na't nakilala niya ang bagong kaib...